CHAPTER 30

57 14 0
                                    

JAMEA'S POV

I can't sleep. Not even eat.

Hanggang ngayon parang naririnig ko pa rin ang boses ni Niel.

Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit at pait. Ilang taon kong inasam na marinig mula sa kaniya ang katagang 'yun... ilang beses kong inasam lalo na nung mga panahong pinanghihinaan na ako ng loob na lumaban.

Gusto kong isigaw sa harap niya na kung nasaan siya nung mga panahong kailangan namin siya ng anak niya? Pero alam ko na ang dahilan niya kaya mas lalo akong nasasaktan para sa anak ko.

If not because of my daughter Yoana and my family, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.

I smiled bitterly staring at the dark sky. Walang bituing naroon tulad ng ilang gabing nalulungkot ako na para bang ramdam din nila ang lungkot ko ngayon.

I sighed and stood up from my bed to close the window.

No... hindi ako dapat madala ng mga salitang 'yun.

Hindi sapat ang mga salitang 'yun para maibsan ang sakit na naranasan ko sa nakalipas na mga taon.

At isa pa, may asawa na siya at anak; I love my daughter, but I don't want to ruin a family just to give my child a happy and complete family.

I decided to go downstairs. Bitbit ang laptop ay napagpasiyahan kong libangin nalang ang sarili ko kesa mag-isip ng mga bagay-bagay.

* * *

It's been four hours when I feel sleepy. I save the files and close the laptop. Para akong naubos bigla. Kaya pabagsak na akong nahiga sa kama para makapagpahinga.

Kinabukasan ay alas sais pa ng umaga nang magising ako. Naabotan ko ang mga kasambahay na parang busy sa paghahanda at paglilinis. Kunot ang noo ko nang makita pa ang isang maliit na tarpaulin na may nakasulat pang 'Welcome home Samonte Family!'

Tila doon ko lang naalala na ngayong araw pala uuwi si Kuya Zakiro at ang pamilya niya. Dumiretso ako ng kusina at naabotan ko si Cora kasama ang mga ilang kasambahay na naghahanda ng pagkain.

Bumati ako sa kanila pabalik at tinanong kung ano ang maitutulong ko. They let me cook Kuya Zakiro's favorite chicken adobo.

Pumasok sa kusina si Mama Celia na nagulat pa dahil nauna akong nagising sa kaniya.

Napatulala pa akong napatingin sa kaniya dahil tila nanibago ako sa nakita.

She look..... radiant and happy. Na hindi ko nakita sa kaniya sa loob ng ilang taon na nagkasama kami.

Sure she is happy. But not as happy as now, like what I've seen to her.

I shrugged off the thoughts and busied myself from cooking.

* * *

Alas diyes nang matapos kaming lahat sa paghanda at pag-aayos nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang Engineer ng firm na na-assign sa paggawa ng proyekto sa CGH.

"Jamea Samonte speaking, good morning,"

"Good morning Miss Samonte... inform ko lang po na may pinabago ang isa sa mga doctor sa design natin,"

"Pinabago? At sinong doctor? Alam na ba ito ni Architect Romero?" Sunod sunod kong tanong habang nagmamadaling sumakay sa kotse ko.

"Yes Miss Samonte. Kaya pinatigil na muna po namin ang pagpatrabaho sa bahaging 'yun na ipapabago," napabuga ako ng hangin sa narinig.

"Pupunta ako diyan Engineer, kakausapin ko si Architect," agad ko nang binaba ang tawag pagkasabi nun at pinaharurot ang sasakyan papuntang hospital.

* * *

You Are My Dream Come TrueWhere stories live. Discover now