Chapter 49 : Horror Movie

52 9 0
                                    

Horror Movie

Gabi na at gising pa din kaming tatlo nila Natalie at Aruna. Nandito kami sa kuwarto at nakaupo sa lapag. Apat na araw na din ang nakakalipas matapos nang nangyari na party. May kaniya-kaniya kaming hawak na chips habang nanonood. Mag aalauna na ng madaling araw.

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok. Nagkatinginan kaming tatlo na parang nag sesenyasan kung sino ang magbubukas. Napahinga nang malalim si Aruna at tumayo. Lumapit siya sa pintuan at binuksan ito.

"Oh ginagawa mo dito?" Pagkausap ni Aruna sa kumatok.

"Narinig ko na nanonood kayo. Sama ako. Hindi kayo nag-aaya ah." Narinig namin ang boses ni Cole.

Dito sila natutulog ni Felix simula no'ng party na 'yon. Kala mo walang mga bahay. Hindi pa siya tuluyang pinapapasok ni Aruna ay pumasok na siya sa loob.

"Hoy, anong ginagawa mo dito, ha?" Hindi niya sinagot si Natalie at umupo din sa lapag.

Sinara ni Aruna ang pinto at bumalik kung saan siya nakaupo. Wala naman kaming nagawa at nagpatuloy nalang sa panonood. Inalok ko si Cole na nasa tabi ko ng hawak kong chips. Kumuha siya pero nasa TV pa rin ang pansin. Walang gumagawa ng kahit na anong ingay at tutok na tutok sa pinapanood. Bakit ba kasi naisipan nilang manood ng nakakatakot? Pare-parehas kaming sumigaw dahil sa pagsulpot ng multo. May mga tumalsik pang mga chips.

"Ayoko na! Bakit niyo ba kasi ako inimbitahan dito!?" Sigaw ni Cole at nakabalot pa ng kumot.

"Siraulo, walang nag imbita sa 'yo dito." Sabi naman sa kaniya ni Natalie. Bumalik ang atensyon namin sa pinapanood.

"'Wag kang pupunta diyan!" Sigaw ni Cole habang nakahawak sa balikat ko at niyuyugyog ako.

"Umalis ka na diyan!" Sigaw ni Aruna sa tabi ko at katulad ni Cole at nakahawak din siya sa balikat ko. Nahihilo na ako sa dalawang 'to.

"Ang tanga mo!" Mura ni Natalie at dinuro-duro ang TV. Lutong no'n ha.

Panay lang ang subo ko ng chips na aking hawak at sila nalang ang pinapanood. Hindi ko na nagawang tignan ang TV dahil sa kanila. Anlala kasama ng mga 'to. Paano nalang kung magising ang mga kasama namin dito sa bahay? Bakit ba kasi ako pumayag dito?

"Hoy! Takbo!" Sigaw ni Cole at may kasama pang tulak sa akin. "Hala, sorry, Amber. Nadala lang."

Binalik ko nalang din ang atensyon sa pinapanood. Ano ba kasing ginagawa niya sa lugar na 'yan? Kita ng nakakatakot 'yung lugar pupuntahan. Tapos matatakot lang din naman pala. Naramdaman ko ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko dahil sa antok. Napadilat din ako dahil sa biglang sigaw ng tatlo. Tumayo ako pero mukhang hindi nila ako napapansin.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto nila Waver. Wala na akong pake, ang gusto ko nalang matulog. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip ito. Nasa iisang kuwarto lang silang apat. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang mga tulog na sila.

Pumasok ako sa loob at dahan-dahang sinara ang pintuan. Lumapit ako sa nag-iisang sofa na nandito sa kuwarto nila. Hindi naman ito gano'n kaliit kaya ayos lang. Humiga ako doon at buti nalang ay dala dala ko ang kumot ko. Narinig ko ang mga sigaw nila Natalie na nanggagaling sa kuwarto. Hindi naman ito gano'n kalakas kaya sigurado ako na hindi magigising sila Waver. Dahil na rin sa katahimikan ng kuwarto ay agad akong nakatulog.

~~~

"Bakit diyan siya natulog?"

"Ewan ko din. Hindi ko din nakita si Cole sa kama niya pagkagising ko."

Nagising ako dahil sa narinig kong mga bulungan. Unti-unti kong dinilat ang aking mata pero napapikit din agad dahil sa liwanag na tumama sa mata ko. Muli kong dinilat ang mga mata ko at sila Waver, Asher at Felix ang bumungad sa akin. Nagtataka ang kanilang mga mukha habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan naman akong tumayo.

Her Hidden WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon