Chapter 36 : My Wolf

29 6 0
                                    

My Wolf

Nagising ako nang marinig ang mga huni ng ibon at liwanag na natama sa mukha ko. Tinignan ko ang aking tabi at nakitang mahimbing pa ang tulog ni Aruna. Kinuha ko ang aking relo na nasa tabi ko lang para tignan ang oras. Mabuti nalang at nagdala ako ng relo. Alasais palang ng umaga. Naramdaman ko ang paggalaw ni Aruna sa aking tabi at nang tignan ko siya ay unti-unti niyang binubuksan ang kaniyang mga mata. Tumayo na ako kaya napatingin siya sa akin.

"Gising ka na rin pala." Sabi niya sa akin at tumayo sa pagkakahiga.

Inayos ko ang aking buhok pati na rin ang damit ko. Inayos muna namin ang pinaghigaan namin bago bumaba.

"Mabuti naman at gising na kayo. Maupo na kayo para mag almusal." Sabi ni Ms. Selene pagkakita sa amin.

Umupo kami ni Aruna at umupo naman silang dalawa sa harap namin. Nagsimula kaming kumain. Tunog lang ng mga kubyertos ang tanging ingay na maririnig. Matapos kumain ay kaming dalawa ni Aruna ang naghugas ng mga pinagkainan.

"Handa ka na ba Amber?" Napatingin ako kay Ms. Yvaine nang lumabas siya ng bahay at lumapit sa akin.

Tumango nalang ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang espada ko na ipinagtaka ko. Ang akala ko ba tuturuan niya akong mapalabas nag Wolf ko. Bago pa ako makapagsalita ay sinugod niya na ako na ikinabigla ko dahil sa bilis ng mga galaw niya. Nakita ko rin ang pag-iiba ng kulay ng mata niya. Pinilit kong iwasan ang mga atake niya pero nadaplisan pa rin ako sa kaliwang pisngi ko. Hindi pa rin siya tumigil sa pagsugod kahit may sugat na ako. At ang mas ikinabigla ko pa ay ang pagsali ni Ms. Selene sa laban namin.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi alam kung anong gagawin. Hinihingal na ako pero parang wala silang balak na tumigil. Nanonood lang si Aruna sa amin sa tabi. Dahil sa mga natamo kong sugat ay parang kusang gumalaw ang katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman. Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila pero napalitan rin 'yon ng kakaibang ngisi. Ngisi na parang nagtagumpay sila. Parehas ko silang nahiwa sa braso at pisngi. May tumulong dugo sa pisngi ni Ms. Yvaine at may tumulo namang dugo sa braso ni Ms. Selene.

'Don't let them beat you.'

Napatigil ako nang marinig 'yon sa isip ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid pero puro puno lang ang nakikita ko. Hinarap ko naman sila Ms. Yvaine at binigyan sila nang nagtatanong na tingin. Nagtaka sila dahil sa tingin na binibigay ko. Sino yon?

'It's me, dumb.' Lalong nagsalubong ang nga kilay ko. Who the hell is that?

'It's me your wolf.'

Ang magkasalubong kong kilay ay nawala at napalitan ng nanlalaking mga mata. Tinignan lang ako nang nagtataka nila Ms. Yvaine dahil sa mukha ko. The heck!?

"Amber!" Napapitlag ako dahil sa sigaw ni Ms. Yvaine.

"H-ha?"

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ms. Yvaine.

"A-ah, opo. Ayos lang ako. Puwede po bang magpahinga muna po tayo kahit saglit?"

"Mabuti pa nga." Sabi sa akin ni Ms. Selene. Lumapit ako kay Aruna at umupo sa upuan na nasa likod niya.

"Gamutin ko muna ang sugat mo." Pagkasabi niya no'n ay saka ko lang naramdaman ang hapdi sa kaliwang pisngi ko na nahiwa.

Ginamot 'yon ni Aruna habang ako nakatulala lang sa kawalan. Sino ang nagsalita sa isip ko?

"Lalim ng iniisip mo, ah." Napalingon ako sa may pinto nang marinig ang boses ni Ms. Yvaine. Magaling na rin ang sugat niya sa pisngi.

"Maiwan ko po muna kayo." Tinanguan ni Ms. Yvaine ni Aruna at nginitian.

Umupo si Ms. Yvaine sa tabi ko at lumanghap ng sariwang hangin. Nakatingin lang ako sa harap at gano'n din naman siya.

"Anong iniisip mo?" Hindi agad ako nakasagot sa naging tanong ni Ms. Yvaine sa akin. Mukhang iniiwasan na nilang basahin ang isip ko.

"M-may bigla po kasing nagsalita sa isip ko kanina." Sabi ko.

"Mukhang malapit na." Napalingon ako sa kaniya. "Malapit nang lumabas ang nasa loob mo." Nginitian niya ako.

"Eh ano naman pong connect no'n sa nagsalita sa isip ko?" Salubong ang kilay ko dahil sa pagtataka.

"May kakayahan ang mga wolf na kausapin ang mga amo nila. Ang alaga mo ang nagsalita sa isip mo. At isa rin siguro 'yon sa dahilan kung bakit hindi ko mabasa ang isip mo kanina. Masyadong malakas ang alaga mo kaya mag-iingat ka." Tumayo siya sa pagkakaupo sa tabi ko at tinapik ang balikat ko bago pumasok sa loob.

Akala ko kaya hindi nila alam ang nasa isip ko ay dahil iniiwasan nila iyong basahin. Maya-maya lang din ay lumabas si Aruna at umupo sa tabi ko kung saan nakaupo si Ms. Yvaine kanina.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi maganda. Masyadong magulo ang mga nangyari ngayon."

"Narinig ko ang huling sinabi sayo ni Ms. Yvaine. Masyadong malakas ang alaga mo. Sa tingin ko katulad ni Ina at Ms. Yvaine, pula din ang kulay ng alaga mo. Isang Fire Wolf ang nasa loob mo." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Imposible, isang wolf user ang mama ko at ang papa ko naman..."

"Ano ang papa mo?" Hindi ko alam ang isasagot ko kay Aruna at nang mahalata niya na hindi ko alam ang isasagot ko ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi imposible na magkaroon ka ng isang Fire Wolf dahil posibleng isang bampira ang Papa mo."

"H-hindi ko alam."

"Bakit hindi mo tanungin si Ms. Yvaine? Sigurado akong masasagot niya ang mga tanong mo. Maiwan na muna kita dito may gagawin pa kasi ako." Nginitian niya ako at tumayo saka pumasok sa loob.

Pag kaalis niya ay unti-unting nag-sink in sa akin ang lahat ng sinabi niya. Posible kayang isang bampira si Papa? 'Yon ba ang dahilan kung bakit kami hinahabol ng mga bampira? Dahil sa mga tanong na umiikot sa utak ko ay napag desisyonan ko ng tanungin si Ms. Yvaine bukas. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita silang naghahanda na sa lamesa kaya tumulong nalang ako. Matapos naming kumain ay naglinis na ako. Sa ilalim lang din ng puno nanggagaling ang tubig na ginagamit namin. May ilog medyo malapit dito pero hindi na kami napunta doon.

Maagang natulog si Aruna at pagpasok ko palang sa kwarto ay nakahiga na siya at mahimbing na natutulog. Humiga nalang din ako sa kama at pinikit ang mga mata.

'Hey!' Napadilat ako dahil sa gulat. Napaupo ako sa kama.

'Chill, it's just me.'

Bigla nalang may sumulpot sa harap ko na isang babae at kamukhang-kamukha ko siya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa harap ko.

'Nice to meet you! I am your wolf.'

***

Her Hidden WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon