Chapter 21 : Waver's Sister

81 12 0
                                    

Waver's Sister

Halos isang buwan na ang nakakalipas matapos ng nangyari sa bahay ni Natalie. Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa bahay ni Waver. Hindi na kami nakabalik pa sa bahay ni Natalie dahil may ibang mga bampirang nag-aantay doon. Bumalik sila sa pagtuturo sa akin. Mas nasanay na ako sa paggamit ng espada dahil sa halos isang buwan nilang pagtuturo. Sa loob ng isang buwang pag-e-ensayo ay masasabi kong marami na akong natutunan mula sa kanila. At napatunayan ko 'yon dahil sa kulay ng espada at kuwintas ko. Kulay puti na ito. Ang sunod na kulay nito ay ang kulay ng wolf ko.

Kasalukuyan akong nandito sa likod ng bahay ni Waver. Hawak ko ang aking espada at patuloy na nag-e-ensayo mag-isa. Nasa loob silang lahat. Hinihingal na tumigil ako sa paghampas sa stick na nasa aking harapan. Ramdam ko ang aking pawis sa aking buong katawan. Binitawan ko ang aking espada at umupo sa ilalim ng isang malaking puno na nandito sa likod ng bahay ni Waver. Tinungga ko ang tubig na nasa aking gilid at pinunasan ang aking pawis.

Huminga ako nang malalim at isinandal ang aking likod. Sandali akong nagpahinga bago muling tumayo at kunin ang aking espada saka tumayo sa harap ng stick. Naramdaman ko ang isang presensya sa aking likod. Dahil sa bilis ng presensya nito ay agad kong iwinaksi ang aking espada at tinutok sa kaniya. Nanlalaki ang matang napataas ng kamay si Natalie. Ibinaba ko ang aking espada at nag-sorry sa kaniya.

"Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa diyan." Panimula niya. "Magpahinga ka muna kaya." Lumapit siya sa akin.

"Nagpahinga na ako kanina." Sabi ko at tinuloy ang aking ginagawa.

Tumahimik nalang siya at pinanood akong mag-ensayo. Nilakasan ko ang puwersang binitawan ko para sa aking huling hampas sa stick. Napangiti ako nang tuluyan itong maputol. Narinig ko ang mga palakpak ni Natalie. Inabot niya sa akin ang aking tubig nang makalapit na ako sa kaniya.

"Pagaling ka na nang pagaling. Kayang-kaya mo ng makipaglaban." Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Kaya ko na nga ba? Kaya ko na kayang makipaglaban? Pumasok kami sa loob ng bahay at dumeretso naman ako sa kuwarto. Naligo lang ako at nagpalit ng damit bago bumaba. Pumunta ako ng living room at naabutang nagla-laptop sila Waver at Asher. Umupo ako sa tabi ni Natalie at sumandal sa upuan. Sinandal ko ang akong ulo at pumikit. Ilang minuto lang akong pumikit hanggang sa hindi ko namalayanh nakatulog na pala ako.

Naramdaman ko ang pag-uga ng aking katawan na nagpagising sa akin. Dinilat ko ang aking mata at nakita si Natalie.

"Tayo na diyan. Kakain na tayo." Bulong niya. Kusa akong napatingin sa labas. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang madilim na.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya.

"Magse-seven na. Halos walong oras ka na ring tulog." Sabi niya.

"Ha? Eh, bakit hindi niyo ako ginising?"

"Sinusubukan kitang gisingin kanina para kumain ng tanghalian pero mahimbing ang tulog mo." Kamot ulong sagot niya. Napahawak ako sa aking tiyan nang kumalam ito. "Tara na, siguradong gutom ka na."

Tumayo na ako at pumunta kami sa dining room saka kumain. Matapos kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Nabalutan ng katahimikan ang buong bahay. Ako na lamang ang nandito sa baba at nasa taas na silang tatlo. Naisipan kong tumambay muna sa labas nang hindi makaramdam ng antok. Umupo ako sa gilid at pinakatitigan ang maliwanag na buwan at kumikinang na mga bituin.

Malamig ang hangin na tumatama sa aking balat at tanging ingay ng mga kuliglib ang maririnig sa paligid. Hindi naman madilim ang daan dahil sa mga street na nakapaskil sa bawat gilid. Natigilan at halos mapatalon ako nang bigla na lamang may sumulpot sa aking tabi. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Waver lang ito. Umupo siya sa tabi ko. Nginitian niya ako na siyang ginantihan ko. Ibinalik ko ang aking pansin sa kalangitan at nakita kong gano'n din ang ginawa niya.

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now