Chapter 30

76 2 0
                                    

One week simula ng malaman niyang hindi naging tapat sa relasyon nila si Fabio.

One week simula ng gumuho ang mundo niya ng malaman niyang nakabuntis ng ibang babae ang boyfriend niya.

One week ng tumakbo siya palayo kay Fabio.

Tumakbo siya dahil hindi niya kinaya ang sakit na nararamdaman niya at ang gusto lang muna niya ay makalayo at ilabas ang sakit na nagsusumigaw sa puso niya.  Yung sakit na kahit balde balde na yata yung niluha niya ay hindi parin nawawala o nababawasan man lang.

Isang linggo na para syang walang buhay. Apektado na pati pag aaral niya. Kahit kasi anong pilit niyang mag concentrate sa lecture ng mga professor niya ay parati parin siyang natutulala. Kaya ang result ay di sya nakakasagot sa recitation o di kaya'y 
mababang score o bagsak sa mga quiz.

At isang linggo narin na hindi nagpapakita sa kanya si Fabio. Ni hindi nga niya alam kung nasa Pilipinas pa ba ito o baka nasa ibang bansa na naman. Ang tanging text lang nito ay.....

"I'm Sorry Issang.
Ikaw lang ang tanging mahal ko.
Wait for me please. Let's talk."

At isang linggo narin simula ng matanggap niya ang mensahe na iyon.  At hanggang ngayon ay hindi pa ito nag papakita sa kanya. Walang paramdam. Walang explanation.

"Ms. Sorian, can we talk?" Tanong ng professor niya na nagputol sa pagkakatulala na naman niya.  Napatingon siya sa paligid, nakalabas na pala ng ckassroom ang mga classmate nya. Muli niyang ibinaling ang tingon sa kanyang professor, di man niya gaanong naintindihan ang sinabi nito ay tumango na lamang siya.

"Let's talk in the office." Turan nito tsaka ngumiti sa kanya at lumabas ng classroom at sumunod na lamang siya.

Pagdating sa office ay naroon din ang ibang professors niya sa ibang major subjects.

"Iha... Nag aalala kami sayo. Pansin kasi namin na parang may pinag dadaanan ka nitong nakalipas na isang linggo.  You always spaceout at kung hindi bagsak ay mababa ang quizzes mo. Kapag nagpatuloy ito baka bumaba ang grades mo and you know what will happen."

"Sorry po. May problema lang po ako kaya nahihirapan mag concentrate. And I know it's not an excuse. Pasensya na po. Mas pag bubutihin ko po sa susunod."

"May maitutulong ba kami iha? Alam naming working student ka at alam namin na mahirap. But you are one of the most promising student of your batch and the best student of accounting student of your batch. Nakakapang hinayang lang kung tuluyang mong mapapabayaan ang study mo. "

"Thank you po sa concern. I'm fine po. I'll promise to cope up with the lessons po. " Ngiti niya sa mga ito habang pinipigilan ang luhang nagpupumilit umalpas sa kanyang mga mata.

"Mauna na po ako. Salamat po ulit. "

Tumango lang sila sa kanya at ngumiti, still concern is written on their faces.

Mag isa siyang naglalakad sa gitna ng maiingay na studyante —malalim ang iniisip. Wala pa si Danica o Camilla na mangungulit sa kanya para kahit papaano ay gumaan naman ang loob niya, kahit konti lang.... 

'Bakit ba nagawa sakin ito ni Fabio? Minahal nya ba talaga ako? Parang hindi siguro...... Dahil kung mahal nya ako hindi nya magagawa sakin to..... '
Bulong niya sa sarili ng makaupo sa lilim ng puno kung saan walang mga studyante. At duon bumuhos muli ang masagana niyang luha.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now