Chapter 16

119 2 0
                                    

Hindi ito ang unang beses na hinalikan siya sa pisngi ni Luke.
Pero iba ang kabog ng kanyang puso sa pagkakataong ito.

They're in a ferris wheel, magkadikit ang mga katawan at may background pang sunset. And then the Kiss.

Parang gustong kumawala ng puso niya sa kanyang dibdib. Malalim ang kanyang paghinga. Hindi siya makagalaw at nakatitig lamang ang mata niyang nanlaki kanina.

Titig na titig sa kanya si Luke. Parang ayaw siya nitong bitawan sa higpit ng pagkakayap nito. Bumaba ang tingin nito sa kanyang labi. And this time ay parang hindi siya makahinga habang unti unting bumababang muli ang mukha ni Luke sa kanya.

Pero bago pa maglapat ang labi nila ay biglang tumunog ang sky eye sinyales na umandar na itong muli. Duon siya bumalik sa huwisyo.

Bahagya niyang itinulak si Luke palayo sa kanya. Tinangka rin niyang muling bawiin ang kamay niya pero tulad kanina ay hindi ito pumayag.

Tahamik silang silang naglakad palabas ng Sky Ranch at pumunta sa kotse ni Luke. Hindi ito nagsasalita pero panay ang sulyap nito sa kanya na parang binabasa ang galaw at reaksyon niya. At siya naman ay laging nakaiwas ang tingin dito.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

Kapwa nag papakiramdaman.
.
.
.
.
Nakahiga siya ngayon sa kama. Kanina pa pabalik balik sa kanyang isip ang mga nangyari kanina.

Lubog na lubog siya kanina habang kaharap si Fabio at ang pamilya nito.
Parang bumalik yung sakit, galit at panghihinayang. Masaya na si Fabio sa pamilya nito. Habang siya ay dala dala padin ang takot na magtiwalang muli sa lalaki. Yung takot na hayaang mahulog ng husto sa isang tao.

At laking pasasalamat niya kay Luke ng dumating ito. Para siyang sinalo nito bago siya tuluyang maging mukhang kaawa awa sa harap ng mga ito. Dahil konting konti nalang baka bumuhos na ang mga luha niyang pinipigilan.

Naalala nya din ang pag aalaga sa kanya ni Luke. Tinakasan niya ito pero hindi ito nagalit o kaya'y inaway siya. Sa halip ay tinulungan pa sya nito. Pinasaya, at nagawa nitong pansamantala niyang makalimutan ang nangyari kanina.

Dahil sa hindi naman siya makatulog ay lumabas siya ng kwarto. Naisip niyang puntahan ang swimming pool na nakita kanina na may overview ng taal.

Umupo siya sa isang sun lounger. Gusto sana niyang umupo sa gilid ng swimming pool at ilubog dito ang kanyang binti kaya lang baka hindi niya kayanin ang lamig.

Napakaganda dito. Siguradong matutuwa ang kapatid nya at mga magulang niya kapag nakarating sila dito.
Magiipun lang siya tapos ipapasyal niya ang pamilya dito sa tagaytay.

Kamusta na kaya sila?

Kailangan nya palang kamustahin ang kapatid kung kelan ito luluwas sa Metro Manila. Bukas ay tatawagan niya ito.

Kung saan saan na napupunta ang isip niya ng may naglagay sa kanya ng blanket.

Sinulyapan niya ang kamay nito at tsaka tumingala, si Luke.

"You'll get cold." Nakangiting sabi nito na may lambing at saglit na hinawakan ang kanyang buhok bago humiga sa katabing sun lounger.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi nagsalita si Luke.
"Ano kaya ang iniisip nito?"

Humiga siya sa sun lounger bago nagsalita.

"You didn't ask..." Simula niya.
Hindi niya tiningnan si Luke pero ramdam niyang tiningnan siya nito.

"About what?"

"Fabio"

"Because I want to hear it from you kapag ready ka nang ikwento sakin. You've been hurt and I know it's not easy to share."

CATCH and FALLOù les histoires vivent. Découvrez maintenant