CHAPTER 36

36 4 0
                                    

JAMEA's POV

flashback continues...

"Sorry," patuloy niyang sabi habang nakaluhod pa rin kami sa sahig.

"Wala kang kasalanan, Era," mahina kong sabi makalipas ang ilang minuto na humina na ang pag-iyak niya. Naramdaman kong napatigil siya pero nagpatuloy pa rin ako sa paghaplos sa kaniya habang sinasabi ang mga salitang ni sa hinagap ay masasabi ko sa kaniya.

"But he's my dad, Ysabel—"

I cutted her off, "Your Dad, Era. Not you. Kaya anuman ang ginawa niya ay labas ka na doon." huminto ako sa pagsalita at tumingala sa dalawang taong mariing nakatitig sa amin ni Era.

Mama Selena sighed and kneeled down to hug me and Era. She was trying to hide her sobs but it seems like the emotions she was trying hard to stop didn't take it any more.

"I'm so sorry, anak. Pasensya na kung hindi ko nagawang alamin ang bagay na ito noon. Si Era at ikaw lamang ang laman ng isip ko noon pati ang batang dinadala mo. Hindi ko alam, wala akong alam..." umiiyak na sambit ni Mama Selena habang yakap yakap kami.

Hindi na ako sumagot sa kaniya, pero isang mahigpit na yakap sabay ng pagiyak ko ang naging tugon ko na lamang sa kaniya.

We stayed hugging and crying for a minutes before we faced each other. I smile at them. And wipe out their tears.

"Sana mapatawad mo kami, anak." muling sambit ni Mama Selena habang nakatitig sa akin. Ngumiti ako at marahang hinaplos ang pisngi niya.

"Hindi pa kayo humihingi ng kapatawaran, Mama, alam ko sa puso kong napatawad ko na po kayo... Itinuring ko na po kayo ni Era na pamilya ko. Ikaw, bilang aking Ina, at si Era bilang aking kapatid."

Muling napahikbi si Era sa narinig kaya nag-aalala na kaming dalawa ni Mama Selena na bumaling sa kaniya.  Kaya naman ay tumayo na kami mula sa pagkakaluhod at inalalayan siya patayo.

Mabilis naman kaming inalalayan ni Niel dahil parang kakapusin na ng hangin si Era sa kakaiyak.

"Era, anak, oh God. Please calm down, you're pregnant honey. Philip will really freak out 'pag may nangyaring masama sa' yo." nag-aalalang sabi ni Mama Selena sa huli.

"I...I am so sorry, Ysabel. I'm really, really sorry," huling nasabi niya bago nawalan ng malay.

Agad kaming dinaluhan ni Niel at maingat na dinala si Era sa sasakyan. Sumenyas na lamang akong susunod kami ni Mama Selena kaya mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan.

I sighed and look at Mama Selena. I smile at her when our gazes met.

"Mahal na mahal kita anak, kahit hindi ka nagmula sa akin. Mahal na mahal kita. Kayo ni Yoana. Kayo ang naging dahilan ko para lumaban." emosyonal niyang sabi bago ako hinila para sa isang mahigpit na yakap. Gumanti ako ng yakap sa kaniya at napangiti.

Sa iba marahil matatagalan silang lumimot sa sakit na dinanas na pagsubok sa buhay.

Marahil ang iba mawawalan na ng pag-asa, o di kaya ay panahong harapin ang bagay na nagbigay ng sakit sa kanila.

Pero may iba namang mas nais nilang salubungin o kaharapin iyon para mabigyan ng kapayapaan ang kanilang isip at puso.

Gaya ko. I want peace. At hindi ko makakamit ang bagay na iyon kung hindi ko haharapin ang lahat ng bagay na nagdulot ng bagabag sa akin.

I sigh as I wiped off the tears. Masakit. Sobrang sakit ng mga pangyayari, pero sino ba ako para hindi magpatawad?

A soft knock from outside pull me back to my senses.

You Are My Dream Come TrueWhere stories live. Discover now