Chapter 24 : Their Parents

31 7 0
                                    

Their Parents

Nagising ako nang maramdamang may tumatapik sa aking pisngi. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at si Brianna ang bumungad sa akin.

"Hi po! Good Morning!" Bati niya sa akin.

"Bakit gising kana? Ang aga pa, ah." Tinignan ko ang orasan at mag aalasais palang ng umaga.

"Naiihi po ako." Sabi niya sa akin.

Natawa naman ako nang mahina bago tumayo at tinulungan siya. Ginawa ko na rin ang routine ko. Tinignan ko sila Natalie at mahimbing pa rin ang tulog nila. Lumabas kami ng kwarto ni Brianna. Pinaupo ko muna siya sa sofa at binuksan ang TV. Pumunta naman ako sa kusina para magluto ng almusal. Pagkatapos magluto ay nauna na kaming kumain ng almusal ni Brianna. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang makita namin sila Bryce at Rihanna na pumasok ng kusina. Lumapit sila sa amin.

Tinulungan ko pang umupo si Rihanna dahil medyo mataas ang upuan at hindi niya abot. Sumabay sila sa amin sa pagkain. Nagtatawanan kami habang nakain. Mabuti na lang ay nakikisabay si Bryce sa amin. Good mood ata ang batang ito. Inabot ko ang aking tubig at ininom 'yon. Muntikan ko ng mabuga ang iniinom ko nang makita ko si Asher na nakatayo sa pintuan ng kusina. Naka kross ang kaniyang kamay na nasa dibdib niya at nakasandal sa pinto ng kusina habang pinapanood kami.

Napa ayos siya ng tayo nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Nginitian ko siya na binawian naman niya ng tango at lumapit sa amin. Binati naman siya ng tatlo. Umupo siya sa tabi ni Bryce para kumain. Matapos niyang kumain ay siya na rin ang naghugas ng mga pinagkainan. Pumunta naman kami sa living room nila Brianna at nanood ng TV. Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang bumaba si Waver at pumunta sa kusina. Maya maya lang din ay bumaba na rin si Natalie.

Tinignan ko ang orasan at mag aalas nuwebe na ng umaga. Tumayo ako at pumunta sa kwarto. Naligo na ako at naghanda. Sinuot ko ang aking uniform at tinali ang buhok ko ng half ponytail. Ngayon ko nalang ulit nasuot ang uniform na 'to dahil hindi na kami napasok sa kadahilanang baka may mga bampira na nag-aabang sa amin doon. Nasabi rin naman sa amin ni Waver na sa isang paaralan na para sa mga wolf users ang papasukan namin.

"Oh, bakit ka naka uniform?" Tanong ni Natalie nang pumasok siya sa kwarto.

Hindi ko siya sinagot at tumayo. Tinulak tulak ko siya papasok sa banyo.

"Bilisan mong maligo, ah." Sabi ko sa kanya.

Bago pa siya makapagsalita ay sinara ko na ang pinto. Lumipas ang ilang minuto at lumabas na siya na nakabalot ng tuwalya. Tinuro ko yung uniform niya na nasa kama. Kahit nagtataka ay sinuot niya nalang iyon. Pagkatapos niyang mag-ayos ay hinila ko agad siya. Nagtataka naman sila Waver at Asher habang tinitignan ang suot namin.

"Bakit kayo nakasuot ng uniform? Papasok kayo?" Tanong sa amin ni Waver.

"Malayo ba dito sa yung school?"

"Oo." Sagot ni Waver sa tanong ko. "Teka nga, ano bang gagawin niyo doon? Hindi ba't napag-usapan na nating hindi na tayo papasok doon?"

"Hindi ko alam." Kibit balikat na sagot ni Natalie.

"Kakausapin namin 'yung mga magulang nila." Tukoy ko sa tatlong bata na nanonood.

"Kilala mo ang mga magulang nila?" Tanong ni Natalie sa akin.

"Sinabi ko na kagabi diba." Napakamot naman ng ulo si Natalie at parang inalala kung ano ang sinabi ko kagabi. "'Wag na kayong maraming tanong. Kailangan na nating umalis baka hindi na natin sila maabutan." Tumayo naman sila Waver at Asher.

"Malayo ang school dito kaya matatagalan kayo kung maglalakad lang kayo o sasakay." Sabi ni Waver sa amin.

"Puwede naman kayong sumakay sa mga wolf niyo." Sabi naman ni Asher.

Tumango ako sa kanila at hinila sila sa labas.

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ni Brianna na nakapagpatigil sa amin.

"Kayo nalang ang pumunta maiiwan nalang ako dito." Tumango kami kay Waver at nagdire-diretso na papunta sa labas. Pumunta kami sa gubat na nasa tapat lang ng bahay ni Waver. Pinalabas ni Natalie at Asher ang mga wolf nila.

"Tara na." Sabi ni Asher sa akin.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan niya akong sumakay. Lumipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa school. Huminto kami kung saan walang kahit na sino ang pwedeng makakita sa amin. Pagkababa namin ay tumakbo agad kami papasok sa loob. Nilibot ko ang paningin sa paligid.

"Mag hiwa-hiwalay tayo." Sabi ni Asher sa amin.

"Teka, kilala niyo ba sila Mrs. Yvaine 'tsaka si Mr. Bryant?" Tanong ko sa kanila.

"Kilala ko sila." Sagot ni Asher.

"Kilala ko rin sila." Sagot naman ni Natalie.

Nag hiwa-hiwalay kami at hinanap sila Mrs. Yvaine at Mr. Bryant. Huminto ako at iniisip kung saan sila posibleng pumunta. Naisip ko ang opisina ni Mrs. Yvaine kaya pumunta ako sa katapat ng building namin at umakyat sa second floor. Hinihingal na tumigil ako sa tapat ng office niya. Kumatok ako ng tatlong beses. Pero walang sumagot kaya naisipan ko nalang pumasok nang mapansing hindi naka-lock ang pinto.

Pagpasok ko ay walang tao sa loob. Lumabas ako ng office ni Mrs. Yvaine. Naisip ko namang puntahan ang office ni Mr. Bryant. Pumunta ako sa third floor at pinuntahan ang office niya na nasa pinakadulo. Kakatok na sana ako pero napansin kong medyo nakaawang ang pinto at nakarinig ako ng nag-uusap sa loob.

"Kagabi pa nawawala ang mga bata, Bryant. What are we going to do?" Narinig ko ang boses ni Mrs. Yvaine.

"Hon, calm down." Narinig ko naman ang boses si Mr. Bryant.

"Calm down?! Bryant, how can I calm down?! Kagabi pa nawawala ang mga bata!" Narinig ko ang pag garalgal ng boses ni Mrs. Yvaine.

"Mahahanap din natin sila."

"Paano kung nakuha na pala sila ng mga bam-" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mrs. Yvaine at kumatok na ako. Baka may marinig pa ako na hindi ko dapat marinig.

"Come in." Sabi ni Mr. Bryant. Pumasok ako sa loob.

"Ms. Ashford, himala at pumasok ka. May kailangan ka ba?" Tanong sa akin ni Mr. Bryant.

"Nabalitaan ko pong hinahanap niyo ang mga anak ninyo, alam ko po kung nasaan sila." Sabi ko sa kanila.

"Nasaan sila?" Tanong sa akin ni Mrs. Yvaine.

***

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now