Chapter 33 : Help Her

66 9 0
                                    

Help Her

"Ms. Yvaine?" Tumakbo ako palapit kung nasaan siya at tinulungan sa mga bampira.

"Amber." Tawag niya sa akin nang makita ako. Tinuloy namin ang pakikipaglaban.

"Get your hands off of me." Sabi ko sa isang bampira nang hawakan niya ako sa braso.

Napaatras sila nang bigla silang tignan nang masama ni Ms. Yvaine at naging pula ang mga mata niya. Lumabas ang mahahaba niyang pangil. Pati tuloy ako napaatras.

"T-tara na, bilisan niyo! Fire wolf 'yan!" Tapik ng isang lalaki sa mga natira niyang kasama at tumakbo sila.

Napaatras ako ng isang hakbang nang tumingin sa akin si Ms. Yvaine. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Bumalik na sa dati ang ngipin niya pati ang kulay ng kaniyang mga mata.

"Ano po palang ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Pinapunta ako ni Waver."

Ay, wow. Siya pa talaga nagpapunta kay Ms. Yvaine, ah. Kapal ng mukha ng lalaking 'yon. Bigla naman siyang tumawa kaya alam kong nabasa niya ang nasa isip ko. Pumasok na kami sa loob. Umupo agad siya sa single sofa.

"Ah, tatawagin ko lang po sila." Paalam ko sa kanya.

Tinanguan niya ako. Pumunta ako sa kusina at nakita silang nag-uusap. May hawak na baso ng tubig si Asher at Waver habang si Natalie naman ay baso ng orange juice. I cleared my throat and walk towards them. Napabaling ang atensyon nila sa akin.

"Nasa sala si Ms. Yvaine." Sabi ko sa kanila.

Tumayo naman silang tatlo at pumunta kami sa sala kung saan nakaupo si Ms. Yvaine. Umupo kaming tatlo ni Asher at Natalie sa mahabang upuan habang si Waver naman ay umupo sa single sofa na katapat lang din ng inuupuan ni Ms. Yvaine.

"Why did you call me?" Tanong sa kanya ni Ms. Yvaine.

'Ay, naks. Pa VIP ang kuya mo. Siya pa talaga nagpatawag kay Ms. Yvaine.' Sabi ni Natalie sa isip ko.

Mahina ko siyang siniko at parehas kaming natawa. Tinikom namin ang aming bibig nang balingan kami ng tingin ni Waver.

"Ingay mo kasi, eh." Bulong ko sa kaniya.

"Sira, parehas lang tayong maingay." Nanahimik na kami nang mag simulang mag-usap sila Waver at Ms. Yvaine.

"Please help Amber with her wolf. You're the only one that I know who can help her since her wolf is too strong and powerful. Kung kami ang tutulong sa kaniya maaari siyang mamatay." Sabi niya kay Ms. Yvaine.

Napasandal naman si Ms. Yvaine at tumango-tango. Pinagkross niya ang kaniyang braso pati ang paa. Nagtinginan silang dalawa ni Waver at parang nag-uusap gamit ang mga mata. Palipat-lipat lang ang tingin namin sa kanilang dalawa. Siniko ko si Asher na siyang nasa tabi ko. Dinilat niya ang kaniyang mga mata mata at tinignan ako nang nagtatanong.

"Anong ginagawa nila?" Mahina kong tanong sa kaniya at tinuro sila Ms. Yvaine at Waver.

"Nag-uusap gamit ang isipan." Simpleng sagot niya sa akin at pumikit ulit.

Napanguso nalang ako dahil sa igsi ng sinabi niya. Binalik ko ang tingin kela Ms. Yvaine. Maya-maya lang ay parehas silang nagtanguan.

"Mauna na ako. Babalik ako dito bukas para kunin si Amber. Kaya maghanda kana dahil matagal kang mawawala dito at malayo pa ang pupuntahan natin bukas." Sabi niya akin.

Nginitian niya kami bago lumabas. Hinatid naman namin siya ni Natalie sa gate.

"Salamat po, Ms. Yvaine." Tinanguan niya lang ako at nginitian bago siya nagpaalam sa amin.

Tumambay muna kami sa labas ni Natalie. Pumasok din siya sa loob nang sabihin ni Waver na gusto niya akong makausap. Umupo siya sa tabi ko.

"'Wag kang mag-alala sigurado akong matutulungan ka ni Ms. Yvaine. Siya din ang tumulong sa akin para mapalabas ang wolf ko. Kaya sigurado akong pagbalik mo dito alam mo na kung paano palabasin ang nasa loob mo." Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Alam mo ba kung saan ako dadalhin ni Ms. Yvaine bukas?" Tanong ko sa kanya.

"Alam ko pero hindi ko pwedeng sabihin sayo."

"Bakit naman?"

"Sabi niya eh." Napanguso naman ako dahil ayaw niyang sabihin sa akin. Ginulo niya ang buhok ko at mahina akong tinawanan.

"May kaibigan akong bampira." Sabi ko sa kanya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa akin at ang pagsalubong ng kilay niya.

"Sino?" Tanong niya sa akin.

"Felix ang pangalan niya at Cole naman ang pangalan ng kaibigan niya."

"Kilala ko sila." Ako naman ang napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Paano mo sila nakilala?"

"Naging kaibigan ni Mama ang mga magulang nila. Kaya pinakilala din sila sa akin ni Mama."

"Pero mga bampira ang mga magulang nila paano sila naging kaibigan ni Mama."

"Wala naman sigurong masamang magkaroon ng bampirang mga kaibigan?" Tumango naman ako sa kanya. "Nalaman nilang bampira ang tatlo sa kanila. Sinugod ng mga bampira ang bayan kung saan sila nakatira. Nasira ang bayan dahil sa laban na nangyari sa pagitan ng mga lobo at bampira. Pero sa huli nanalo ang mga lobo at napatay nila ang pinuno ng mga bampira. Pero hindi ang dalawang anak nito." Mahaba niyang paliwanag.

"Si Warren, isa siya sa anak ng dating pinuno, 'di ba?" Tumango siya sa akin bilang sagot. "Eh sino yung isa?" Nginitian niya lang ako at tinapik sa balikat.

"Masyado ka ng nagiging chismosa, princess. Pumasok kana sa loob." Sabi niya sa akin.

"Sabihin mo na kasi." Pamimilit ko.

"Bukas na."

"Eh wala ako dito bukas."

"Eh 'di pagbalik mo. Sasagutin ko lahat ng tanong mo." Napanguso nalang ako at inirapan siya. Tinawanan niya lang naman ako.

***

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now