Chapter 53 : Confusion

82 11 0
                                    

Confusion

Natalie

Nasa harap kami ng hapag kainan. Mag-aalas otso na ng gabi. Nasa pinakadulo ako nakaupo at katabi ko si Asher na nasa kanan ko. Nasa magkabilang dulo naman ng lamesa si Waver at ang Mama ni Amber na si Ms. Bellamy. Katapat ko si Amber at katabi naman niya si Aruna. Iniiwasan kong tumingin sa kanilang lahat at pinatili ang aking tingin sa aking pagkain. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon-lingon sa akin ni Asher na parang nagtataka.

'Are you sure you're okay?' Narinig ko ang kaniyang boses sa isip ko.

'I'm okay, just tired.' Sagot ko sa kaniya.

'Okay, I'll just take your word, even if that's not what I see.' Mahina akong natawa sa isip ko dahil sa sinabi niya. He's not Asher if he's not like that.

'And you're not Natalie if you say and show what you really feel.' He's not wrong.

Isinarado ko na aking isipan para hindi niya na mabasa ang mga nasa isip ko. Paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa nalaman ko? Ano ng mangyayari kung sakaling malaman nila ang tungkol dito? Papatayin ba nila sila Aruna? Damn this situation of mine.

Natapos kaming lahat kumain pero nasa hapag kainan pa rin kami. Malinis na ang lamesa. Ang sabi nila sa amin ay 'wag muna daw kaming aalis dahil may mahalaga silang sasabihin. Bakit ko ba iniiwasan ang tingin nila? Hindi naman ako ang may kasalanan, hindi ba? Mahina akong napahinga nang malalim bago itinaas ang aking ulo.

'Congrats, nagawa mong iangat ang ulo mo. Buti hindi sumakit batok mo. Sayang.' Tinignan ko nang masama si Asher pero nakapikit lang ang loko. Buwiset.

Ang mga mata ni Amber ang sunod kong nakita. Namumula pa rin ito hanggang ngayon. Nginitian ko siya at gano'n din naman ang ginawa niya.

'Stop smiling it's irritating. How can you hide what you really feel with just a sweet smile?' Rinig kong sabi ni Asher sa isip ko.

Nawala ang ngiti ko at napatingin sa kaniya. Tinignan niya lang din ako nang walang kahit na anong reaksyon.

'Tell yourself those things first, before you tell me.' Sabi ko naman sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin sa akin. See, he's always like that. Iniwas ko nalang din ang tingin sa kaniya at natuon ang tingin kay Waver. Nagtataka ang kaniyang mukha dahil sa ikinikilos namin ni Asher. Nginitian ko lang siya. Nagpaalam ako sa kanila na magpapa hangin muna sa labas.

Pumayag nalang din si Ms. Yvaine kahit hindi pa nasasabi ang mahalaga niyang sasabihin. Umupo ako kung saan nakaupo sila Aruna at Cole kanina. Napapikit ako nang umihip ang malakas na hangin. Lumipad ang ilang mga dahon sa puno at ilang petals ng mga bulaklak. Kahit nakapikit ay naramdaman ko ang presensya sa aking tabi at alam kong si Asher iyon kaya nanatili akong nakapikit.

"'Wag kang matulog dito, hindi kita bubuhatin papasok sa loob." Mahina akong natawa at napadilat dahil sa sinabi niya.

"Apaka bait mo talagang kaibigan. Sa dinami dami ng tao sa mundo bakit kaya ikaw ang binigay sa akin 'no?"

"Hindi ako tao."

Inangat ko ang aking kamay at muntikan na siyang mabatukan kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko. Umayos ako ng pagkakaupo.

"Why is it so easy to hide what you really feels but so hard to show it?"

"Because that's what we're used to and other people are used to us. You're not afraid to show them what you really feel, you just don't want them to be disappointed in you. They always see your happiness, but they don't see your sadness." Saad niya. Natahimik ako at napayuko. Hindi ko akalain na sa ganitong bagay kami magkakaintindihang dalawa.

"That's why you don't want to show them anything about you. You don't want them to expect and get used to you." Napatingin siya sa akin na parang nakuha ko ang matagal na niyang tinatago. "Gusto mong malaman ang iniisip ko, hindi ba?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Observe your surroundings, Asher. Don't let them deceive you with their kindness and deceptive words." Pagkasabi ko no'n ay tumayo ako. Nagtataka ang kaniyang mukha habang sinusundan ako ng tingin papalayo.

"I'm surprised, you didn't tell him." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Felix. Medyo malayo na rin kami kung nasaan si Asher. Nilingon ko siya.

"You should thank me, because they would have already known about it if I hadn't just kept my mouth shut."

"Thank you, then." Sabi niya at medyo niyuko ang ulo.

Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko inasahan na talagang magpapa-salamat siya sa akin. Tumikhim ako at tumalikod sa kaniya. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong magkakasama sila Amber, Aruna, Cole, Waver at nandito na rin si Asher sa loob. Their smiles, laughter, and silly jokes. Mukhang makatotohanan ang mga ipinapakita nila.

"Why are you just standing there? Why don't you join them?" Napatingin ako kay Ms. Yvaine na nasa tabi ko. Napahinga ako nang malalim at napapikit nang mariin nang may pumasok sa isip ko.

"P'wede ko po ba kayong makausap?" Tinignan niya ako at tumango. Lumayo kami ng kaonti kung nasaan sila.

"M-may.. may napapansin po ba kayo kay Aruna, Cole at Felix?" Nagtatakang tinignan niya ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam niyo po bang alagad sila ni Warren?" Natigilan si Ms. Yvaine sa sinabi ko. Unti-unting gumuhit ang isang ngisi sa labi niya na ikinataka ko.

"Hayaan mo lang sila, Natalie. It'll be better if you don't tell Waver or anyone else about it." Nagtatakang tinignan ko siya. Magtatanong pa sana ako pero tinalikudan niya na ako.

What was that? Knowing Ms. Yvaine, I know they have a plan for situations like this. Lumapit nalang ako kela Amber. Nakatingin sa akin si Asher na parang may gustong itanong. Alam kong tungkol ito sa sinabi ko sa kaniya.

'I'll blame you if I don't get enough sleep tonight.' Hindi ko napigilan ang mahina kong tawa dahil sa sinabi ni Asher.

'Ayos lang 'yan, sisihin mo lang ako. Mahalaga sa akin hindi ka makatulog.' Pang-aasar ko pa sa kaniya.

***

Her Hidden WolfOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz