Chapter 35 : Missing Them

58 10 0
                                    

Missing Them

Minulat ko ang aking mga mata at dahan-dahang tumayo. Napatingin ako sa bintana ng kwarto at nakita kong madilim na sa labas. Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pagbukas nito.

"Mabuti naman at gising kana." Nginitian ako ni Aruna.

"Anong oras na?"

"Mag-aalas siete na ng gabi. Maaari mo ba akong samahan sa labas? Kailangan ko kasing kumuha ng mga kahoy."

"Oo naman." Sagot ko sa kanya.

Inayos ko lang ang aking sarili at kinuha ang espada na nasa gilid. Lumabas kami ng kwarto at nakita namin sila Ms. Yvaine at Ms. Selene na nasa sala.

"Lalabas lang po kami para kumuha ng mga kahoy." Sabi ni Aruna.

"Mag-iingat kayo." Sabi naman ni Ms. Selene bago kami lumabas ng bahay.

Medyo madilim na rin pagkalabas namin. May kinuhang lampara si Aruna na nakasabit sa gilid ng pinto.

"Tara na?" Nakangiting tanong niya sa akin na tinanguan ko naman.

Nagsimula kaming maglakad. Ang maliit na lamparang dala ni Aruna ang tanging nagiging ilaw namin sa daan. Kinukuha namin ang mga kahoy na makikita namin. Ang sabi niya sa akin ay gagawa daw siya ng bonfire sa tapat ng bahay nila para magsilbing ilaw.

Parehas kaming napatigil sa pagpupulot nang makarinig kami ng mga kaluskos. Umayos kami ng tayo at nagkatinginan. Nilapag namin ang mga hawak naming kahoy. Nilibot at pinakiramdaman namin ang paligid. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paggalaw ng mga dahon at ng isang anino.

Agad kong hinila si Aruna sa kinatatayuan niya nang maramdaman ko ang papalapit na presensyan sa amin. Hiniwa ko ito sa bandang tiyan niya. Inangat niya ang kaniyang ulo at narinig ko ang pagsinghap ni Aruna na nasa likod ko habang ako ay nanatiling nakatingin sa kanya.

Pula ang mga mata nito kaya alam kong bampira siya bukod doon ay matutulis ang mga ngipin niya at mahahaba ang kaniyang mga kuko sa kamay. Hinawakan niya ang tiyan niyang nahiwa ko. Tumutulo doon ang kanyang dugo. Sumugod siya sa amin pero bago pa siya makalapit sa akin ay hinila ako ni Aruna at siya ang humarap sa bampira.

Pinanood ko lang siyang kalabanin ang bampira. Mabilis ang galaw ng bampira pero madali lang naiiwasan ni Aruna ang mga atake nito. Medyo napanganga ako dahil sa bilis ng galaw ni Aruna. Para siyang hindi isang normal na tao. Sinaksak niya ang bampira sa dibdib nito at kasabay ng paghugot niya ng kaniyang espada ay ang pagbagsak ng lalaki sa lupa at ang paglaho nito. Hinihingal na humarap sa akin si Aruna.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala ang tingin na sinuri niya ako.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo? Ikaw itong nakipaglaban sa mga bampira."

"Ayos lang ako. Ang mahalaga ay ayos ka lang dahil siguradong hindi magugustuhan ni Ina at Ms. Yvaine kung may nangyaring masama sayo." Sabi niya sa akin.

Nginitian ko nalang siya at nagpasalamat. Pinulot namin ang mga kahoy na binitawan namin kanina at umuwi na. Nakaupo ako ngayon sa harap ng bahay nila Ms. Selene. Nakatingin lang ako sa bonfire na nasa harap ko. Inangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ang maliwanag na buwan at mga kumikinang na bituin sa kalangitan. Inangat ko ang aking kanang kamay at tinapat sa buwan. Gumuhit ng isang ngiti ang labi ko. Kumusta na kaya sila Natalie? Halos isang araw palang na hindi ko sila nakakasama pero nami-miss ko na sila.

Binaba ko ang aking kamay at pinikit ang mga mata. Pinakiramdaman ko ang paligid at ang malamig na hangin. Napadilat ako nang may maramdamang presensya. Napatingin ako sa may bandang pinto ng bahay at nakita ko si Aruna na nakatayo at nakatingin sa gawi ko. Nakasuot siya ng jacket at nasa bulsa ang dalawang kamay. Lumapit siya sa akin nang makitang nakatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako at umupo sa tabi ko.

"You miss your friends?" Tanong niya sa akin nang makaupo siya sa tabi ko.

"How did you know?"

"I could see it." Sabi niya na may kasamang mahinang tawa kaya natawa na lang din ako. "Being a wolf user is hard, right?"

"Oo, mahirap. Pero kaya naman."

"I can't imagine myself as one of the wolf users. Y'all have a very hard life. I don't think I can handle all the challenges that await me. If I'm also a wolf user, I'm sure I'll give up right away."

"I don't think so. You are a strong and brave woman so I am sure you will not give up easily." Sabi ko sa kanya at narinig ko mahina niyang pagtawa. "I also tried to give up, because of everything I had gone through before. I gave up because I thought I was weak. I gave up because I was afraid I wouldn't make it. But I was completely mistaken about myself. My friends encouraged me to be brave and do not give up." Tumigil ako bago ipagpatuloy nang mapansing nakikinig siya sa akin.

"Rest but don't give up, remember all your dreams and desires, hold on to them, and continue fighting. Keep that in mind." Nilingon ko siya at nakangiting tinignan niya rin ako.

"When I first saw you I thought you were a rude and serious woman. Nakakatakot din kasi 'yung tingin mo sa akin. Siguro normal nalang ang gano'n tingin kung isa kang wolf user. Sa totoo lang mas takot pa ako sa mga katulad ninyo kesa sa mga bampira" Sabi niya na may kasamang tawa. Nabalot kami ng sandaling katahimikan.

"Masaya ako at nakilala kita, dahil simula pagkabata ko wala akong naging kaibigan. Matanong ko lang bakit nga pala kayo nandito?" Tanong niya sa akin.

"Si Ms. Yvaine ang tutulong sa akin para mapalabas ang wolf ko. At sa tingin ko kasama si Ms. Selene na tutulong sa akin kaya kami nandito."

***

Her Hidden WolfDonde viven las historias. Descúbrelo ahora