Chapter 06 : Confusion

84 9 0
                                    

Confusion

"Hawakan mo ang kwintas." Bulong sa akin ni Natalie. Kinuha ko ang kwintas na nasa bulsa ng palda ko.

Buti nalang at hindi ito nahulog no'ng tumatakbo ako. Nakahawak ang isang kamay ko sa bibig ko at ang isa naman sa kwintas na nasa bulsa ko.

Agad na umalis ang lalaki sa kinatatayuan niya, pero hindi muna kami lumabas sa pinagtataguan namin para masiguro na wala ng mga lalaki na humahabol sa akin. Umalis lang kami sa lugar na iyon nang mapansing wala na ang mga lalaki. Hinila niya ako sa isang lugar na hindi ko alam. Napansin ko lang na dinala niya ako sa isang bahay na sa tingin ko ay sa kaniya.

"Ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong ko sa kanya nang makapasok na kami.

"Oo."

Pinaupo niya ako sa sofa na nasa sala at agad pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Pagbalik niya ay doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko. Agad niya akong niyakap dahil sa biglang pag-iyak ko.

"N-natalie, si mama," hagulgol ko. "Pinatay nila si Mama." Bahagya siyang natigilan sa sunod kong sinabi.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Kinuha ko ang baso ng tubig na inabot niya sa akin.

"Hindi kita pipilitin na sabihin kung anong nangyari, pero nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap." Saad niya.

"Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Mama na nasa sala at maraming dugo." Pagsisimula ko at bahagya siyang tumahimik. "Nilapitan ko siya at tinanong kung anong nangyari pero pinapaalis niya ako dahil baka daw maabutan ako ng mga lalaki." Kinuwento ko sa kanya ang buong nangyari.

"Kilala mo ba yung mga lalaking pumunta sa bahay niyo?"

"Hindi ko kilala kung sino ang mga 'yon, ngayon ko lang sila nakita."

"Nasaan ang kwintas na binigay sayo ni Waver?" Pinakita ko naman sa kanya ang kwintas na nasa bulsa ko.

Kinuha niya yon sa kamay ko at sinuot sa akin. Tinago ko iyon sa ilalim ng uniform ko.

"Magbihis ka muna. Papahiramin nalang kita. Dito ka muna kukuha lang ako ng damit." Sabi niya sa akin at tumayo.

Tumango ako sa kanya at umakyat siya sa taas. Pag baba niya ay may dala na siyang isang itim na t-shirt at isang kulay puting short, may kasama ring underwear.

"Bago lang 'yan, hindi ko pa nagagamit ang mga damit na 'yan."

"Salamat."

Inabot niya sa akin yon at tinuro ang banyo para doon ako magbihis. Naglalagkit na ang katawan ko dahil sa pawis kaya naisipan kong maligo nalang. Nilabhan ko ang mga damit ko para may susuotin ako bukas. Lumabas ako banyo at nakita ko siyang nanonood. Umupo ako sa tabi niya at pinupunasan ang basa kong buhok.

"Dito ka nalang muna, masyadong pang delikado kung babalik ka bahay niyo. May bakanteng kwarto naman dito sa bahay, pwede kang manatili muna doon." Sumang ayon nalang ako sa kaniya dahil wala rin naman akong mapupuntahan.

"Magpapahinga na ako, Nat." Sabi ko sa kanya at tumayo.

"Teka, hindi ka ba muna kakain?"

"Hindi na, okay lang. Salamat, Natalie. Salamat talaga." Ngumiti siya sa akin.

Nagpaalam na ako sa kanya na aakyat na. Sinamahan niya naman ako at tinuro sa akin kung saan ang guest room at tinuro niya rin sa akin kung saan ang kwarto niya.

"Katok ka lang sa kwarto ko kapag may kailangan ka." Tumango ako sa kanya at pumunta na sa guest room.

Umupo ako sa kama at yinakap ang paa ko, pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko. Biglang bumalik sa isipan ko yung mga nangyari kanina. Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Sino ba ang mga lalaking yon? Bakit nila pinatay si Mama? Anong kailangan niya sa amin?

Warren, 'yan ang pangalan na narinig ko kay Mama nang tawagin niya ang lalaki na nasa harapan niya. Nakita ko ang mukha ng Warren na 'yon, no'ng humarap sila sa direksyon ko. Binaba ko ang paa ko at lumapit sa bintana ng kwarto, buti nalang may bintana dito. Tinali ko yung kurtina at binuksan yung bintana. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Kahit anong pilit kong punas dito ay hindi ito tumitigil.

Ewan ko parang narinig ko na ang pangalan na Warren. Parang hindi lang ngayong araw na ito ko narinig ang kaniyang pangalan. Pilit kong inalala kung saan ko ba narinig ang pangalan na yon. Tama! Noong namatay si Papa narinig ko si Mama na binabanggit ang pangalang Warren. Bata palang ako no'ng mamatay si Papa. Naririnig ko si Mama na binabanggit ang pangalan na yon at may kasunod pa ang mga sinasabi niya. Inalala ko ulit kung ano ang mga sinasabi ni Mama noon.

'Papatayin kita Warren. Mag babayad ka sa ginawa mo.' 'Yan ang narinig ko kay Mama. 'Yan ang sinasabi niya no'ng namatay si Papa. Hindi kaya mag kaibigan sila Papa at yung Warren? Dahil nung bata ako binanggit niya rin sa akin ang pangalan na 'yon.

Pero bakit sinasabi 'yon ni Mama kay Warren? Magbabayad ka sa ginawa mo? Sinabi niya 'yon nung namatay si Papa at binanggit niya rin ang pangalan nung Warren. Posible kayang 'yung Warren na 'yon ang pumatay kay Papa? Pero anong dahilan niya para patayin niya si Papa? May kasalanan ba sa kanya si Papa? Bakit parang ang laki ng galit niya kay Mama at Papa?

Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko at ni-isa doon ay hindi ko alam ang sagot. Napatingin ako sa pinto nang may marinig akong katok doon, bumungad sa akin ang mukha ni Natalie nang umawang nang kaunti ang pinto.

***

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now