Chapter 11

109 0 0
                                    

Pagpasok ng Wilson's building ay sobrang kaba na ang nararamdaman ni Isabel. Hindi niya alam kung paano kakausapin o paano pakikitunguhan si Luke dahil sa nangyari kagabi.

Pagkarating sa harap ng elevator ay nakahinga siya ng maluwag ng makitang wala pa si Luke. Dali dali niyang pinindot ang up botton, lumingon pa siya sa may entrance para masigurado na wala pang anino ni Luke.

Pagtunog ng elevator senyales na dumating na ito ay napangiti siya. Pagbukas ng pinto ay agad agad siyang pumasok at pinindot ang 15th floor kung nasaan ang finance department. Tapos ay sumandal siya sa elevator wall, pumikit at napangiti. Natuwa siya na hindi sila magkakasabay ni Luke. Huminga muna siya ng malalim bago nagmulat ng mata.

Pagmulat ng kanyang mata ay halos kumawala na ang puso niya sa kanyang dibdib sa kaba kasabay nito'y napasinghap siya at bahagyang nanlaki ang mga mata. Nakasalubong lang naman ng mga mata niya ang kulay asul na mga mata ni Luke.

Luke is pressing the botton trying to prevent the elevator from closing.

"Good morning Sabel!" Bati nito pagkapasok.

Mukhang napakaganda ng gising nito dahil sa magandang ngiti at mood nito.

"Good morning. " Nahihiyang bati niya rito. Ngumiti rin siya ng konti sabay ipit ng buhok sa kanyang tenga. Bakit ba siya ganito? Hindi naman siya ganito kabahan nung sila ni Fabio.

"Let's get lunch together mamaya. " Pahayag nito.

"A.. Ano kasi kasabay ko mag la-lunch sina Mary and Gab later. " Nag aalangan na tugon nya.

Nawala ang ngiti ni Luke. Huminga ito ng malalim at tsaka nag iwas ng tingin.

"Okay. " Parang galit na tugon nito.

Hindi na muling nagsalita si Luke. Napaka tense sa loob ng elevator. She looks at Luke from the corner of her eyes. Seryoso ito at mukhang malalim ang iniisip. His jaw is tense at nakakunot ang nuo. Bumaba din ang paningin niya sa kamao nitong nakakuyum. Pansin din niya ang madalas na pag buntong hininga nito.

Nakahinga ng maluwang si Isabel ng tumunog ang elevator.

Nag aalangan siyang tumingin kay Luke at nag paalam. Hindi na rin niya hinintay pang sumagot ito at agad agad na lumabas ng elevator.

Laging napapasilip sa kanyang wrist watch si Isabel. Parang naubos ata ang energy niya ngayon dahil sa tensyon na naramdaman niya kanina sa elevator kasama si Luke. Dinagdagan pa ng maraming trabaho. Kaya inaabangan niya ang lunch time dahil gutom na gutom na siya.

Nang magtayuan ang ilang empliyado ay tumayo na rin siya gayon din si Mary. Sabay silang nag punta sa cafeteria.

Habang nakapila ay biglang dumating si Gab at pumila na rin sa likod nila. Ngumiti lamang sila sa isa't isa tsaka tumingin sa mga pagkain upang mag umpisang pumili.

Naunang umupo sina Isabel at Mary. Habang si Gab ay kumukuha pa ng pagkain at inumin.

"Sabel for you. Kaka-refill lang. Alam kong favorite mo ito kaya ikinuha narin kita. "

Tumingin si Isabel sa iniabot nitong leche plan. Paborito nya talaga ito. Kaya sa tuwing ito ang dessert na available ay lagi siyang meron sa mesa. Tumingin din siya kay Gab na parang batang tuwang tuwa.

"Thank you. Akala k-----" Pasalamat niya kay Gab pero hindi ito natuloy nang may magsalita sa may gilid ng table nila.

"I didn't know you love leche plan. Next time I'll bring you the best one."

Napa lingon siya dito. Bigla na naman ang lakas ng tibok ng kanyang puso ng makita si Luke.

"Mr. Wilson!" Sabay at gulat naman na bati nina Mary at Gab dito.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now