Interstellar Activity

Start from the beginning
                                    

"Uwi na ako, Leone." Paalam ko sa kanya.

"Hatid na kita."

"Ay, kahit hindi na." Tanggi ko.

"No, I insist."

"Okay, suit yourself."

Naglakad kami sa direksyon ng bahay ko.

"Sophie,"

Lumingon ako kay Leone at nakitang nawala na yung masiyahing aura niya. "Yeah?"

"Thank you for coming with me."

"Thank you din sa pagkain." Ngiti ko.

"Sus, wala yun." Natawa siya pero hindi umabot yung ngiti niya sa mga mata niya.

"Leone, okay ka lang ba?"

"Yeah, I am."

"Sure ka?"

"Yeah." Tumigil kami sa tapat ng bahay ko.

"Leone, kung may problema ka man, andito lang ako. You can talk to me."

Tumango siya. "I know."

Nakatayo lang kami sa sidewalk, nakatingin sa isa't isa.

Ang lungkot talaga ng green eyes niya at hindi ko maiwasang mapansin na parang pareho sila ng ilong at labi ni Alec. Napakunot ang noo ko at tiningnan siyang mabuti. Oo nga, may pagkakahawig sila sa mga labi nila.

"Umm, I should probably go. Dumidilim na kasi."

Napaiwas ako ng tingin. Nakakahiya, tinitigan ko talaga siya. "Sure, ingat ka, Leone."

"Bye, Sophie." Lumapit si Leone at dinampian ako ng halik sa pisngi. "Good night."

Natigilan ako sa ginawa niya at napahawak sa pisngi ko. Naglakad na rin siya papalayo.

Nang matauhan ako'y pumasok na rin ako ng apartment ko at napahawak sa dibdib ko. Malakas ang tibok ng puso ko at hindi mawala sa isip ko yung paghalik niya sa pisngi ko.

Aaminin ko, mejo gusto ko si Leone kasi tinulungan niya ako kay Alec pero hindi ko siya gusto in a way na gugustuhin ko siyang maging girlfriend. Aside sa fact na sila ni Louisse ay alam ko din na straight ako. Straight as a ruler. Kaya hindi pwede yung malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko sa ginawa ni Leone.

Napatingin ako sa salamin at tiningnan ko yung sarili ko. Halatang gulat pa rin ako sa nangyari. Napailing ako. Mabait lang talaga si Leone. Masaya siya kasama. Nagulat lang talaga ako. Yun lang. Walang malisya yun.

Hindi pwede magkaroon ng malisya yun.

Nagpunta ako sa lababo at naghilamos para mahimasmasan. Maya maya ay kinuha ko na ang bag ko para ilabas ang mga libro at notebook ko. Magaaral na lang ako.

----------

BANG

Napaiktad ako mula sa pagkakahiga ko sa couch at napatingin sa kabuuan ng apartment ko. Itinabi ko ang mga gamit ko at lumapit ako sa bintana para sumilip sa labas. Madilim na at walang tao sa kalsada. Lumapit naman ako sa pintuan at napatigil nang makarinig ng kaluskos na nanggagaling sa labas.

Naghanap ako sa paligid ng kung anong pwede kong gamitin panglaban sa magnanakaw o sa kung anong nasa labas ng apartment ko. Nakita ko yung frying pan ko sa kitchen kaya yun na lang ang kinuha ko. May kutsilyo naman ako pero ayoko makasaksak, manghahampas na lang ako in case kailanganin kong depensahan ang sarili ko.

Walang peeping hole yung pinto kaya hindi ko alam kung sinong nasa labas. Chineck ko yung ilalim ng pinto pero wala naman akong makita. Naghintay lang ako sa tapat ng pinto, nagdarasal na sana umalis na yung tao sa labas nang makarinig ako ng pag-ubo. Maya maya ay napalitan yung pag-ubo ng tunog na parang may nasusuka na sa labas.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now