CHAPTER 1

200 18 5
                                    

CHAPTER 1

*JAMEA POV*

I'M JAMEA YSABEL SAMONTE ALVIAR, nag-iisang anak nina Jaime Alviar at Meriel Samonte. Lumaki sa isa sa mga sikat na Isla sa Palawan na pagma may-ari nang aking Abuela na si Doña Isabela Alviar - ang Isla De Alviar.

Dalawang araw matapos ang aking ika labing walong kaarawan, ay isang hindi inaasahang pangyayari ang dumating sa buhay ko - ang maulila mula sa aking mga magulang na naaksidente habang nasa biyahe pauwi sa aming Isla sa Palawan.

Pagkatapos nang araw na iyon ay nagdesisyon akong makipagsapalaran sa Maynila para doon tuparin ang aking pangarap at pangako sa aking mga magulang - ang maging sikat na Engineer.

Nahirapan akong mapapayag ang aking Abuela na siyang halos kasa kasama ko simula pagkabata dahil na rin sa laging wala ang aking mga magulang para pamahalaan ang aming negosyo, ang Samonte-Alviar Group of Construction na nasa Cebu.

Kaya naman nung dumating ang araw na ako ay paalis na papuntang Maynila ay matinding iyakan pa muna ang naganap sa pagitan namin ng aking Abuela at mga kasambahay na naging malapit narin sa aming pamilya.

'Mamimiss kita Ysabel Apo, gustohin ko mang sabihin sa'yo ngayon na dumito ka nalang, alam kong kalabisan na iyon. Gusto ko ring maging matagumpay ka sa buhay Apo.' Naluluhang sabi sa akin ni Lola Isabela.

'Lola, huwag na po kayong maging malungkot. Pangako babalik ako dito na matagumpay na sa buhay.' Pangako ko sa'yo yan Lola.

'O siya sige. Basta lagi kang mag-iingat doon ha? Huwag mong pababayaan ang sarili mo.'

'Opo Lola. Kayo din po, huwag kayong maging pasaway kay Nurse Jean.' Kunwaring mataray kung habilin na ikinatawa lang ng huli.

'Naku naman, bata pa ako Apo. Huwag kang mag-alala,' nakangiting sabi ni Lola. 'Siya nga pala, iyong titirhan mo dun maayos na. Gaya ng hiling mo Apo maliit at simpleng apartment lang 'yun na malapit sa mga Unibersidad at Mall.'

'Okay Lola, maraming salamat po. Aalis na po ako.'

Tanging tango at ngiti lang naging tugon ng Lola ko nung araw na iyon. Agad akong nakarating sa apartment na magiging tirahan ko at isang simpleng apartment lang iyon gaya ng aking hiniling.

Dala ang perang minana ko mula sa aking mga magulang ay nag enrol ako sa isa sa mga sikat na Unibersidad, ang ACE UNIVERSITY. Hindi ko alam kung bakit ano ang nangyari at naging kabilang ako sa mga Full Scholar ng nasabing University.

Kaya ilang beses kong itinatanong sa sarili dati kung bakit sa dinami dami ng paaralang papasukan eh dito pa? May estudyanteng Richkid, conyo, anak ng mayor, apo ng kapitan, anak ng doktor o kung ano ano pang mga propesyong meron sa mundo.

Unang araw ko sa kolehiyo nun nung nagkakilala kami ni Neil Anderson. Biology student at nobyo ng isa sa mga naging kaibigan ko rin na si Era Madrigal, na ngayon ay nasa Paris para tuparin ang pangarap nitong maging Modelo na siyang naging dahilan nang kanilang paghihiwalayan.

Naging matalik kong kaibigan si Neil at dahil sa araw-araw naming pagsasama ay nagkagusto ako ng palihim sa kanya.

Araw-araw kami laging nagkakasabay sa pagkain sa Cafeteria ng University kasama ang aking dalawang kaibigan rin simula High School na sina Mara at Crisa na kapareho ko ng kurso, kasama din namin ang kaibigan ni Neil na si Bryan.

Kakatapos lang namin mag exam para sa huling semester ng taon, at kasalukuyan akong nasa Cafeteria ngayon dahil pinangakoan ako ni Neil na ililibre niya ako ngayon ng Lunch.

You Are My Dream Come TrueWhere stories live. Discover now