Chapter 05 : Warren

151 14 3
                                    

Warren

"Amber, pipindutin mo lang 'yan kapag kailangan mo ng tulong ko." Pagpa-paalala sa akin ni Natalie. Tango lang ang sinagot ko sa kaniya.

"Suotin mo din 'to," may inabot sa aking kwintas si Waver. Bilog ang hugis nito at walang kulay, as in clear lang siya.

"Para saan naman ito?"

"Wala, gusto ko lang ibigay." Sagot niya sa akin.

"May ganyan din ako. Bigay din sa akin ni Waver, binibigyan niya lahat ng kaibigan niya ng ganiyang kwintas," ipinakita sa akin ni Natalie ang kwintas na suot niya.

Bilog din ang disenyo nito at kulay puti. Inilapit ko ang mukha ko doon nang may makita akong maliit na nakaukit sa kwintas.

Nang makita ko nang malapitan ito, nakita ko ang hugis ng isang wolf, asul ang kulay ng wolf na nasa gitna. Puting-puti ang kwintas niya, maliit lang ang wolf na nasa gitna kaya hindi mo agad ito makikita. Pero 'pag tinignan mo nang malapitan makikita mo ang kulay asul na wolf na nasa gitna.

Tinignan ko naman ang kwintas na binigay sa akin ni Waver pero wala akong nakita na hugis ng isang wolf doon.

"Bakit may hugis ng isang wolf sa kwintas mo?" Tanong ko kay Natalie. Sasagot na dapat siya sa akin pero biglang nag-ring ang bell.

"Ingatan mo ang kwintas na 'yan, Amber. 'Wag mong iwa-wala. At 'wag mong ipapakita kahit kanino." Tanging nasabi lang sa akin ni Natalie saka kami tumakbo papunta sa room namin.

Mahigpit ang pagkaka-hawak ko sa kwintas na binigay sa akin ni Waver. Pag dating ko sa room wala pa ang professor namin sa loob kaya dumeretso na ako sa upuan ko. Itinago ko ang kwintas sa bulsa ko at iningatan ito. Sinigurado kong nakatuon ang pansin at pag-iisip ko sa buong klase dahil sa takot na maiwan nanamang mag-isa dito at abutin ng dilim.

Paglabas na paglabas ng professor namin sa huling subject ay nagligpit na ako ng mga gamit na nasa ibabaw ng desk ko. Lumabas ako ng room at naglakad paalis sa building. Halos matumba ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot nila Natalie at Waver sa harapan ko nang papalabas na ako ng building namin.

"Ginulat niyo ako," sabi ko sa kanila habang nakahawak sa dibdib ko.

"Masyado ka atang nagmamadali sa pag-uwi," natatawang sabi sa akin ni Natalie.

"Eh, natatakot akong abutin ng dilim dito."

"Sabi ko nga sayo kanina 'di ba, sasabayan kita sa pag-uwi."

Naglakad kami palabas ng building, gano'n pa rin ang pwesto namin. Nasa gitna ako at parehas silang nasa gilid ko. Huminto kami sa labas ng school.

"Hanggang dito nalang ako. I still have to take care of something inside. Be careful." Paalala sa amin ni Waver. Tumango kami sa kanya at nag paalam.

"Wait, Amber." Tawag sa akin ni Waver bago kami makaalis.

"Bakit?"

"Ingatan mo 'yung kuwintas na binigay ko sa 'yo at lagi mong susuotin."

Tumango ako sa kanya bago kami tuluyang umalis. Nakapulupot ang kamay ko sa braso ni Natalie at dahan-dahan lang ang lakad namin.

"Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko kanina. Bakit may hugis ng wolf yung kwintas mo?" Tanong ko sa kanya.

Natagalan siya sa pagsagot sa tanong ko. "Kasi..."

"Kasi?"

"Kasi... 'yon ang binigay niya sa akin. No'ng binigay sa akin ni Waver 'to may wolf na talaga sa gitna niya." Sagot niya sa akin. Tumango-tango naman ako sa sinabi niya.

Her Hidden WolfOnde histórias criam vida. Descubra agora