Chapter 56 : Last Part

43 5 0
                                    

Last Part

Nakita ko ang pag ngisi ni Natalie at Asher sa isa't isa.

'What you say and do never fails to impress me. If that's what you want, let us protect you while you fight, Ms. Ashford.' Sabi ni Natalie.

Hinugot ko ang espadang nakasabit sa aking bewang na sakto namang dala dala ko. Naramdaman ko ang pag-iiba ng kulay ng aking mga mata. Sumugod ang ibang mga bampira sa akin. Tatlo silang huminto sa harap ko at pinalibutan ako. Ang tingin ko at nasa bampirang kaharap ko. Mabilis na tumakbo sila pa ikot sa akin. Para lang silang mga hangin dahil sa bilis ng pagtakbo nila.

Pinakiramdaman ko silang tatlo at naging alerto nang maramdaman ang presensya ng isa na papasugod sa akin. Iniwasan ko ang mahahabang kuko niya na papunta sa tiyan ko. Gano'n din ang ginawa ko sa iba. Matapos namin kalabanin ang mga bampira na sumugod sa amin ay nagpatuloy kami pagpunta sa pinasukan ng mga bampira.

Napahinto kami sa pagtakbo nang makita sila Aruna, Felix at Cole na nasa gitna ng mga bampira. Pero hindi sila sinusugod ng mga bampira na nasa paligid nila. Parang huminto lahat ng nasa paligid ko at napahinto ako sa pag-iisip nang lapitan sila ng isang bampira na parang kinakausap sila.

"P-paanong?" Tanging nasabi ko nalang.

"I'm not surprised. After all, they are vampires." Sabi ni Natalie.

~~~

Natalie

"This is what you mean by what you said to me." Sabi ni Asher.

"Does Ms. Yvaine know about this?" Tumango ako kay Amber.

"Yes, I was there when everything was being planned."

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Amber at nagtatakang nakatingin naman si Asher.

"Don't get mad at them because they've done all of this. You should be proud of them because they're doing this." Sagot ko sa kanila.

Lalo silang nagtaka dahil sa sinabi ko pero nginitian ko lang sila. Binalik namin ang tingin sa kanila na ngayon ay nakatingin na rin sa amin. Aruna's bored face, Felix's emotionless face, and Cole's serious face. The strong and powerful presence they have. Perfect. Pinalibutan kami ng maraming bampira.

Pero bago pa sila makalapit sa amin ay nakita namin ang pagsugod nila Felix. Pero hindi sa amin, kun'di sa mga bampirang nakapalibot sa amin. Ang mabibilis na galaw nila Felix at Cole, and lakas na binibigay ni Aruna. There's no doubt why Ms. Yvaine chose and trust them. Mabilis na natalo nila ang mga bampira.

"Nice." Sabi ko.

"Oh bilib ka nanaman." Tinignan ko nang masama si Cole.

"Sira, hindi ka kasama do'n. Kay Aruna ko lang sinabi 'yon." Sabi ko naman sa kanya. Inirapan niya lang ako. Mukhang buang ba.

"We will explain everything later." Sabi ni Felix dahil nakatingin lang sa kanila si Amber at Asher.

"Tara na. Nasa gubat sila." Sabi ni Aruna.

Nagtanguan nalang kami bago pumunta doon. Nakarating kami sa gubat at nakita sila Waver doon. May kaniya-kaniyang kalaban sila Ms. Yvaine, Ms. Selene, at Mr. Bryant. At halatang hindi rin basta basta ang mga kalaban nila. Si Waver ay may kalaban na isang lalaking bampira. At kalaban naman ni Ms. Bellamy si Warren.

Mahahalata ang lakas nilang dalawa. Ang nakakatakot na tingin na binibigay nila sa isa't isa. Kahit walang mga reaksyon ang kanilang mga mukha ay nakakatakot pa rin ang mga ito. Lumapit si Aruna kay Ms. Selene para tulungan ito, lumapit naman si Felix kay Mr. Bryant at si Cole naman ay kay Ms. Yvaine.

Napatingin ako kay Waver nang makita sa gilid ng aking mata ang pagtalsik niya. Tumama siya sa isang puno. Shit! Pinalabas ko si Neoma sa loob ko. Kusa itong tumakbo sa direksyon nila at hindi siya napansin ng bampirang kalaban ni Waver kaya hindi niya naiwasan ang pagkagat ni Neoma sa kanya. Tumakbo ako papunta sa kanila. Naalala kong iniwan ni Waver ang alaga niya para sa magbabantay sa mga bata. Umupo ako sa tabi niya at tinulungan siyang tumayo.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ko sa kanya.

Tanging tango lang ang sinagot niya sa akin. Nagulat ako nang makitang tumalsik si Neoma.

'Neoma!'

"I'm okay.' Sagot niya sa akin.

"I didn't see that coming." Napatingin ako sa lalaking bampira.

Tinitignan niya ang ayos niya. Gusot gusot na ang damit niya at may mga sugat na rin siya at sa tingin ko ang iba roon ay galing kay Neoma. Deserve. Tumingin siya sa akin matapos niyang makita ang ayos niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Isang ngisi ang gumuhit sa labi nito. Ano 'to kakambal ni Felix?

"Beautiful. I'm confident that you'll satisfy me." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"What the fuck did you just say?" Napatingin ako kay Waver.

Medyo napa atras pa ako dahil sa nakakatakot na tingin nito. Maayos na ang pagkakatayo niya at parang walang kahit na anong sakit na nararamdaman sa katawan. Parang isang hangin nawala siya sa tabi ko at napunta sa harap ng lalaki. Nakita ko rin ang gulat na bumalatay sa mukha nito. Biglang tumalsik ang lalaki at tumama siya sa isang puno.

Halos mahulog ang puno dahil sa lakas ng pagkakatama niya. Napaluhod siya at nakita kong napaubo siya ng dugo. He attempted to stand up, which I think was a huge mistake. I covered my mouth, when Waver abruptly inserted his long-nailed hand into the man's chest. It splattered its blood on the tree behind them. Waver was holding his heart. Unti-unting naglaho ang lalaki at sunod nito ay ang puso niya na hawak ni Waver.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya. Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at pinunasan ang kamay niyang nababalot ng dugo.

"Why did you do that? That's so gross." Sabi ko sa kanya.

"I don't care." Napailing-iling nalang ako dahil sa sagot niya.

Tinapon ko ang panyo na pinang punas sa kamay niya. Napatingin kami sa direksyon nila Amber nang marinig ang sigaw niya. Nasa tabi niya pa rin si Asher. Tumakbo kami palapit sa kanila. Nakita naming nakaluhod na si Ms. Bellamy habang nakahawak sa tiyan niya. Napatingin na rin sa amin sila Ms. Yvaine matapos nilang matalo lahat ng kalaban nila.

Napaatras kami kay Amber nang bigla naming maramdaman ang kakaibang presensya mula sa kaniya. Ang pula niyang mata. Ibang-iba ang pagkapula nito sa mga bampira pati na rin sa mga fire wolf user. It screams power, danger, and death.

Umihip ang malakas na hangin. Her long nails, her sharp fangs, and the look she gives. It was as if a different Amber was standing in front of us. Nakaramdam ako ng matinding takot nang may lumitaw na pulang wolf sa tabi niya. Ibang-iba ito sa mga nakita kong pulang wolf. Sa isang iglap ay nawala ito sa tabi niya at nakalapit na kay Warren. Nakita namin ang ekspresyon niyang hindi rin inaasahan ang mabilisang atake nito.

Tumalsik siya at tumama sa puno. Parang isang hangin na dumaan si Amber dahil sa bilis ng takbo niya papunta kay Warren. Agad na umiwas si Warren sa atake niya. Pero dahil sa bilis ng galaw nito ay hindi niya naiwasan ang mahahabang kuko na humiwa sa tiyan niya. Mukha siyang natataranta dahil sa mabilisang atake ni Amber. Kahit ako ay hindi makita ang mga atakeng ginagawa niya.

***

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now