Chapter 10

112 0 0
                                    

Napangiti si Luke ng dumating si Isabel. Buti na lamang at maagang pumasok si Mary. Nakita niya ito kanina bago magsara ang elevator. Kaya ngayon ay sila lamang ulit ni Isabel ang sasakay sa elevator.
He fixed his tie and smile bago lumingon kay Isabel.

" Good morning Sabel." Nakangiti niyang bati.

At tulad ng dati ay hinihintay niya si Isabel na lumingon para batiin siya.

Lumingon naman si Isabel pero napakunot ito ng makita na nakatingin parin si Luke na mukhang hinihintay na batiin ni Isabel tulad ng dati.

"Good morning Sir."

Well, hindi din naman niya masisisi ang dalaga dahil sa ginawa niya last week. Pormal lang kung batiin niya ito at hindi narin siya nagtangka na makipag usap dito.

He realized his mistake. Bakit ba niya ginawa iyon.

Panay ang sulyap ni Luke kay Isabel. He can't help it.

Nadako ang tingin niya sa hairclip ni Isabel. Hindi niya napigilan na iangat ang kamay, he touches Isabel's hair clip down to her hair just like he always wanted to do. Its so soft....

Napalingon sa kanya si Isabel na bahagyang nanlalaki ang mata.

Isabel stepped back a little sabay iwas ng tingin sa kanya. Halatang halata sa mukha nito na naiilang sa kanya.

Nawala ulit ang ngiti niya dahil dun.

Binaba niya ang kanyang kamay na naiwan sa ere ng umiwas si Isabel.

" I'm sorry." Hinging paumanhin ni Luke.

"Another star clip. You like stars?" Pag bubukas niya ng usapan to lessen the tension.

Isabel took a side glance. She touches the star and smoothens her hair.

"Ahm.... Yes." Sagot ni Isabel at tsaka tinuon ang pansin sa nakasarang pinto ng elevator.

Huminga si Luke ng malalalim. He feels a little frustrated dahil yes lang isinagot si Isabel. Gusto niya na mag kwento ito kung bakit niya gusto ang stars. Tulad nun nasa resort sila na nagkwento ito kung bakit gusto niya ang falls.

"Why do you always avoid me? Dahil ba sa nangyari sa Monticello?" Nakakunot nuo pero mahinahon nyang tanong kay Isabel ng maayos.

"No Sir. Nakalimutam ko na po iyon. At hindi po kita iniiwasan."

"You do. You always talk to me like we never knew each other before you started working here. We can atleast be friends right?." Mahinahon na paliwanag ni Luke kahit nakakaramdam siya ng sakit at frustration.

"Like I said hindi po kita iniiwasan. At Boss po kita. Hindi po magandang tingnan kung casual lang ako makipag usap sa inyo."

Lalong nangunot ang nuo ni Luke sa narinig. Dahil lang sya ang Boss?

"Because I'm the boss?" Tanong niya. Bakas na sa boses niya ang inis.

Muling umiwas ng tingin si Isabel.

"Yes. " Tugon ni Isabel kahit pa ang totoo ay iniiwasan niyang mapalapit at mahulog ang loob dito.

Parang lalong nadagdagan ang frustration ni Luke. Huminga muna siya ng malalim tsaka muling nagsalita.

"But I wan't....."
Naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang elevator tanda na nakarating na sila sa floor ng Finance Department.

" Mauna na po ako Mr. Wilson." Paalam ni Isabel. Binigyan siya ng tipid na ngiti at tsaka nagmadaling naglakad palabas ng elevator.

Naiwan si Luke sa loob na malalim ang iniisip hanggang sa makarating sa top floor kung nasaan ang kanyang opisina.

Nagpalakad lakad si Luke sa loob ng kanyang opisina.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now