CHAPTER 11

107 18 2
                                    

CHAPTER 11

*JAMEA POV*

"Goodmorning Love," paos niyang bati sakin pagkamulat ko ng aking mata. Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti sabay haplos sa mukha niya.

"Hey, Goodmorning too Future Doctor"

"And you are this Future Doctor's beautiful wife" he winked at me. Napaubo ako bigla sa sinabi niya.

This guy!

"Uy nagba blush si Love" he teasingly said to me.

"Neil!" Tinawanan niya lang ako at agad tumingin sakin ng seryoso.

"Pero alam mo love, gusto ko na..." he thrilled

"Gustong ano?"

"Gusto na kitang pakasalan." Seryosong sabi niya habang titig na titig sa mata ko.


NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginip ko na yun. 'Yun ang huling pag-uusap namin nung kinaumagahan na may nangyari sa aming dalawa.

Napangiti ako ng mapait dahil mag-iisang buwan na ang lumipas na hindi kami nagkausap o nagkita ni Neil pagkatapos nung gabing hindi siya nakapunta sa date namin.

Mag iisang buwang kona rin siyang hindi nakikitang pumasok, na kahit si Bryan ay hindi alam ang dahilan kung bakit. Bumuntong hininga ako nang malalim bago bumangon sa higaan para maligo.

May pasok naman ngayon. Sana pumasok na siya.

Sabi ko sa isip habang nagmamadaling matapos sa pagliligo.

Napahawak ako bigla sa pader nang makaramdam ako ng pagkahilo na ilang linggo ko na ring naramdaman. Kaya nang mawala, binilisan ko na ang pagligo ko para makapagbihis na at maagang makapunta sa UNI.

Alas syete y medya na nang makarating ako ng University. Sinusubokan kong tawagan si Neil habang naglalakad, pero naka limang tawag na ako ay hindi parin niya ako sinasagot.

Umupo ako sa isang bench malapit sa room namin at bumuntong hininga nang malalim para pakalmahin ang sarili.

'Okay lang si Neil'  bulong ko sa sarili.

'Eh kayo? Okay paba kayo?'

Napatuwid agad ako ng upo dahil sa tanong na iyon na biglang sumagi sa isip ko.

Okay pa nga ba?

Bumuntong hininga uli ako at tumayo na papasok ng room namin dahil magsisimula na ang klase.

"Ysabel. Babe. Huy." Napaungol lang ako nang may biglang tumapik ng malakas sa balikat ko.

"Hala Crisa, ikaw nga gumising sa babaeng 'to. Umagang umaga tulog na agad," dinig kong sabi ng katabi ko.

"Natutulog yung tao, 'wag kayong maingay." Paos kong sabi at nagpatuloy lang sa pagkakatulog.

"Huy Jamea Ysabel Alviar. Gumising ka na nga, andyan na si Engr. Allan Ramos." Malakas na niyugyog ako sa balikat kaya napaupo agad ako nang tuwid at nanlalaki ang mga mata nang mapagtantong nasa Unibersidad pa pala ako.

'Gosh. Nakakahiya.'

Binalingan ko nang tingin ang katabi ko na si Crisa at Mara na nakatingin sakin na parang nakakita ng multo.

"Bakit kayo ganyan makatingin sa'kin?" Kunot-noo kong tanong sa dalawa.

"Jamea, umamin ka nga." Seryosong sabi sakin ni Mara.

"Anong aaminin ko?" Sabi ko sabay hikab.

Bumuntong hininga muna siya at sandaling tinignan si Crisa bago nagsalita. "Ilang linggo na naming napapansin na parang lagi kang inaantok babe," malambing na sabi sakin ni Mara. "Akala namin nung una dahil lang sa puyat sa pag-aaral. Pero kasi eh,"

You Are My Dream Come TrueWhere stories live. Discover now