Chapter 15 : Training

81 11 0
                                    

Training

Lumipas ang dalawang linggo na tinuturuan nila ako. Hapon na at nandito pa rin kami sa gitna ng gubat kung saan nila ako tinuturuan. Kinuha ko ang aking espada. Napaatras ako dahil sa gulat nang pagharap ko sa kanila ay sinugod na ako ni Natalie. Iniwasan ko ang kaniyang espada. Kusang kumikilos ang kamay kong may hawak ng espada dahil na rin siguro sa pagkataranta. Tanging tunog ng aming espada lang ang ingay sa paligid.

Pinapanood lamang kami ni Waver at Asher. Napaatras ako dahil sa lakas ng puwersa na binigay ni Natalie. Muli siyang sumugot at mas lumakas ang puwersang binabato kesa kanina. Dahil dito ay paatras ako nang paatras.

"Lakasan mo, Amber." Utos niya nang mapansin ang panghihina ng atake ko.

Sinubukan kong bigyang puwersa ang aking mga atake pero hindi nito natapatan ang lakas na binibigay niya. Nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lamang sumulpot sila Waver at sinabayan ang mga atake ni Natalie.

"H-hoy! Teka! Lugi ako sa inyo!" Singhal ko pero hindi nila ito pinansin.

Huminto sila at pinalibutan ako. Nasa harap ko si Natalie. Nasa likod ko naman si Waver at nasa bandang gilid ko si Asher. Hinanda ko ang aking sarili at pinakiramdaman ang mga magiging atake nila. Unang sumugod sa akin si Natalie sunod si Asher at Waver. Nilalabanan ko ang puwersang binibigay nila sa akin. Sumasakit na ang mga braso ko. Pero pilit ko pa ring nilalakasan ang mga atake ko.

Inatras ko ng isang hakbang ang aking kaliwang paa at umikot para makaharap ko silang tatlo. Hinihingal na huminto ako.

"Time out!" Usal ko. Binitawan ko anh aking espada at napaupo. Kinuha ko ang inabot na tubig ni Natalie.

"You're improving." She complimented. Ngumiti siya sa akin na siyang ginantihan ko at ininom ang tubig na hawak.

"Nagkakaroon na ng kulay ang kuwintas mo," turo ni Asher sa kuwintas na binigay sa akin ni Waver.

Napatingin ako doon pati na rin sila Natalie at Waver. Meron na ngang kulay ang kuwintas. Kulay itim ang nakita ko dito.

"Bakit kulay itim?" Tanong ko sa kanila.

"Mag sisimula ang kulay na 'yan sa itim sunod ay puti at sunod naman ang magiging kulay ng wolf mo. Kapag naging puti 'yan ibig sabihin gumagaling ka na at onti nalang mapapalabas mo na ang wolf na nasa loob mo. Kaya maging handa ka." Paliwanag sa akin ni Natalie.

"Pati ang espada mo kulay itim na rin," turo ni Waver sa espada na nasa tabi ko. Tinignan ko rin iyon at nakita ko ang wolf na nasa gitna nito at kulay itim na nga rin ito.

"Konting pag-e-ensayo pa at mapapalabas mo na rin ang magiging alaga at kakampi mo." Napangiti ako sa sinabi ni Waver.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil tinutulungan nila ako. Nandito sila sa tabi ko simula nang mawala si Mama. Nandito sila sa tabi ko noong mga araw na walang-wala at hinang-hina ako. At nandito sila para protektahan ako. Tinutulungan nila ako kahit na alam nilang posibleng malagay sa kapahamakan ang mga buhay nila. Natigilan ako nang maramdaman ang paghawak ni Natalie sa kaliwang kamay ko at nginitian ako. Napairap naman ako dahil binasa nanaman niya ang nasa isip ko.

"Sorry," nag-peace sign siya sa akin kaya natawa ako.

Nagkwentuhan lang kami at tawanan. Ngunit napahinto ako sa pag-tawa nang may maramdaman akong kakaibang presensya. Napansin kong gano'n din sila.

"A-ano yon?" Kinakabahang tanong ko sa kanila. Pinisil ni Natalie ang kaliwang kamay ko.

'Wag kayong mag papahalata.' Narinig ko ang boses ni Waver sa isip ko.

Katulad nga ng sinabi niya ay hindi kami nag pahalata. Bumalik kami sa pag kukuwentuhan. Napaangat ang tingin ko nang may mahagip ang mata ko sa likod nila Waver at Asher. Madilim ang bahaging 'yon. Hindi ko alam pero parang may nakita akong tao doon. Hindi ko pinahalata ang tingin ko doon at pinagpatuloy ang pakikipag-kuwentuhan sa kanila. Nabaling ang aking pansin kay Asher na siyang kaharap ko. Nakatingin siya nang diretso sa aking mga mata.

Nakita ko ang pag-iiba ng kulay ng mga mata niya. Napansin kong gano'n din sila Natalie at Waver. Mahigpit ang pagkakahawak ni Natalie sa kamay ko na tipong mawawala ako ano mang oras. Tumayo kami. Pero kasabay ng pag-tayo namin ay ang paglabas ng mga lalaking kanina pa namin napapansin sa paligid. Sabay-sabay silang sumugod sa amin.

Agad kong kinuha ang aking espada at binawi ang aking kamay kay Natalie. Napatingin naman siya sa akin nang mabitawan niya ito.

"'Wag kang mag-alala sa akin, Natalie." Tumango nalang siya sa akin at hinanda na rin ang kaniyang espada. Hindi muna nila pinalabas ang kanilang mga wolf. Pinalibutan kami ng mga lalaki.

Nagkahiwa-hiwalay kami nang sinugod kami ng mga ito. Dalawang lalaki ang nasa harap ko. Alam kong mga bampira ang mga ito. Bukod sa dahilang sila lang naman ang gustong kumuha at pumatay sa akin ay kulay pula ang kanilang mga mata at makikita rin ang kanilang mga pangil sa tuwing binubuksan nila ang kanilang mga bibig.

Hinanda ko ang aking espadang hawak at pinakiramdaman silang dalawa. Naging alerto ako nang sumugod na sila sa akin. Pilit kong sinasangga ang aking mabibilis na mga atake. Ginagamit ko rin ang mga natutunan ko mula sa pag-e-ensayo. Napadaing at napaatras ako nang biglang makalmot ng isang lalaki ang kaliwang braso ko. Iniwasan kong ipakita sa kanila ang sakit na nararamdaman.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulo ng aking dugo sa braso ko. Napansin ko rin ang pagtingin nila Natalie sa akin habang nakikipaglaban pa rin. Hindi ko na sila tinuonan ng pansin at nanatiling naka-pokus ang aking tingin sa mga lalaking nasa harap ko. Nakatitig na sila sa dugong nasa braso ko. Nakita ko ang lalong pagtulis ng kanilang mga pangil nang makita ang pagtulo nito.

Muli kong tinaas ang aking espada nang sumugod sila sa akin. Ramdam ko ang gigil na binibigay nila sa kanilang bawat atake. Paulit-ulit nilang binibigyang pansin ang dugong patuloy na tumutulo sa aking braso. Binigyan kong puwersa ang lahat ng atake ko. Napasinghap ako nang bigla na lamang maramdaman ang mga matulis na kuko ng isang lalaki na tumama sa aking kabilang braso.

Hindi ko napigilang mapapikit dahil dito. Damn! It hurts so bad! Naramdaman ko ang panghihina ng aking kamay. Huminga ako nang malalim at agad na napadilat nang maramdaman ang presensya na papunta sa akin. Dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman ko ay mas lalong lumakas ang aking mga atake. I tried to bend my back when the guy tried to scratch my face.

"Damn, dude! Not my face." This bastard. Nakita ko pa ang paglingon nila Natalie sa gawin ko. Pero imbis na pag-aalala ay tawa ang narinig ko mula sa kanila.

I positioned my hands that were holding the sword to the side and made a fast turn, then sliced their faces and arms. Gulat ang kanilang mga mukha at tila hindi inasahan ang mabilis na atake ko. Yup, thanks to my good trainers. They taught me a lot. Hindi ko napigilan ang ngiting gumuhit sa aking labi nang hawakan nila ang kanilang mga sugat. Great job, Amber! I'm proud of myself!

Nawala ang kanilang atensyon sa akin. Ginamit kong pagkakataon iyon para muling sumugod sa kanila. Ang sabi sa akin nila Waver ay mapapatay ko lamang sila kung sasaksakin ko sila sa bandang dibdib. Hindi ko man gustuhing pumatay ay wala akong choice. It's either I'm the one who's going to die or I'm going to kill them.

I made a fast move and plunged my sword into their chest. Kasabay ng pagtumba nila ay ang paglaho nila sa aking harapan. Hinihingal na binitawan ko aking espada at sumandal sa punong malapit sa akin. Napansin kong tapos na rin makipaglaban sila Natalie at mukhang pinapanood na lamang akong kalabanin ang mga bampira kanina. They didn't even help me. What a good friends.

***

Her Hidden WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon