CHAPTER 7

90 17 2
                                    

CHAPTER 7

*JAMEA POV*

SATURDAY, 6:30 in the MORNING.

Maaga akong nagising kahit medjo puyat. I sighed. Tumingin ako sa kaliwang bahagi ko kung saan naka hang ang damit na binigay sa'kin kagabi ni Bryan galing sa Abuela ko, sa ibaba nun ang 3inch silver heels na katulad ng sinuot ko noong debut ko.

Napangiti ako ng malungkot, diko akalain na naaalala pa pala ng Abuela ang mga disenyong gusto ko kahit matagal na panahon na kaming hindi nagkasama. Kunsabagay, siya naman ang lagi ko ring kasama noon kahit pa nung nabubuhay pa ang Mommy at Daddy ko.

Bumangon na ako sa higaan nung mag aalas siyete na, dumiretso na ako agad ng banyo para maligo. Nagluto lang ako ng scrambled egg para sa agahan ko. Binilisan ko lang din ang pagkain para makapaglinis muna ako at makapaglaba, tutal mamaya pa namang gabi ang Party.

Nung matapos, nag check lang ako ng facebook messenger ko kung may chat ba ang mga kaibigan ko. Napangiti ako nang makita ang sinend na larawan ni Mara, black dress na may slit sa kaliwang bahagi tapos 3inch heels na black din with silver beads. 'Ang ganda babe. Bagay na bagay sa'yo' ang kinomento ko dun.

Kay Crisa naman ay Silver dress na malalim ang hiwa sa may dibdib, nanlaki ang mata ko, dahil parehas kami ng gown pero sakin conservative style nga lang.

Mag aala-una nung tumawag sa'kin si Mara na pupunta silang dalawa ni Crisa sa apartment ko, syempre umoO na agad ako. Para sabay-sabay na kami papunta mamaya sa Party.

Thirty minutes lang ang lumipas ay kumatok na sila sa pintuan ko, sumigaw lang ako ng 'pasok' sa kanila dahil nasa may balkonahe ako. Nagulat pa ako pagkapasok ko ng makita ko silang may dalang maleta.

"A-anong nangyari? Pinalayas kayo sa inyo?" Tanong ko sa kanila sabay turo sa maleta.

Nagpalitan sila ng makahulugang tingin bago sumagot. "Babe," si Crisa, natatawa. "Hindi kami pinalayas okay?" Sabi niya sabay hila sa akin paupo.

Napakunot noo ko. "Ha? Eh kung hindi, bakit may dala kayong maleta?" Tumabi silang dalawa sa'kin habang may nakangiti.

"Kasi," sabay nilang sabi. "Kami ang mag-aayos sa'yo okay?" Dugtong ni Crisa, nakangiti parin.

Teka, Mag-aayos?

"A-ahh. Hehe. O-okay? Eh pa'no kayo?" Papalit palit ang tingin ko sa dalawa.

"Well. Kami lang din mag-aayos sa mga sarili namin laters okay?," si Mara. "So.... you only have to do is relax, and let us do the magic. 'Kay?" Sabi niya na sinabayan lang ni Crisa ng 'okay' sign.

"A-ahhh. O-okay. Kung yan ang gusto niyo, kahit okay lang naman sa'kin kung ako-ako nalang."

"Nah. Not gonna happen. So....," si Crisa sabay hila sa'kin patayo at tinulak nila ako papasok ng kwarto, at pinahiga sa kama ko. "Since maaga pa naman. Why not take some beauty rest, hmmm?"

"Okay." Tanging nasabi ko sa kanila. And they smile at me before closing the door.

Hays. Ang weweird talaga nung mga kaibigan ko minsan. Kaya no choice, natulog nga ako.

Ginising lang nila ako nung mag aalas kwatro na. Nagulat pa ako nung pagdilat ko naka make-up na silang dalawa. Kaya hinila na nila ako papasok ng banyo, dahil ibo blow-dry pa ang buhok ko at aayosan nila ako. Kaya pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay pinaupo na nila ako sa harap ng vanity mirror ko at sinimulan na ang tinatawag  nilang "magic".

Pagkatapos nila akong i make-up ay pinasuot na nila sa'kin ang gown ko at heels at inayos naman nila ang buhok ko na babagay sa style ng damit at make up ko. 6:20 ng gabi na kami natapos at nililigpit nalang namin ang mga gamit. Nagmamadali na kaming lumabas pasakay sa kotse ni Crisa papunta sa Domino Hotel.

Pagkarating namin doon ay pumasok na kami kaagad pagkatapos ipakita ang invitation card na binigay sa'min ni Bryan. Nakita namin kaagad si Bryan kasama si Neil, Philip modelo nilang kaibigan, at si David boyfriend ni Crisa. Wala si Era dahil bumalik na sya sa ibang bansa nung nakaraang linggo.

Naglalakad kami palapit sa inuukopahang mesa nila nung makita kami ni Bryan, ngumiti siya sabay tayo palapit sa'min at sumunod din sa kanya si David. Binati nila kami at pinaupo na kaagad. Si Neil natulala pang nakatingin sa'kin.





*NEIL POV*

Magsisimula na ang Party nung dumating sina Ysabel, Crisa at Mara sa Domino Hotel. Pagkaupo nila sa mesang inuukopa namin ay napatulala ako pagkakita kay Ysa, ito ang unang beses na makita ko siyang naka make up at naka gown.

Bryan snapped his finger which brings me back to my sanity. Damn! Get a grip Neil! . Tinawanan niya lang ako. I rolled my eyes. Maya maya pa ay nag vibrate ang cellphone ko, so I looked at who was texting, and frowned when I saw it was just Bryan. so I opened it at nagulat sa mensahe niya.

'Greet Ysa man'. Tatlong salita pero para kinabahan ako bigla. Shit! Pa'no koba siya babatiin?

So I cleared my throat and drink water first before I looked at her, I smile and fist my hand dahil baka mahalata niyang nanginginig ako sa kaba.

This is not you Neil, damn it! Nagulat si Ysa nung bigla ko siyang hinarap kaya ngumiti muna ako bago magsalita.

"H-hi Ysa," shit why am i stuttering? I heard Bryan's chuckle so I simply kick his shoes under the table. "You want something to drink or eat? I'll accompany you to the table" sabi ko nalang bilang pambawi.

Mamaya ka sa'kin Bryan!

Ysa smiled. "A-ahh okay. Sige." sagot niya at sabay na kaming tumayo at inalalayan ko siyang maglakad palapit sa mesa na may mga pagkain at inumin. "Kanina pa ba kayo dito?" Tanong niya sa akin habang naglalagay ng pagkain sa plato niya.

"Hmm I arrived 30 minutes before seven I guess? Nauna na sila dito actually. Pagdating ko nakaupo na sila at kumakain na." I answered while following her. Huminto siya bigla sa paglalakad nung mapansin niyang wala akong dalang plato.

"Ikaw? 'Di kaba kakain?" Kunot noo niyang tanong.

"Hehehe oo na kakain nga," sagot ko sabay abot ng plato at kubyertos sa gilid. I faked a smile. "Tuloy kana sa pagkuha para makabalik na tayo dun." Tinignan niya lang ako na parang nagugulohan sa inaakto ko kaya inunahan kona siyang maglakad at sumunod nalang din siya sa'kin.

Nang halos mapuno na ang plato namin ay bumalik na kami sa mesa. Nagulat na napatingin si Philip sa plato niya na halos mapuno na sa sobrang dami. "The heck? Sure ka bang babae ka Ysa?" Phil said, pointing her plate.

Nahihiyang napatango si Ysa sa kanya, pero ngumiti parin. "Hehehe Oo naman. Malakas lang talaga ako kumain."

"Not surprisingly. That's how Crisa ate too." David said. Crisa playfully slap his arm while laughing. Mara and Bryan just laughed at them too.

"Wow," Phil. "Pa'no? I mean, ang sexy mo kahit malakas ka kumain?"

"A-ahhh. Hindi ko al--" her speech was interrupted by the Event host. Kaya umayos nalang kaming lahat ng upo habang nakikinig at kumakain.





SHILAMOI || shilamoi

You Are My Dream Come TrueWhere stories live. Discover now