Chapter 15

128 0 0
                                    

Masuyong haplos sa kanyang pisngi ang naramdaman ni Isabel. Kasunod ng isang masuyong tinig.

"Wakeup My Bel"

Unti unti niyang iminulat ang kanyang mata at sinalubong siya ng pares ng asul na mga mata, matangos na mga ilong at nakangiting mapupulang labi -Luke.

Wait.

"Luke?" Nagtatakang tanong niya dito.

"Yes My beauty. It's me. Wakeup." Nagkusot kusot siya ng mata.

"Nasan tayo?" Tanong niya habang palinga linga.

"You need to eat first before we continue driving. It's lunch time already baka hindi kapa nag breakfast. Lets get inside the mall. I'm sure we can find a nice restaurant inside "

"Okay." Tipid na sagot ni Isabel.

Bumaba na si Luke ng kotse at tsaka umikot sa side niya para pagbuksan siya ng pinto.

"Salamat" Tipid lang niyang sagot.

Pagpasok sa mall ay iniikot niya ang paningin. Maraming tao dito.
Napansin niyang lumayo si Luke at lumapit sa isang guard.
Maya maya ay lumapit din ito sa kanya.

"Lets go. There's a nice Filipino restaurant on the 3rd floor." Sabi nito at tsaka kinuha ang kamay niya.

Napahugot siya ng malalim na hininga at sinilip magkahawak nilang mga kamay ni Luke. Mabilis na naman ang tibok ng puso niya. Nilingon niya saglit si Luke. Diretso lang ang tingin nito at seryoso ang mukha.

Pano kaya niya nalaman na nasa circle siya? Galit ba sya?
Hay..... mabuti at hindi pa ito nanguusisa tungkol sa nangyari kanina? Ano kaya iniisip niya? Ano ang sasabihin niya dito?

Napahinga siya ng malalim sa dami ng tanong sa isip niya.

Pagdating sa restaurant ay dumiretso sila sa corner table. Ipinaghila pa siya ni Luke ng upuan bago ito umupo.

He asked her kung anong food ang gusto niya. Pero sinabi nalang niya na ito na ang bahala.

Gutom na siya-pero parang wala siyang ganang kumain.

Habang nag oorder si Luke ay tumingin nalang siya sa labas. Pinanuod niya ang mga taong mga dumadaan. Kahit paano'y nalilibang siya.

She can feel Luke's stare. And she knows why.
If he asked what happened. she doesn't know what to say. At tingin niya ay hindi pa sya handa to open up to him.

Nabasag ang katahimikan nila ng mag serve na ng pagkain at drinks ang waiter. Napakarami naman ng inorder nito. May sinigang na baboy, kare-kare, crispy pata, pinakbet at kung ano ano pa. Napatingin siya dito sa gulat. E hindi naman nila kaya ubusin ito. Pero nag kibit balikat lamang si Luke at sinabing 'I don't know kung ano gusto mo kaya I ordered them'.

Tulad ng nakasanayan ni Luke ay ito ang naglagay ng food sa plate niya. Habang siya ay pinapanuod lang ito. Naaapreciate niya ang mga ginagawa nito. Kaya nga natatakot siya na mas tumatagal ang panliligaw nito. Dahil habang tumatagal ay lumalalim din ang nararamdaman niya dito. Sana lang ay magkaroon siya ng lakas ng loob na sumugal dito.

"Give me a reason please"pagsamo niya sa utak niya.

Nagpasalamat siya kay Luke at pareho silang kumain ng tahimik. Napapansin nito ang laging pag sulyap sa kanya ni Luke. Kapag nakita nito na konti nalang ang sabaw ng sinigang na nasa bowl niya ay agad nitong lalagyan. At kapag konti na ang laman ng plate niya ay tatanungin kung anong ulam daw gusto niya tsaka nito lalagyan ang kanyang plato.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now