Chapter 29

70 1 0
                                    

Naghagip parin ang ungos ng kotse ni Luke kahit pa mabilis niyang naiiwas ang kanyang kotse. Paniguradong medyo malaki ang gasgas na iiwan nun.

Agad niyang nilingon ang Nanay Teresa sa gilid niya.

"Are you okay 'Nay" Tanong niya dito habang sinusuri kung nasaktan ba ito.

"Ayos lang ako iho. "

"Thank God! I'll just check on them po. " Paalam niya tsaka agad agad na bumaba ng sasakyan. Hindi na niya tiningnan ang damage ng kotse at diretsong tinungo ang tricycle na bumangga ngayon sa isang puno.

"Kuya .... Kuya...." Gising niya sa driver pero wala parin itong malay. Nilingon niya ang pasahero ng tricycle. May buntis sa loob niyon habang hawak hawak ang kamay ng isang babae.

"Are you okay? Nasaktan po ba kayo?"

Maya maya ay tila nagkamalay na ang driver. May dugo sa nuo nito at mukhang matanda lang siya ng ilang taon dito.

"Boss, pasensya na." Turan nito tsaka tumingin sa kotse niya. Para itong nanlumo ng mapansin ang damage ng kotse niya pero agad niyang itinago iyon at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Boss pasensya na talaga. Nag mamadali lang ako dahil manganganak na misis ko pero biglang nawalan ng preno at nag panic. "

"Naintindihan ko. Ayos ka lang ba?"

"Aaaaaa!!!? René lalabas na ang bata!" Sigaw ng buntis sa loob ng tricycle. Kaya nataranta na naman ang driver. Pati siya ay parang nataranta rin.

" A Re-----René, manganganak na asawa nyo. A----ko na maghahatid sa inyo sa hospital." Mamumutlang sabi niya dito. Pero tumango lang si René at pareho silang di gumalaw. Hanggang sa may magsalita sa may likuran nila.

"Kung tutulala kayong dalawa dyan ay baka dito na talaga abutan ng panganganak yan. Buhatin nyo na at isakay sa kotse." Utos sa kanila ni Nanay Teresa. Pero naranta ulit si René at si Luke naman ay namulta lalo.

"Bilisan nyo na.... Luke iho.. Relax.... Hindi naman si Isabel ang manganganak...."Natatawang pagpapakalma ni Nanay Teresa dito. " Ikaw na ang bumuhat kay Yana baka mahulog nya pa ang asawa nya. " Turan nito tsaka itinuro ang nanginginig na mga braso ni René.

Maayos naman silang nakarating sa sa ospital at naging maayos din ang panganganak ng asawa ni René, normal delivery to a handsome baby boy.

Maya maya ay bumukas ang pinto ng kwarto na kinaroroonan nila. Dala ng nurse ang new born baby at nakangiting iniabot sa ina nito.

"Salamat Boss. Baka kung ano na nangyari sa mag ina ko kung di mo kami tinulungan." Taos pusong pasasalamat ni René na halos mangiyak ngiyak ng ibaling muli ang mata sa mag ina niya. Pati siya ay napatingin din dito. Titig na titig si Yana sa anak nito habang idinadampi ang daliri sa matangos na ilong ng sanggol. He suddenly see Isabel in her with their child-first child like them. He wonder what its like to be a father. Sabi ng Dad niya ay siya na raw ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo when he first laid eyes and held him.

"Can I hold him?" Tanong niya kay Yana.

Ngumiti ito sa kanya at tumango tango. Kaya agad siyang lumapit dito at kinarga ang baby.

"Handsome boy...." Bulong niya habang baghagyang sinasayaw ito sa bisig niya. Nilingon niya ang magasawa. "I already paid your hospital bills. Take it as my gift for him. Ano pala ipapangalan nyo sa kanya?"

Nagkatinginan ang mag asawa bago muling bumaling sa kanya.

"Nakakahiya po sa inyo Boss. Di ko na po alam kung paano kayo babayaran. Lalo na yung damage ng kotse nyo. I know the brand and model. At alam kung mamahalin yun. Di biro ang gagastusin para sa repair nun. Repaint palang ay aabutin na ng libo libo. "

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now