CHAPTER 32

39 7 0
                                    

JAMEA's POV

Nagulat ako sa malakas na sigaw nina Cora habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon. Pababa ako ng hagdan patungong kusina para uminom ng tubig. Alas kwatro na ng hapon kaya heto sila ngayon malayang manood ng TV.

"Magandang hapon po, Señorita," sabay sabay nilang bati sa'kin pagkapasok ko ng kusina. Ngumiti lang ako sa kanila habang kumukuha ng baso at binuhusan yun ng tubig.

"Grabe ang gwapo talaga ng modelo na yan no? Bagay sila ni Miss Era," rinig kong sabi ng isang kasambahay. Era? Hindi naman siguro iisa lang ang Era sa Pilipinas, right?

Pero paano kung si Era nga 'yun? Lalo pa nga at nandito sa Cebu si Niel?

Napailing nalang ako sa mga naisip. Lumapit ako sa gawi nila para makinood at gayon na lamang ang gulat ko ng makita ang nakangiting si Philip Cruz at Eraña Madrigal kasama ang isang batang lalaki. Live 'yun ng kasal nila ayun sa nakasulat sa ibaba. Youtube channel ni Philip Cruz, ang isa sa pinakasikat na modelo international, sila nanonood.

H-how did it happen?

"Cora, kailan yan?" Ani ko sa mayordoma na katabi ko ngayon.

"Kahapon yan, Señorita, gulat nga po ako kasi sa pagkakaalam ko ay sila ni Doctor Niel ay mag-asawa na noon," tila walang preno nitong sabi.

"P-pero paano nangyaring kinasal si Er— Miss Madrigal at Philip Cruz?" Tila naguguluhan kong sabi.

"Yun nga po, Señorita, ayun sa balita hindi raw po legit yung kasal nila noon," kibit balikat niyang sabi na ikinagulat ko lalo. "Magkaibigan lang  naman daw po kasi silang dalawa, at ang totoong mahal ni Doc ay sinusuyo pa niyang makuha muli."

Sinusuyo?  Hindi marahil ako ang tinutukoy niya. Dahil isang buwan na ang nakalipas ng mangyari yung huling tagpo sa pagitan naming dalawa.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ngumiti nalang ako ng hilaw kay Cora at hindi na nagbigay komento pa.

Nagpaalam na ako sa kanila at tumuloy na sa itaas para magbihis. Susunduin ko pa si Yoana sa school at dahil biyernes ngayon, gaya ng naipangako ko sa kaniya na magde-date kaming dalawa ngayon.

Napangiti ako habang binabagtas ang daan papuntang C.I.S o Cebu International School, kung saan nag-aaral si Yoana. Swabe lang ang naging biyahe ko kaya agad akong nakarating sa labas ng gate ng CIS. Bumaba ako para sunduin sa loob ang anak kong nakikipag-usap sa isang batang lalaki.

Napangiti ako sa nakita. Naalala ko tuloy si Mara at Crisa. Matagal na panahon na rin nung huli kaming magkasama. Ang huli ay yung nalaman ko ng buntis ako, at ikakasal na si Niel kay Era.

I sighed and walked near to my Daughter. Her eyes widened when she saw me. I smiled back at her that made her giggled.

"Mama!" Masiglang aniya pagkalapit ko sa kanila ng kaklase niya. "Ezra, this is my Mama Jamea, and Mama this is Ezra, my friend."

"Hello po, Tita Jamea," bati sakin ni Ezra na cute na cute sa suot nitong uniporme. May necktie pa kasi sila kung saan nakatatak ang logo ng school.

"Hello Ezra, how are you?" Bati ko dito pabalik.

"I'm good po, Tita." Aniya bago lumingon lingon, "... but my Dad is nowhere to see. I don't know where is he now." Dagdag niya habang umiikot pa rin ang paningin sa paligid.

Tinapik siya ni Yoana bago itinuro ang kaliwang bahagi na sinundan ko agad ng tingin at kita ko ang papalapit na lalaking nakatupi na ang white polo sleeve nito hanggang siko habang bitbit ang isang itim na attache case.

"Oh! There you are, Dad!" Ezra exclaimed and run towards his Father. Naglakad sila palapit sa amin ni Yoana at pinakilala sa akin ang tatay niya. "... Tita Jamea, this is my Daddy po, Attorney Eleazar Santos, and Dad this is Tita Jamea, Yoana's Mama."

You Are My Dream Come TrueWhere stories live. Discover now