Chapter 32 : Guarding You

27 6 0
                                    

Guarding You

Umupo siya sa tabi ko at nilabas ang laptop niya na nasa ilalim ng lamesa. Nakatingin lang ako sa screen ng laptop niya at pinapanood ang ginagawa niya doon.

"Kaya rin ba ng mga bampira ang makabasa at makipag-usap gamit ang isipan?" Hindi ko napigilang tanong sa kaniya.

Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at sandaling tumingin sa akin. Isinara niya ang kaniyang laptop at binigay ang lahat ng atensyon sa akin.

"Hindi, mga wolf user lang ang may kakayahan na makabasa at makipag-usap gamit ang isipan." Sagot niya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko at agad na nagtaka. Binalot ako ng maraming tanong. Bampira siya, 'di ba? Paano niya ako nakakausap gamit ang isipan?

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Muli niyang tanong.

"Kilala mo si Warren, 'di ba?" Tumango siya sa akin. "Isa siyang bampira?" Muli siyang tumango. "Kung ganon paano niya ako nakakausap sa aking isipan? Lagi ko siyang naririnig sa isipan ko." Naguguluhang tanong ko.

Hindi agad siya nakasagot sa akin at napaisip. "Sa pagkakaalam ko si Warren ang tumatayong pinuno ng mga bampira." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi ko akalain na ganon pala kalakas ang lalaking 'yon. "At sa pagkakaalam ko din ang mga pinuno ay maaaring magkaroon ng kakayahan sa pagbabasa o pakikipagusap gamit ang isipan, wolf User ka man o bampira. At sa tingin ko 'yon ang dahilan kaya mo naririnig ang boses niya sa isipan mo." Pagpapatuloy niya.

Tumango ako sa lahat ng sinabi niya. Parehas kaming natahamik matapos 'yon. Maya-maya lang din ay lumapit sa amin sila Natalie at Waver.

~~~

Tunog ng mga espada lang namin ang maririnig sa madilim na daan. Nag-iikot kami at nakikipaglaban sa limang bampira. Si Asher ang kasama ko ngayon. Nabitawan ko ang espadang hawak ko nang bigla nalang ako sugudin ng isang bampira. Malayo ang tinalsik ng espada ko kaya wala ako nagawa kung hindi ang iwasan ang mga atake nila sa akin.

Muntik na akong makalmot ng isang bampira, buti nalang at agad siyang napatay si Asher at tinulungan ako. Inabot niya sa akin ang espada kong tumalsik. Hinihingal na tumigil kami sa pakikipaglaban nang pare-parehas silang maglaho sa harapan namin.

"Palakas nang palakas ang mga nakakalaban natin." Sabi ko sa kanya.

"Tara na."

"Teka lang naman! Mamaya na. Nakakapagod kaya!" Tutol ko sa sinabi niya.

Umupo ako sa ilalim ng puno at nakatayo lang siya kung nasaan kami kanina. Sumandal ako sa puno na nasa likod ko at pinikit ang aking mga mata. Napadilat din ako nang may maramdamang mga matang nakatingin sa akin. Tinignan ko si Asher pero sa iba siya nakatingin.

May napansin akong gumalaw sa gilid ng mata ko. Napatingin ako doon at nakita ang isang pamilyar na tao. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya mabilis siyang nawala kung nasa'n siya. Siya yung kaibigan ni Felix.

"Amber, tara na." Napabalik ang tingin ko kay Asher at tumango sa kanya saka tumayo.

Nagsimula kaming maglakad at libutin ang lugar. Matapos no'n ay bumalik din agad kami sa bahay. Hindi na kami nakabangga pa ng ibang bampira matapos noong lima naming nakalaban. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa gubat na katapat ng bahay ni Waver. Nagtago ako sa isang puno at lumabas din nang makahanap ng tyempo. Nanlaki ang mga mata niya nang tutukan ko siya ng espada sa kaniyang leeg.

"Bakit mo kami sinusundan?" Napatingin siya sa akin.

"Woah, woah, woah! Chill ka lang." Nilayo niya ang espadang nakatutok sa leeg niya gamit ang hintuturong daliri. Pero mas nilapit ko lang 'yon sa kaniyang leeg. Tinaas niya ang kaniyang dalawa kamay.

"Wala akong pakealam kung kaibigan ka pa ni Felix. Kaya sagutin mo kung bakit mo kami sinusundan." Medyo nakaawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin at hindi makapaniwala.

"Napag-utusan lang ako ni Felix. Ang sabi niya sa akin sundan kita."

"Bakit niya naman ako pinapasundan?"

"Hindi ko alam. Wala naman siyang sinabing dahilan sa akin." Binaba ko ang aking espada nang masiguradong nagsasabi nga siya ng totoo.

"Siguraduhin mo lang na wala kayong gagawing masama."

"Wala nga! Bat ba ayaw mo maniwala?"

"Wala akong tiwala sa inyo." Walang pag-aalinlangang sagot ko sa kanya.

"Ouch!" Sabi niya at hinawakan pa ang dibdib na parang nasaktan talaga sa sinabi ko.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa ginawa niya. Parehas silang magkaibigan. Parehas silang may sayad sa utak.

"Baliw."

"Pasmado naman ng bibig mo. Walang filter." Inirapan ko lang naman siya. Napatingin ako sa tabi niya nang bigla nalang sumulpot si Felix.

"Inaaway niya ako," sumbong niya kay Felix at kumapit pa sa braso nito. Nagsalubong ang kilay ni Felix at inalis ang pagkakahawak ng kaniyang kaibigan sa braso niya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong niya sa akin.

"Bakit mo ako pinapasundan?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tinignan niya ang kaibigan niya.

"Oh wala akong alam diyan. Tinanong niya lang ako kung bakit ko sila sinusundan kanina. Ang sabi ko lang, kasi pinapasundan mo sa akin." Agad namang sabi ng kaibigan niya. Bumalik ang tingin niya sa akin.

"Dahil alam kong nasa paligid lang ng bahay niyo si Warren. Mabuti nalang at wala siya dito ngayon."

Napabaling ang tingin ko sa pinto ng bahay ni Waver nang marinig ko itong bumukas. Lumabas si Natalie doon. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ako sa gubat na nasa tapat lang ng bahay. Lumipat ang tingin niya sa likod ko. Lumapit siya sa amin.

"Ano pang ginagawa mo dito sa labas?" Tanong niya.

"Kinausap ko lang sila." Tukoy ko sa dalawang magkaibigan.

Tinignan niya si Felix at sunod naman ay ang kaibigan nito. Nagsalubong ang kilay niya. "Oh sino naman yan?" Tanong niya habang nakatingin sa kaibigan ni Felix.

"Malay ko." Kibit balikat na sagot ko.

"Cole," nilahad niya ang kamay kay Natalie. Hinawakan naman ni Felix ang kamay niya at binaba 'yon.

"Par, alam ko namang pangarap mo pang mabuhay at gano'n din ako. Kaya tumigil ka." Sabi nito sa kaibigan na ikinataka niya.

"Ha?"

"Natalie," turo niya kay Natalie. Nanlaki naman ang mga mata ni Cole at napatingin ulit kay Natalie.

"Ikaw si Natalie?" Nagtataka na tinignan lang siya ni Natalie. "Kaya pala parang pamilyar ka."

"Nagkita na ba tayo?" Tanong sa kanya ni Natalie. Pero bago pa makasagot si Cole ay tinapik na ni Felix ang balikat niya.

"Kailangan na naming umalis." Mabilis silang nawala sa harapan namin. Nagtataka na nagkatinginan kami ni Natalie.

***

Her Hidden WolfWhere stories live. Discover now