CHAPTER 37

34 2 0
                                    

NIEL POV

Pagkahatid namin ni Yoana sa kaniyang kwarto ay hindi pa muna kami nito pinalabas. Humirit pa ito na tabihan siya muna bago matulog.

"Papa, magaling po ba kayong kumanta?" anito sa inaantok na boses. Yakap yakap nito ang binili kong stuff toy. Napangiti ako sa naging tanong nito.

Bumaling muna ako kay Ysabel na may ngiti sa labing hinahaplos haplos ang buhok ng aming anak.

"No, anak. Pero si Mama alam kong oo." napaangat ng tingin sa akin si Ysabel at nanlalaki ang mga mata akong tinignan. Tila binabalaan akong huwag ng magsalita ng kung ano pa. Napatawa ako ng mahina na ikinairap nito.

"Si Mama? Hmm nung maliit pa ako lagi akong kinakantahan ni mama. Kaso paulit ulit po ang kanta niya, Papa eh. Baka marami po kayong alam na kanta? Turuan po natin si Mama."

Napatawa akong muli, pero ngayon ay tila kiniliti ako dahil napalakas ang tawa kong iyon.

"Niel, ano ba," nagbabantang ani Ysabel makalipas ang segundong tumatawa pa rin ako.

"I—I'm sorry...," habol ang hininga kong tugon na ikinakunot ng noo niya. Tumalikod muna ako sa gawi niya para huminga ng malalim. I heard her sigh that made me smile. Tanda iyon na pinapahabaan niya ang kaniyang pasensya. Bagay na hindi nagbago sa kaniya.

Umubo muna ako ng ilang ulit nang kumalma bago muli siyang hinarap. Naabutan ko siyang inaayos na ang pagkakalagay ng kumot ni Yoana na ngayon ay mahimbing ng natutulog.

"Tumayo ka na diyan, mauna kanang pumasok sa kwarto n-natin," aniya na pilit na pinatatag ang boses. Napangiti ako sa narinig. Tila ba bumabalik ang dating Ysabel kapag kaming dalawa na lamang.

I reach for her hand and squeeze it lightly, nginitian ko siya nang magtagpo ang aming mga mata. "Kung... kung hindi ka pa handa sa bagay na ito, pwede namang huwag muna, Ysabel." marahan kong sabi na nagpaiwas ng tingin niya.

"Iniisip mo yatang sabik akong gawin ang bagay na iyon. Pero hindi, Niel, iniisip ko lang na..." she paused to take a deep breathe. "Iniisip ko lang na baka tama nga silang bigyan na natin ng pagkakataon ang sarili nating sumaya." aniya bago muling lumingon sa akin.

She gave me a small smile. "Limang taon din yung nasayang, Niel. Nasayang dahil lang sa mga pagsubok na humadlang sa ating dalawa..." naiiyak na niyang sabi. "Nung makita kita ulit makalipas ang limang taon. Parang gusto kong tumakbo palapit sa'yo, magsumbong na nahihirapan na ako. Gusto ko ng karamay sa lahat. Sa pagpapalaki kay Yoana, sa pagharap sa mga pagsubok sa aking buhay, sa lahat. Dahil diba pangarap natin iyong dalawa? Kaya bakit ngayong andito na eh aatras pa ako? Ayoko na, Niel, sawa na akong mag-isa. Pagod na ako." mahabang sabi niya habang humihikbi. Tumutulo ang luha kong tumayo para yakapin si Ysabel.

Binalot ko siya nang mahigpit na yakap habang siya ay tumatangis. Dahil iyon lang ang alam kong magpapagaan ng dalahin niya. Pareho man kaming dalawang nahirapan dulot ng sakit ng nakaraan. Pero ngayon, pinapangako kong magkahawak ang kamay na namin iyong haharapin.

"I'm sorry, Love. Patawarin mo ako, patawarin mo ako." paulit ulit kong bulong sa kaniya habang dinadampian ng halik ang pisngi niyang may bahid ng luha.

Hinayaan ko pa muna siyang umiyak habang magkayakap kaming dalawa. Nang huminahon ay marahan akong humiwalay para pawiin ang mga luhang lumandas sa pisngi niya. I kiss her eyes, nose, and lips to make her feel my presence.

To make her feel that I am here for her, and for our Yoana.

Pinagdikit ko ang mga noo naming dalawa at parehong dinama ang isa't-isa sa pamamagitan ng marahang paghinga. Nakapikit ang mga matang dinadama ang pagtibok ng puso.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jun 26, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

You Are My Dream Come TrueDove le storie prendono vita. Scoprilo ora