CHAPTER 34

52 2 0
                                    

JAMEA's POV

Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko habang nakatanaw sa dalawang tao na tila may sariling mundo na habang nakatitig sa isa't-isa.

Hanggang ngayon para pa rin akong nakalutaw sa alapaap dahil sa mga nalaman ilang araw na ang nakalipas. Pero hindi ko alam kung bakit.... bakit hindi ako nakaramdam ng matinding galit sa puso.

Maybe Kuya Zak and Cristal is right. That I'm getting matured with what I've experienced for the past years. I don't know.

I heard Yoana's soft giggles that pulled me back to my reverie. She pinched Niel's cheeks while he's talking. I fake a cough to get their attention. I smiled awkwardly to them and walk near to my daughter before facing Neil.

"I... ahm," I cleared my throat and heaved a deep sigh when I stutter, "ahh uuwi na kami ni Yoana, gabi na kasi." Napaawang ang labi niya sa sinabi ko at tila 'di makapaniwalang papalit-palit ng tingin sa anak naming may sarili na namang mundo habang nilalaro nito ang manika.

"W-wait, I taught..." he stop talking and sigh, "sorry, akala ko lang puwede kong makasama ang anak natin sa bahay." Aniya na nagpatigil sa'kin.

Anak natin... Tila gusto kong pumikit sa narinig. Tila ba ito ang kauna unahang napakagandang musika na aking narinig sa tanang buhay ko. I blink when He looked away. God Jamea Ysabel! At talagang tinitigan mo pa si Niel ng ganun katagal? Nakakahiya ka!

I cleared my throat before talking, "A-ahh kasi ano... uhm ah.. h-hindi pa ako nakapagsabi kay Kuya tungkol diyan." Dahilan ko na ikinakunot ng noo niya.

"Do you have to? I mean, yeah, I do understand that he's your younger cousin, but Ysabel I am the father of our child. Our. It only means that if we decide about the child, it should be between the two of us." May diin niyang sabi habang seryosong nakatingin sa akin.

I sighed and glance at my daughter who's now looking at us. I smiled at her, "Yoana anak, gusto mo bang matulog sa bahay ngayon ni Papa Niel mo?"

Naipilig niya ang kaniyang ulo sa narinig, "Ako lang po ba, Mama?" inosente niyang sabi na ikinakurap ko. "Hindi ka po sasama sa amin ni Papa?" dagdag pa niya na ikinainit ng pisngi ko. At tila gusto ko nalang lumubog mula sa aking kinatatayuan ngayon.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Niel na matalim ang tingin kong binalingan na mabilis pa sa alas kwatrong nag-iwas ng tingin. Napairap ako bago bumaling muli kay Yoana na nakaabang sa aking isasagot sa kaniya.

Ngumiti muna ako ng malawak bago marahang hinahaplos ang kaniyang buhok, "Pwede bang ikaw lang muna doon, kayo ni Papa Niel mo?"

Mabilis na kumunot ang noo niya sa naging sagot ko tila iniisip ang dahilan kung bakit. Tumingala pa siya sa kaniyang ama na para bang naghahanap ng kakampi para ako ay makumbinsi.

Niel kneeled down and face our daughter lovingly. Tumingin pa siya saglit sa akin bago nagsalita, "Anak kasi may trabaho ang Mama bukas," malumanay niyang sabi. "Kaya tayo muna ngayon, pwede ba 'yun?"

Halos manigas naman ako sa kinaroroonan ko nang makitang unti unti ng namuo ang luha sa mga mata ng bata. Nataranta naman si Niel ng magsimula na itong umiyak at humikbi.

"Yoana baby, sshhh," pagpapatahan niya na hindi tumalab. Kaya naman nanghihina akong tumayo muli at sa nanginginig na mga kamay ay kinuha ko sa bag ang aking cell phone para tawagan si Kuya Zak at Cristal.

"Jamea, you don't have to," biglang sabi ni Niel nang makita akong pumipindot sa aking telepono. He sigh and look at our Yoana, "... I-if she's not ready yet, huwag na muna siguro nating ipilit." mahinang sabi niya habang nakatitig sa huli na humihikbi pa rin.

You Are My Dream Come TrueWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu