Chapter 44

66 3 0
                                    

Nakatitig lang sa nakasarang elevator si Luke,processing what's happening.

Kagabi lang ay napakasaya niya. It was the best night of his life. Walang nangyari sa kanila ni Isabel pero napakasaya niya. She trusted and love him that much para pumayag itong matulog katabi niya kahit alam nitong silang dalawa lang ang tao sa condo niya. Knowing her, baka kung iba lang ay ni hindi ito sasama sa condo.

Napasarap ang tulog niya. Why not? Ang babaeng ni warm greeting at bukal sa pusong ngiti ay hindi maibigay sa kanya dati, ay kayakap niyang natulog kagabi at ang mukha nito ang unang bumungad sa kanya pagkamulat ng kanyang nga mata.

Bakit biglang ganito? Kakaibang sakit at takot ang naramdaman niya. Kakaibang takot na baka bumalik sa dati si Isabel. Or worst is, mawala ito ng tuluyan sa kanya. He can't. He won't let her run away from her.

He walked to the elevator and continuesly pressing the botton para magbukas agad ito.  He needs to catche Isabel.

It's like the longest ride he ever had habang nasa elevator. Hindi siya mapakali. Ngayon lang yata siya nataranta ng ganito.  Panay ang buntong hininga niya at magkasalubong  ang dalawang kilay. Panay rin ang dial nya ng number ni Isabel pero hindi ito sumasagot.

Nang magbukas ang elevator ay walang sinayang na sandali para lumabas at iikot ang mata sa paligid. Duon narinig niya ang bulungan ng mga empliyado tungkol sa kanila ni Isabel..., and Samantha. Mukhang hindi pa napapansin na naririnig niya ang mga bulung bulungan nila.

Nagtagis ang bagang niya hearing everthing.

"Nagresign na kaya si Isabel? Baka noh?"

"Nakakaawa naman si Isabel. Grabe ang iyak. Ano kaya nangyari?"

"Bakit kasi umasa pa sya na seseryosohin ni Sir.... Heller!!! Sino ba sya compared to Ms. Samantha."

"Back to work!" Nagtatagis ang bagang na sigaw niya.  His Angel doesn't deserve it.

Nagulat ang mga empliyado sa sigaw na yun ni Luke. Natakot sa matalim na tingin nito.

He's a very approachable boss kahit na napaka strikto. Ngayon lang nila ito nakitang ganito kagalit na parang nakakatakot lapitan kaya kanya kanyang balik sa trabaho ang mga empliyado.

Kung ganito ang naabutan ni Isabel ay siguradong umalis na nga iyon.

Resign? No!He won't let her. She needs to hear his explanation.

Sinubukan niyang tawagan si Isabel pero hindi talaga ito sumasagot.

Pinuntahan niya ang apartment nito. But nobody's inside.

He called Camilla and Danica but they don't know where she is.

Nagaalala na sya. Baka kung ano na ang nangyari dito.

He tried calling her again. Pero ring lang iyon ng ring.

Tinititigan lang ni Isabel ang cellphone, "Prinsipe Ko Calling".

Humupa na ang pag iyak niya pero hindi ang kirot sa puso nya. Kaya ayaw nyang sagutin ang tawag nito.

Nasasaktan siyang isipin na hindi talaga sya minahal ni Luke. Kasi diba kung mahal parin nya yung Samantha, walang lugar mag mahal ng iba. Wala syang lugar sa puso o buhay ni Luke. Yun yung masakit na katotohanang ang hirap tanggapin.

Na baka pag kinausap sya ni Luke ay mapatawad agad niya ito at maniwala sa kung anong mga palusot na maaari nitong sabihin kahit yung narinig niya ang totoo. Na mahal parin nito yung Samantha.

Gaano na ba siya katagal nakaupo sa lilim ng punong ito? Di narin alam. Panay ang bag buntong hininga niya habang nakatanaw sa dagat. Kahit papaano'y napapakalma siya nag mahinang paghampas ng hangin sa kanyang mukha at buhok.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now