Chapter 22

83 1 0
                                    

Monday today tambak ang trabaho kaya dapat ay talagang nasa trabaho lang atensyon niya. Pero laging sumisingit sa isipan niya si Luke. He said he will call. Panay ang silip niya sa cellphone, pero wala siyang natatanggap na notif. Malapit nang mag lunch time pero wala, di parin ito tumatawag o kahit text man lang.

Napatingala si Isabel ng maramdaman niyang nag sisitayuan na ang mga katrabaho niya. She checked her phone again but there's no text or missed calls from Luke. She checked the time and it's already lunch time.

Sabay nilang tinungo ni Mary ang elevator like they always do pero pagdating sa cafeteria ay sa ibang table ito dumidiretso kasi nga sila ni Luke ang sabay kumain.

Nang matanaw nila ang elavator ay sakto namang bumukas ito. Mula doon ay lumabas ang seryosong mukha ni Luke pero ng magtagpo ang kanilang mata at bigla ay nagliwanag ang mukha nito at malawak ang ngiti.

" My Angel!" Bati nito habang papalapit sa kanya.

Pagkalapit nito ay agad pumaikot ang braso nito sa bewang niya at kinabig palapit sa katawan nito, tsaka dinampian ng halik sa pisngi habang siya ay parang natuod sa kinatatayuan at nanlalaki ang mga mata.

"Oh my God! Kayo na?" Gulat at masayang tanong ni Mary.

Nang marinig iyon ay tsaka siya natauhan. Kaya Agad niyang itinulak si Luke. Kita niya ang pagkagulat nito pati na ang biglang pag simangot at pagseryoso ng mukha nito. Tumingin siya kay Mary na nakatitig sa kanya at naghihintay ng sagot. Tsaka niya ibinaling muli ang tingin kay Luke ---ang loko ay parang natutuwa sa sitwasyon niya at naghihintay din kung ano ang isasagot niya.

"A------am------No. Pero pinayagan ko na siyang manligaw....." Nag aalangan niyang sagot sa kaibigan.

"Ha? E di ba nanliligaw na naman na si Sir sayo? mag dadalawang buwan na nga di ba?" Naguguluhang tanong ni Mary.

She squinted her eyes. Pano nya nga ipapaliwanag ito sa kaibigan? Maya maya ay narinig niya ang mahinang pagtawa ni Luke sa tabi niya. Kaya nainis siya dito at mahinang siniko ito. Tsaka tiningnan ito ng masama.

"Sinabihan ko naman yan una palang na di ako magpapaligaw sa kanya e. Kaso pasaway at ayaw huminto. Palagi akong inaabangan sa elevator sa umaga kaya lagi kami nagkakasabay dun. Tapos laging ready at naghihintay na sa cafeteria pag punta natin dun, e ayaw ko lang mapahiya sya sa mga employees nya kaya di ko sya matanggihan dun. Tapos pag uuwi ako andun na sya lagi sa labas ng building hinihintay ako. E kahit sabihan ko na ayaw kong ihatid nya e sunod padin ng sunod hanggang sa hinayaan ko nalang. Dahil di rin naman nakikinig. " Naiinis na kwento niya kay Mary habang masama ang tingin kay Luke.

"Wow.... Ginawa ni Sir yun? Ang pursigido naman pala ni Sir e." Natutuwang komento ni Mary habang nakatingin sa kanya. Tsaka nito nilipat ang tingin kay Luke.

" Sir a.... Mukhang tinamaan ka talaga dito sa kaibigan ko a." Asar nito kay Luke. At itong si Luke ay tumawa lang. Di man lang tumanggi. Namula tuloy na malala ang mukha niya.

"I only know the lunch and roses.... Di ko alam yung sa elevator at sa hatid pauwi....." Pang aasar san kanya ni Mary.

"Ikaw Sabel a. Kung ayaw mo pala paligaw e why do you accept the roses? You can just throw it away like what you did sa bouquet kanina....." Pang iintriga nito. Nakita pala nito iyon. Sakto kasing tapon niya sa bouquet at pagdating nito kanina sa opisina. Akala niya hindi nito napansin kasi hindi naman ito nagtanong. Wala talagang nakakalusot dito.

"E kasi ano------a----sayang naman yung rose. Mabango kasi. Tsaka pano mo naman itatapon yun e di naman kasya sa basurahan sa dami. " Palusot niya na kahit siya ay aminadong hindi convincing. Kaya itong si Luke at Mary ay tinawanan lang siya.
Sinamaan niya ng tingin ang dalawa na nagpatigil sa mga ito.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now