Chapter 5

169 1 0
                                    

"We're here." Imporma ni Luke kay Isabel. Tsaka ito unang bumaba mula sa kabayo. Upang maalalayan niya mamaya si Isabel sa pagbaba.

"Here, take my hand." Sabi niyang nakalahad ang kamay sa dalaga.

Nagaalangan man pero tinanggap nadin ni Isabel ang tulong nito.

"Ang ganda...." Pabulong niyang sabi nang mamasdan ang napakagandang talon.

Katatamtaman lamang ang taas nito. Sa magkabilang gilid nito ay may naglalakihang mga bato at mga puno.

Habang busy si Isabel sa paglilibot ng tingin sa tanawin ay titig na titig naman si Luke dito.

She's really different. Other girl always took pictures first ng lugar at selfies bago ang pag appreciate ng mga tanawin tulad nito. Samantalang si Isabel ay di maalis ang paningin sa paligid sa pagkamangha.

Sa pagkakataong ito ay nagawa niyang pagmasdan ang kabuohan ng dalaga. She's wearing a gray jogger pants, a white big shirt and white running shoes.
Covered, but he knows na sa loob nito ay magandang pangangatawan. He knows because he felt her slim figure, her tiny waist in his embrace at their first meeting. Para tuloy gusto niyang hilahin si Isabel at ikulong ito sa kanyang bisig ng maalala ito. Pero hindi maari dahil Isabel is different.
Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo bago nagsalita.

Lumingon si Isabel kay Luke at tsaka ngumiti.

"Ang ganda ganda naman dito." Sabi ni Isabel tsaka umupo sa damuhan.

"Is it your first time na makakita ng falls?"

"Nope... Meron din sa probinsya. Pero espesyal kasi sakin ang Waterfalls. "

Na-curious naman si Luke ng marinig ito kaya umupo ito sa tabi ni Isabel.

"Why?"

"Kasi nung bata pa ako laging kinikwento sakin ni tatay ang tungkol ang isang fairytale about a princess..............." simula ni Isabel hanggang sa naikwento na nito kay Luke ang buong kwento habang nakatingin lang ito sa talon.

"Malaki na ako noong marealized ko na It's my parents fairytale. Their love story. Kaya pala tuwing maririnig ni nanay ang kwento ni tatay ay magtatalo sila kung sino ang mas inlove sa kanilang dalawa." Pagtatapos ni Isabel sabay lingon kay Luke habang nakangiti ng malawak.

Pero naglaho ang ngiting iyon ng maabutan nitong titig na titig sa kanya si Luke. Agad namula ang mga pisngi niya at pagbilis ng tibok ng kanyang puso kaya napaiwas agad ng siya tingin dito.

"A....am......." hindi malaman kung anong sasabihin ni Isabel.

Nang mapansin ito ni Luke ay siya na ang nagsalita.

" Am.. It's a beautiful story... Maybe I can listen to that story from your Tatay. But now lets enjoy the water." Turan ni Luke. Tsaka tumayo si Luke.

Tumayo rin si Isabel at mas lumapit sa talon.

"Tama. Let's swim." Sagot ni Isabel.

"You can undress and swim." Sabi ni Luke habang tinatanggal ang kanyang shirt.

"Ha!" Gulat na napalingon si Isabel kay Luke sa narinig. Hindi kasi niya naisip iyon.

Pero malaking pagkakamali ang pag lingon ni Isabel kay Luke. Nanlaki ang kanyang mga mata when she saw Luke undressing. Nakita niya ang matipuno balikat at dibdib nito lalo na ang well define abs nito.

Napatalikod din agad siya. Sobra ang kabog ng kanyang dibdib.

Hindi ito nakaligtas sa atensyon ni Luke at napangisi at tsaka napailing iling.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now