Chapter 52 : Truth

24 4 0
                                    

Truth

Umupo kami sa upuan na malapit sa mga bulaklak. Umihip ang malakas na hangin. Tinuon ko ang pansin sa pulang tulip na hawak ko. Ano na kaya ang pinag-uusapan nila sa loob? Kailan ba matatapos ang lahat ng mga ito?

"Sa tingin mo magiging ayos ang lahat ngayong nandito na tayo? Magiging maayos ba lahat pagtapos nito?" Tanong ko kay Cole pero hindi siya binalingan ng tingin.

"Hindi natin masasabi. Nagsisimula palang tayong lahat. Simula palang 'to ng paghahanda. At sigurado akong hindi matatapos ito hangga't may away sa pagitan ng dalawang panig." Sumandal siya at pinagkross ang kamay sa dibdib niya. "Minsan ko ng nakasama ang pinuno ng mga bampira. Mapa bampira o lobo man ay walang masama, iba-iba lang ang ating pinaniniwalaan at iisa lang ang hangarin. Whether it's a vampire or a wolf, there's no bad clan. We just believe in different things and have the same desires. Peace. I'm not saying this just because I'm one of the vampires. I'm saying this because that's what I saw and realized." Napatitig ako sa kanya matapos niyang magsalita. Kaya palang mag seryoso ng lalaking 'to.

"Paano mo nasabing hindi masama si Warren? Siya ang pumatay sa Ama ni Amber at gusto niyang patayin si Amber." Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at tinawanan.

"Wala ng tao sa paligid hindi mo na kailangang mag panggap. Maka pagtanong ka kala mo naman hindi ka alagad ni Warren."

"Nag-iingat lang." Parehas kaming natawa.

~~~

Natalie

"Nasaan sila Aruna?" Tanong ko kay Felix nang mapansing hindi namin kasama sila Aruna at Cole.

"Nasa labas." Maikling sagot naman nito.

Tumango nalang ako sa kanya. Umupo ako sa upuan na malapit lang sa amin. Lagi kong napapansin na laging magkasama sila Aruna at Cole, parehas na silang malakas ang tama.

Tumayo ako para lumabas ng bahay. Bago pa ako makalabas ay hinawakan ni Felix ang braso ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Pinapatawag ka ni Ms. Yvaine." Sabi naman niya.

Nagtatakang tinignan ko siya pero tumango nalang din. Pumunta ako kung nasaan sila Ms. Yvaine at kasama nila si Amedeo.

"Excuse me, sorry to interrupt. Pinapatawag niyo daw po ako." Nagtatakang tinignan ako ni Ms. Yvaine.

"Hindi kita pinapatawag." Sabi naman niya.

"P-pero ang sabi ni... nevermind. I'm sorry, excuse me." Sabi ko bago umalis sa harap nila.

Pinagtitripan nanaman ba ako ng lalaking 'yon? Nakita ko sila Aruna at Cole na nakaupo malapit sa mga bulaklak. Parang may seryoso sila pinag-uusapan. Lumapit ako at tatawagin sana sila pero napatigil ako nang marinig ang pinag-uusapan nila. Nagtago ako malapit lang din sa kanila. Pinikit ko ang aking mga mata at inutusan si Neoma na proteksyonan ang presensya ko. Malakas makaramdam si Cole at sigurado akong malalaman niyang nandito ako. Bakit nga ba ako nagtatago?

"Paano mo nasabing hindi masama si Warren? Siya ang pumatay sa Ama ni Amber at gusto niyang patayin si Amber." Dinig kong tanong ni Aruna.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Cole. Kung ako ang nasa posisyon ni Aruna baka nabatukan ko na ang lalaking 'yan. Tinanong tapos tinawanan lang.

"Wala ng tao sa paligid hindi mo na kailangang mag panggap. Maka pagtanong ka kala mo naman hindi ka alagad ni Warren."

"Nag-iingat lang."

W-what? Natigilan ako dahil sa narinig. Para akong hindi makagalaw at hindi makapag-isip ng tama. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang sinabi ni Cole. What did I hear just now? Sigurado akong tama ang pagkakarinig ko. Napaatras ako. Naglakad ako paalis nang maramdaman ulit ang mga paa ko. Para akong nanghihina. Umupo ako sa upuan na medyo malayo kung nasaan sila Cole. Bakit? Bakit nila nagawa sa amin 'to? Kailan pa nila kami tina-traydor?

"Looks like you already know about their secret." Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Felix na papalapit sa akin.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo. Nakatayo rin siya sa harap ko ngunit wala sa akin ang tingin niya.

"You know about it don't you? You're also their accomplice." That's not a question but a statement. Tinignan niya ako. Nilabanan ko ang tingin na binibigay niya sa akin.

"What do you think?"

"Traitor."

"Will you tell them about it?"

"Of course! I'm not a stupid."

"You aren't, but I'm warning you, if you tell them about it, your life will be in danger."

"I don't care! I am willing to sacrifice my life for them." Isang kakaibang ngiti ang gumuhit sa labi niya.

"I'm not surprised. I already expected that's what you're going to say because you're Natalie." Tumalikod ako at balak na sanang umalis pero muli siyang nagsalita.

"But, Natalie, I'm telling you, not only your life will be in danger, but so will theirs. So I suggest, just keep what you discover." Nilingon ko siya.

"Fuck you." Nginisian niya lang ako bago ako umalis doon.

Lumulutang ang isip ko nang magsimula na akong maglakad. Hindi ko alam ang gagawin, tila wala na akong maisip na kahit ano bukod sa nalaman ko. Napabalik lamang ako sa kasalukuyan nang may humawak sa aking braso.

"Are you okay?" Tanong ni Asher.

"Ha? A-ah, oo. Ayos lang." Sagot ko ngunit halatang hindi siya kumbinsido.

"Are you sure?"

"Oo."

"Okay."

"Wait, Asher." Pinigilan ko siya nang subukan niyang umalis. Bubuksan ko palang sana ang bibig ko pero naalala ko ang sinabi ni Felix sa akin.

Not only will your life be in danger, but so will theirs.

"Wala." Nagtatakang tinitigan niya ako. Pinilit kong ngumiti sa kaniya bago naglakad paalis.

***

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now