Chapter 28

80 1 0
                                    

Naalimpungatan si Isabel ng naramdaman ang init ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa bintana ng kanyang kwarto. 

Nag inat siya ng katawan and take a deep breath, fresh air. Napangiti  siya ng marinig ang huni ng mga ibon na na sigurado siyang nakadapo sa mga sanga ng puno ng mangga malapit sa kanyang silid. Dinig rin niya ang mga huni ng alagang manok ng kanyang tatay.

Bigla niyang naalala si Luke. "Gising na kaya ito?"  Hindi niya alam kung paano kikilatisin ni Luis at ng Tatay niya si Luke, may konting kaba siyang nararamdaman but she's hoping that Luke can prove to them that his love for her is true. At kapag nangyari yun she'll love him without reservation.

Nasa may hagdan pa lamang nang may marinig siyang nag uusap.

"Luis, Nak. Tulog  pa ang Ate mo?" Dinig niyang tanong ng boses ng kanyang Nanay.

"Tahimik pa po sa kwarto ni Ate Nay nung napadaan ako sa may kwarto niya— mukhang tulog pa po." Sagot ni Luis.

"Hindi ba't maaga naman iyong pumanhik sa kwarto niya..... mukhang  talagang pagod ang prinsesa natin at ang haba ng tulog. " Ika ng Nanay.  "O siya at sabihan mo ako kapag nagising na at nang maipag timpla ko ng kape ang ate mo. "

"This is home" nakangiting niyang bulong sa sarili.

"Sige po 'Nay. Panhik lang po ako saglit sa kwarto ko. May kukunin lang.  Check ko narin po kung gising na ang Ate pagkatapos ay mag sa-sideline na po ako. "  Dinig niyang paalam ng kapatid.

Agad naman niyang tinungo ang CR para makapag hilamos at toothbrush muna. Then, she tried searching for Luke pero hindi niya ito makita. Kaya naman sinubukan niyang lumabas ng bahay, sa harapan.
Duon ay ang Nanay Teresa lang ang naabutan niya.

"Good morning 'Nay." Bati niya habang yakap yakap ito.

" Good morning 'Nak.  Tinanghali ka yata ng gising? Halika't may almusal sa kusina, ipagtitimpla nalang kita ng kape."

"Ako na po 'Nay, kaya ko na po yun." Sabi niya dito.

"Sige ikaw bahala."

"Nay san po si Luke?"

"Ah.... Ayun sinama ng tatay mo sa pamamasada. Sya daw mag kukunduktor."

"Nay naman. Bakit pumayag kayo? Kala ko po ba di nila pahihirapan si Luke?"

"Wag ka mag alala 'Nak, binalaan ko na iyong Tatay mo. Sabi ko wag pahihirapan." Sagot nito. "Ang sabi ng Tatay mo ay tatanggap ng bayad, mag susukli, at magtatawag lang ng pasahero. Di naman daw pasasabitin sa jeep."

"Pero Nay..... CEO yun. Boss ko. Tapos gagawin nyong kunduktor?"

"But here, he's not a ceo neither your boss. Manliligaw sya..... kaya kailangan nyang gawin, yun e kung mahal ka talaga nya. Walang CEO CEO sa panliligaw." Singit ng kapatid niya na nasa may pinto ng bahay.

"Pero........"

"Walang pero pero Ate. Para sayo itong ginagawa namin."

Nainis siya kaya bumaling sa kanyang Nanay.

"Nay......" Tawag niya dito na naghahanap ng kakampi.

"Hayaan mo na anak ngayon lang naman."

Napasimangot siya sa sagot ng Nanay niya at napayuko nalang at bagsak ang balikat na pumasok na muli sa loob ng bahay ng hindi nililingon ang mga ito.

"Love you Ate." Sigaw ni Luis bago tuluyang makapasok ng bahay. Kaya napangiti narin siya.
.
.
.
.
.
Nakaparada sa terminal ng jeep ang minamanehong jeep ni Tatay Javier. Hindi na niya kailangan magtawag ng pasahero dahil maraming nakapila at naghihintay na makasakay ng jeep. Lingo kasi kaya marami paring pasahero, mga namamasyal at yung iba'y magsisimba naman.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now