Level Twenty - His thoughts

Magsimula sa umpisa
                                    

“Good Morning Miss Ona.” nakangiting bati ni Sir.

“Morning rin po Sir.” walang mood kong sabi sabay upo sa upuan ko, malamang. Sa totoo lang, nanghihina ako kahit hindi ko pa confirm kung may mga ganung bagay nga.

“Get your book. Answer page 236.” rinig kong sabi ni Sir kaya kinuha ko yung libro ko sa bag, nilagay ko sa desk ko at yumuko..

“Ms. Ona. In front.” napaangat yung ulo ko noong marinig ko yung sinabi ni Sir. Lagot. Nasa harap na nga ako infront pa ulit? Tumayo ako at pumunta sa gilid ng desk. 

"Ms. Ona, what's your problem?" 

"No sir, I'm okay." 

"You're not."

"I am, sir."

Hinawakan ni Sir yung noo niya at minasahe. Napapikit ako sa pagkirot ng utak ko.. Sht, ano 'to?!

"Follow me."

"Po?!" pagdilat ko wala na si Sir sa upuan. Lumingon ako sa mga kaklase ko pero busy na busy sila sagutan yung pinapagawa ni Sir. Nakita ko naman na napatingin si Alex, binaling ko nalang yung tingin ko sa pintuan na pasarado pa lang. Tinignan ko ulit ung mga kaklase ko pero busy pa rin sila pagsasagot.

Hays.

Naglakad ako palabas ng room pero walang katao-tao. Nasaan kaya nagpunta yun? Tingin sa left. Tingin sa right. Tingin sa taas. Tingin sa baba. WALA! Saang lupalop ng Canis Majoris yun nagpunta?  Naglalakad ako ng patalikod ng maramdaman kong may maatrasan ako.

"Sorry ah!" tapos biglang tumakbo yung babaeng nakabangga sa akin. Naramdaman ko nalang na basa pala yung likod ko. Tinignan ko yung student na nakabangga sa akin pero hindi ko na nakita sa hallway. 

Hays. Bakit ba ang malas ko ngayong araw?

 Pumunta muna ako ng girl's room since wala pa naman siguro si Sir sa room. Bubuksan ko na yung knob ng pintuan ng marinig ko yung pangalan ko.

"That Kyra! If I know, nandoon na siya kay Sir at umiiyak tapos mamaya kay oppa naman!" napatakip ako ng bibig. Bakit nila sinasabi 'yan? At sinong oppa? Si Hyunsu ba? Nakakapanghina...

"Sis! Let's call her na. Tell her na nagawa na natin." Sino naman siya?

"Miss, nagawa na namin--Yup--Sige--" Umalis na ako, ayoko na marinig pa yung pinaguusapan pa nung sinong Miss pa yun. Ano bang ginawa ko sakanila? Bakit nila ginagawa 'to sa akin?

Umupo ako sa steps ng hagdanan papuntang second floor. Ramdam ko rin yung basa sa likod ko. Nakakapanghina...

- Hyunsu's Point of View -

"Yes, I really want to.."

"Eh bakit parang nagiiba yung isip mo?"

"It's not like that.. I'm just--"

"Your dream, Hyunsu.. You want it naman diba?"

"Yes.. pero--"

"I'll call you later."

Binaba ko yung cellphone ko. Bakit ba bigla nalang nagbago yung isip ko? Desidido naman na ako diba?

Pipikit na sana ako para umiglip ng maalala kong pinapapunta pa pala ako ni Tita sa Grade 6 para kunin yung mga pangalan nila.

Paglabas ko ng clinic nakita ko yung Sir Melvin. Napangisi ako. Akala naman niya hindi ko nabasa ung sulat niya? Asa pa siyang makaabot kay Kyra yun.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Kyra sa harap ng pintuan ng girl's room. Nakadikit ung tenga niya sa pintuan. I want to approach her but... she ran. Sinundan ko siya kung saan siya pumunta, umakyat siya papuntang second floor tapos umupo at umiyak doon.

Suddenly, I feel weak. I want to sit beside her and comfort her.. I want to tell her that everything will be okay.. I want to be her crying shoulder.. Mula nung malaman ko yung lahat sa kanya, pero ano bang magagawa ko?

All of a sudden, I saw Melvin sitting beside her... patting her shoulders. Itinayo ni Melvin si Kyra habang umiiyak pa rin.

For a second, I feel like a statue. I saw a glimpse of smirk from Melvin's face while looking at me. Nang-aasar ba siya?!

Naramdaman ko nalang na nagvibrate yung cellphone ko. Si Ana pala.

"Hello?"

"Woah, Are you mad?"

"Yes.. I mean no.. I'm just--"

"Oh right, Are you free tonight?"

"I'm busy."

"You're still avoiding me."

Immediately, I turn off my phone. It's useless.

In lieu, sinundan ko nalang sila Kyra. They went upstairs. Nakita ko silang nasa balcony na ng school. Pinagsisihan ko rin agad ang pagpunta ko doon. I saw her smiling.. Bakit biglang masaya na siya? Nakakainis. Teka, bakit nga ba ako naiinis? Edi maging masaya siya kasama yang teacher na yan!

In-open ko yung cellphone ko.

"Anong oras mamaya?"

---

 

May nagbabasa pa ba? Sorry kung lame at short lang yung update. Babawi ako. Thank you! :)

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon