Chapter 43

57 1 0
                                    

Iniiyak niya lang yung takot at sakit. Nang parang naubos na yata ang luha niya ay tsaka siya parang naliwanagan.

Mahal siya ni Luke. Hindi naman siguro ito mag sisinungaling. Ang sabi nya ay may meeting siya. Baka naman nag meeting lang sila kaya sila magkasama, purely business.

Napabuntong hininga siya. Tama. It's maybe just purely business. Walang ibang rason.

She fixed herself first bago lumabas sa cubicle na kinaroroonan niya. Tsaka siya humarap sa salamin at nag pasyang maghilamos ng mukha. Maga at namumula na kasi ang mata niya.

"Ahm...." Tikhim ng katabi nya. Kaya napalingon sya dito.

"Isabel Soriano right?"

"A---Yes...."

"Ako nga pala si Sarah, kinakaptid ni Mr. Luke."

"Sarah? Anak ng Nanay Kora?"

Napangiti ito.

"Nakwento na pala kami ni Kuya Luke sayo. Pasensya na, narinig kasi kitang umiiyak sa loob....."

"A..... yun ba... wala yun...."

"It's not nothing. Nakita ko yung nangyaring bulungan sa baba. Kaya sinundan kita."

Napasinghap siya ay napa mulaga.

"Nakita mo pala....." Malungkot na bulong niya.

"Alam ko'ng di tayo close para sabihin sayo to, pero sasabihin ko parin because I care for you and Kuya Luke." Umpisa nito.

"Mahal na mahal ka ni Kuya. Ngayon ko nga lang nakita na ganyan yun e. Akalain mo bang nagpaturo pa yan kay Nanay kung pano gumawa ng lecheflan kasi paborito mo raw yun."

"Sya ang gumawa ng binibigay nyang lecheflan?"

Napatango ito, "Oo".

"Alam kung hindi madali to be in a relationship with someone like him. Kahit ako ayoko sa mayaman. Kasi ang complicated, ng mundo nila. Mamatahin at huhusgahan ka ng mga tao. Tapos andyan pa yung baka lolokohin ka lang nila. But I'm telling you, mahal na mahal ka ni Kuya. Kaya sana wag ka magpapadala sa mga naririnig mo. Please be strong for him. "

Napangiti siya dito.

"Alam ko naman yun. Minsan lang talaga kinakain ako ng insecurities ko.  But I'm trying my best. Kasi deserve ni Luke na ipaglaban." Turan niya.

"Salamat Sarah. Pinagaan mo ang loob ko. "

"Wala yun. Sige una na ko. Baka hinahanap nako sa HR."

Totoong kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ni Sarah. It's like she reminded her why she needs to trust Luke. Na mahal sya ni Luke.

Pagkarating sa office ay inaasahan na niyang baka mapagsabihan siya ng head department sa pagiging sobrang late nya, lalo na at wala naman syang matinong maisasagot kapag tinanong sya nito kung bakit sobrang late na sya.

Ano ba kasi ang pwede nyang isagot? Di naman niya pweding sabin na, "a e kasi po, napasarap ang tulog ko katabi si Luke..."   Nako po, malaking kahihiyan at eskandalo yun.

Pero mabuti nalang at busy ang mga ito sa kani kanilang mga trabaho ng dumating sya. Parang di din nila napanasin na late sya..., maliban kay Mary.

"Okay ka lang Sabel?" May pag aalalang tanong nito while inspecting her face.

"Am----okay lang ako...."

"Wag mo nalang pansinin yung mga marites.... Pagdududahan mo pa ba si Sir Luke e patay na patay yun sayo....." Biro nito na alam niyang para pagaanin ang loob niya. Mukhang narinig din nito ang mga bulong bulungan ng mga empliyado.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now