Chapter 44 : With Them Again

18 5 0
                                    

With Them Again

Nakauwi na kami ngayon sa bahay ni Waver at kasama namin si Amber at Aruna, pati na rin ang dalawang bampira. Sila Ms. Yvaine at Ms. Selene naman ay umalis at sabi nila babalik din sila kaagad.

Nandito kami sa sala nila Asher, Felix, Cole at Aruna, habang sila Waver at Amber naman ay nasa labas.

"Paano kayo nagkakilala ni Amber?" Agad na tanong ko kay Aruna. Pati sila Asher ay nasa amin ang atensyon.

"Anak ako ni Ms. Selene." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya pati na rin ang lalaking nasa tabi ko na si Cole.

"Ibig sabihin wolf user ka din?"

"Hindi. Ampon ako ni Ms. Selene. Isa akong tao." Sagot niya sa tanong ko. Lahat kami ay gulat dahil sa huli niyang sinabi. Isa siyang tao.

"B-bakit ganyan ang reaksyon ninyo?"

"Hindi lang kami makapaniwala." Sagot ni Cole. Tumango-tango naman siya at naiilang na iniwas ang tingin dahil sa mga tingin namin sa kanya.

"You're making her uncomfortable." Napatingin kami kay Felix. Parehas na silang may hawak na libro ni Asher.

"Ay, sorry." Sabay na sabi namin ni Cole.

"Ayos lang." Nginitian niya kami.

~~~

Amber

"Kumusta?" Tanong ni Waver sa akin. Naglalakad lakad kami ngayon sa labas.

"Ayos naman. Mababait ang mga nakasama ko. Hindi ko pa din napapalabas yung wolf ko. Sa tingin ko wala na siyang balak lumabas." Parehas kaming natawa dahil sa sinabi ko.

"Alam mo na kung anong klaseng wolf ang meron ka, hindi ba?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Sinabi sa akin ni Ms. Yvaine. At kinuwento niya din sa akin ang tungkol kela Mama."

Napahinto kami sa paglalakad nang may maramdamang ibang presensya. Nagkatinginan kaming dalawa bago tumakbo papunta sa gubat. Hindi ba nila kami bibigyan ng pahinga. Kahit isang araw lang. Huminto kami sa pagtakbo nang palibutan nila kami. Bored na tinignan ko sila nang makitang hindi sila lumalagpas ng sampu. Susugod na nga lang sila onti pa. Nagtataka na tinignan ako ni Waver dahil sa mukha ko.

"Ba't ganyan mukha mo?" Tanong niya sa akin.

"Boring. Ang onti lang nila." Sagot ko.

Natatawa naman ang reaksyon niya dahil sa sinabi ko. Kami lang ang magkapatid na nasa gitna ng laban pero nagawa pang mag-usap. Dahil wala kaming dalang espada o kahit na anong matulis na bagay ay pag ilag, pagsuntok at pagsipa lang ang nagawa namin. Ginawa kong kulay pula ang kulay ng mata ko at pinakita sa kanila ang aking pangil. Katulad ng inaasahan kong reaksyon ay natigilan sila saka tumakbo papaalis. Binalik ko ang ordinaryong kulay ng mata ko pati na rin ang aking ngipin. Nilingon ko si Waver na nasa likod ko at nagtataka ang mukha niya dahil sa pagtakbo ng mga bampira.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya bago kami umalis sa gubat na 'yon. Ang sabi sa akin ni Ms. Yvaine kailangan daw ay kami-kami muna nila Ms. Selene at Aruna ang nakakaalam tungkol sa pangil ko at kulay ng mata ko. Bumalik kami sa paglalakad pero pauwi na. Pumasok kami sa loob ng bahay nang makarating kami doon. Nasa garahe palang kami ng bahay at hindi pa tuluyan nakakapasok sa loob ay humarang na si Asher sa dadaanan namin.

"Puwede ko ba siyang makausap?" Tanong niya kay Waver.

"Mauna na ako sa loob." Tumango ako kay Waver bilang sagot.

"May sasabihin ka ba?" Sinenyasan niya akong lumabas ng garahe. Tumayo kami sa tapat ng bahay.

"Ikaw at si Aruna, kayo 'yung dalawang babaeng tumulong sa amin na makalaya sa pagkakabihag sa mga bampira at ang mga pumana ng mga bampira, hindi ba?" Oh, God! Kahit gulat ay sinigurado kong hindi iyon ipahalata sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Humarap siya sa akin at nakita ko ang pag tingin niya sa leeg ko. Hiniwa niya ang buhok kong nakaharang sa aking leeg.

"Ang mark na yan. Nakita ko 'yan sa leeg ng babaeng nakapulang balabal at naalala ko ang marka na yan sa leeg mo." Dahil sa sinabi niya ay alam kong wala na akong kawala dito.

"I-ikaw lang ba nakaka alam na kami 'yon ni Aruna?" Tanong ko sa kanya.

"Alam kong may hinala din si Waver." Sabi niya.

Napa ayos ako ng tayo nang makaramdam ng kakaibang presensya sa paligid. Malakas ito. Isang malakas at nakakakilabot na presensya. Kusang nag kulay pula ang mata ko habang nililibot ang paningin sa paligid. Binalik ko din ito sa dating kulay nang humarap ako kay Asher.

"Pumasok na tayo sa loob." Sabi niya at sinenyasan akong mauna sa paglalakad.

Pumasok na kami sa loob at nakita sila Natalie, Cole at Aruna na nagtatawanan habang si Felix naman ay nakatingin lang sa kanila o mas malinaw na sabihin, nakatingin siya kay Aruna. Isang ngisi ang gumuhit sa labi ko. Napatingin naman sa amin sila Natalie nang makita kami. Umupo ako sa tabi ni Aruna. Nagpatuloy sila sa pag-uusap at pagtatawanan. Pasimple kong binalik ang tingin kay Felix at nakatingin pa rin siya kay Aruna. Napakurap-kurap ang kanyang mata nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Nginisian ko siya at umiwas naman siya ng tingin bago tinuon ang paningin sa librong kaniyang hawak.

~~~

"Ms. Yvaine alam ni Asher at may hinala si Waver na kaming dalawa ni Aruna ang tumulong sa kanila." Tumango-tango lang si Ms. Yvaine sa sinabi ko.

"Alam ko." Nagtatakang tinignan ko siya. "'Wag kang mag-alala sinabihan ko na sila. At saka malalaman din naman nila 'pag sinabi mo na, napaaga nga lang."

"Alam din po ba nila ang tungkol sa pangil at kulay ng mata ko?"

"Hindi," umiiling na sagot niya.

Nagpaalam ako kay Ms. Yvaine bago pumunta sa kuwarto namin ni Natalie. Lumapit ako sa salamin nang maalala ang sinabi ni Asher. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa leeg ko at nakita doon ang marka ko. Kahugis nito ang kalahati ng buwan. Hindi ito ganon kalaki pero sapat na para makita. Hindi ko alam kung saan ko 'to nakuha. Habang lumalaki ako ay mas nakikita ito dahil palaki din ito nang palaki.

"What?" Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko ang bored na mukha ng babaeng wolf ko. Kamukha ko talaga siya.

"Bakit ba bigla-bigla ka nalang nasulpot? 'Tsaka anong 'what'?" Nagsalubong ang kilay niya dahil sa tanong ko.

"Ikaw ang tumawag sa akin kaya ako nandito." Nakataas ang kilay na sabi niya.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Ha? Anong tinawag?"

"Hinawakan mo ang mark na yan sa leeg mo kaya ako nandito."

"Ibig mong sabihin sa t'wing hahawakan ko ito ay lalabas ka?" Tumango-tango naman siya. "Kailan ka ba magiging wolf?"

"Girl, hangga't hindi pa kaya ng katawan mo ang magpalabas ng isang wolf ay mananatili akong ganito." Sagot naman niya.

"Gaano ka ba kalakas para hindi ka kayanin ng katawan ko?"

"Let's just say that I'm a wolf with extraordinary strength and power. Nanggaling ka sa parehong malakas at makapangyarihang angkan kaya kakaiba din ang lakas na meron ka."

***

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now