Chapter 48 : Not A Vampire

26 5 0
                                    

Not A Vampire

Nagpatuloy kami sa pakikipaglaban. Siguro kung may laser lang ang mga mata ng mga babaeng kalaban namin ngayon ay siguradong kanina pa ako nakabulagta dito. Grabeng tingin naman kasi 'yan, kulang nalang katayin nila ako. Siguro nililibing na nila ako sa isip nila.

"Grabeng inggit naman nararamdaman niyo. 'Wag sa mukha, pre! Ganda-ganda ng mukha ng kaibigan ko ikaw lang sisira." Hawak ni Cole ang kamay ng babae na dapat ay tatama sa mukha ko. Napakurap kurap ako dahil sa gulat. Pinatay niya ang babae at humarap sa akin.

"You're welcome, pre." Sabi niya bago tumakbo paalis.

"Salamat!" Sigaw ko at tinanguan niya lang ako.

Nakita kong tinulungan niya si Aruna sa mga kalaban nito. Napatingin ako sa taas ng building at tumakbo papunta sa hagdan para makaakyat doon. Hinarang ko ang apat na bampirang paalis. Nginitian ko sila nang huminto sila ng may gulat na mukha.

"Hindi pa tapos ang party aalis na agad kayo?" Tinignan nila ako nang masama.

Sinugod nila ako at hindi ko inaasahan ang lakas na meron sila. Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko. Mukhang kailangan ko ng mag-seryoso. Baka ako ang mawala 'pag nagloko pa ako dito. Hinarap ko sila. Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"H-hindi siya isang bampira. Nakita ko a-ang kwintas na suot niya kanina."

"Tama ka. Hindi nga ako isang bampira." Nginitian ko siya.

Nakita ko ang pagdaan ng pandaliang takot sa mga mata niya pero agad din 'yong napalitan ng tapang. Sila ang sumugod sa akin. Wala pang sampung minuto ay pare-parehas silang naglaho sa harap ko. Pinunasan ko ang dugo na tumulo sa labi ko.

Humarap ako sa aking likod nang makaramdam ng presensya doon. Nakita ko sila Natalie. Nanlalaki ang mata ni Natalie at Cole. Sa tingin ko nakita nila ang ginawa kong pagkagat sa huling bampirang nakalaban ko. Napakamot ako sa aking ulo habang nakatingin sa kanila. Umiiling-iling naman si Aruna at nakangisi naman si Waver. Si Asher at Felix naman ay nakatingin lang sa akin. Habang sila Ms. Yvaine at Ms. Selene naman ay nakangiti sa akin.

"You're a wolf user and not a vampire, aren't you?" Nanliliit ang mga mata na tanong ni Natalie.

Tumango lang ako sa kanya. Nagulat ako nang batukan niya si Cole na nasa tabi niya. Nagtataka ang mukha ni Cole habang hawak ang ulo niya.

"Anong ginawa ko sa 'yo at binatukan mo ako?" Kulang nalang ay sumigaw si Cole sa pagkakatanong niya.

"Alam mo tapos hindi mo sinabi sa akin. Nabubwiset ako sa 'yo!" Sagot ni Natalie. Magsasalita pa sana si Cole pero hinila na siya ni Felix.

"Sandali hindi pa ako tapos! Binatukan niya ako! Pabawi lang kahit isa." Sinubukang magpumiglas ni Cole sa pagkakahawak sa kanya ni Felix.

Hinila ni Waver si Natalie nang subukan nitong lumapit kay Cole. Umiiling na pinapanood lang namin sila. Nagulat kami nang lagyan ni Aruna ng bimpo sa bibig at may ginawa siya na naging dahilan ng pagkawala ng malay ni Cole. Napakurap-kurap naman si Felix na may hawak kay Cole.

"Masyado ka ng maingay, pre. Tulog mo nalang 'yan," sabi ni Aruna habang pinapagpagan ang dalawang kamay.

"Anong ginawa mo sa kaniya?" Nagtatakang tanong ni Felix.

"'Wag kang mag-alala, hindi pa patay 'yang kaibigan mo. Natutulog lang." Sabi niya bago umalis sa harap nito at lumapit kay Natalie.

Nakangiting inakbayan siya ni Natalie. Bumalik kami sa baba ng building. Nakita namin ang mga taong nakahiga pa din at walang malay.

"A-anong gagawin natin sa kanila?" Tanong ko kay Ms. Yvaine.

"Magigising din sila maya-maya. Iikot ang mga memorya nila ng limang minuto sa mga nangyari ngayong gabi. Makakalimutan nila ang nangyari at magpapatuloy sa kasiyahan." Pagpapaliwanag ni Ms. Yvaine.

Pinalibot ko ang paningin sa mga tao, at nahagip ng mata ko ang lalaking nakabanggan namin kanina, si Luis. Lumabas kami sa building na 'yon at dumaan sa likod kung nasaan ang sasakyan. Pumasok kami sa loob ng sasakyan pero hindi pa kami naalis. Inaantay naming magising ang mga tao. Nasa harap namin ang isang laptop at sa screen na ito ay parang mga CCTV sa loob.

Maya-maya lang ay nakita naming isa-isang nagising ang mga tao pero mukhang nag l-loading pa ang mga utak nila. Nagbukas ang iba't ibang mga ilaw at tumugtog ang malakas na music. Bumalik sila sa pagsasayaw habang ang iba naman ay bumalik sa pag-iinuman na parang walang nangyari.

Pinatay na ni Ms. Yvaine ang mga CCTV at umalis na kami sa lugar na 'yon. Unang lumabas sila Ms. Yvaine at Ms. Selene sa sasakyan. Nasa labas na kami ng sasakyan habang si Felix naman ay sinusubukang gisingin si Cole.

"Ako na gigising." Sabi ni Natalie at pumasok sa loob.

Kala namin ay tatapikin niya lang ang pisngi ni Cole pero nagulat kami nang batukan niya ito. Bigla namang nagmulat si Cole ng mata. Magsasalita sana siya pero napansin niya atang may bimpo ang bibig niya. Magkasalubong ang kilay niya habang tinatanggal ang bimpo na nasa kaniyang bibig. Napahawak siya sa kaniyang panga nang matanggal na niya ang bimpo.

"Aruna, lagot ka sa akin! Lumapit ka dito." Sabi niya at tumayo pero inakbayan siya ni Natalie.

"Ayos lang 'yan, pre. Mahalaga nakatulog ka." Sabi niya at tinapik tapik ang balikat ni Cole.

Lumabas si Natalie ng sasakyan at sumunod sa kaniya si Cole. Napaatras kami nang biglang akbayan ni Cole si Natalie na para itong sinasakal.

"Aray ko, Cole! Bitawan mo ako!" Sigaw ni Natalie.

"Kala mo nakalimutan ko 'yung ginawa mo sa akin. Ansakit sakit ng ulo ko!" Sabi ni Cole sa kanya.

"Sasapakin kita! Bitawan mo ako!" Pero hindi siya pinakinggan nito.

"Pre, lakasan mo pa! Tandaan mo binatukan ka niya ng ilang beses." Pagkunsinte naman ni Aruna kay Cole.

"Aruna! Mananagot kayo sa aking dalawa!"

Tinawanan lang sila ni Aruna. Ano bang problema ng tatlong 'to? Pag nagsasama ang iingay. Umiiling na pumasok kami sa loob habang naiwan naman sa garahe sila Natalie, Cole at Aruna na patuloy ang pagsisigawan. Mabuti nalang at walang kapitbahay si Waver dito.

***

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now