SPECIAL CHAPTER 2

650 24 6
                                    

"P-please..."

Gumapang ang isang babae patungo sa direksyon niya. Hinawakan nito ang kaniyang paa at hinalik-halikan iyon. "Patayin mo na ako. Patayin mo na ako." Paulit-ulit nitong sinasambit ang mga katagang iyon habang hinahalikan ang kaniyang paa.

Napangisi si Treb sa pagmamakaawa nito. Ang ngisi na iyon ay nauwi sa halakhak. Umaagos ang dugo nito na nanggagaling sa putok nitong pisngi at nguso patungo sa kaniyang paa. Ang isa nitong mata ay namamaga, habang ang isa naman ay nangingitim na ang mga gilid. Hindi na makilala ang dati nitong magandang mukha.

"Tama na, please. Just kill me already."

How long has it been? Gaano na ba katagal magmula nang dalhin nila ang babaeng ito sa basement na iyon. Weeks? Months? Hindi na niya matandaan kung gaano katagal na ang nakalipas nang simulan niya itong tortyurin.

Noong mga unang araw ay sigaw ito ng sigaw. Tinatakot pa siya na isusumbong siya sa mga pulis, ipakukulong sila, o hindi kaya ay isusumbong daw siya sa mayaman nitong ama. Ngunit ngayon, heto at nagmamakaawa na ito na tapusin na niya ang paghihirap nito. Ito na mismo ang nagmamakaawa na patayin na niya ito.

"Your dirty blood is dripping on me." Wala kaemo-emosyon niyang sabi. His eyes are cold and expressionless. "Wipe it."

Takot na takot naman nitong pinunasan ang dugo nito na tumulo sa kaniyang paa gamit ang madumi at duguan na rin nitong damit.

Sinipa niya ang kamay nito bago isinandal ang kaniyang likod sa sandalan ng mahabang sofa. "What is it that you want?"

"I want to die, please." Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagsusumamo. Talagang gusto na nitong tapusin niya ang paghihirap na dinadanas nito.

Muli siyang napahalakhak. "And why would I do that? Bakit sa tingin mo pagbibigyan ko ang kahilingan mo pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko?" Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at nagpalumbaba sa harap nito. "Hindi ba nagmamakaawa rin sa iyo noon ang kapatid ko, pero anong ginawa mo? Tinulak mo pa rin siya sa hagdan."

Takot na takot na lumuhod sa harapan niya si Shyra. Pinagdikit nito ang mga palad na animo'y nagdadasal. Pagkatapos ay paulit-ulit nitong pinagkiskis sa isa't isa ang mga palad nito. "Patawarin po ninyo ako. Patawarin po ninyo ako," sunud-sunod ang pag-iling na ginawa nito. "Hindi ko na po uulitin."

"Talagang hindi mo na mauulit." He leaned forward, inilapit niya ang bibig sa tenga nito. "Dahil habang buhay ka na sa impyernong ito."

Tumakbo ang babae patungo sa sulok ng maliit ng silid na iyon. "Isusumbong kita sa pulis!" Parang baliw na sigaw nito. "Makikita mo, makikita mo! Papasok na lamang sila bigla rito at aarestuhin ka. Kayo!" Itinuro din nito sina Zyke, Knox at Prim na tahimik na nakatayo sa likuran niya. "Isusumbong ko kayo sa mga pulis!"

Isinahod niya ang kamay kay Zyke at inilagay naman ng lalaki doon ng isang may kahabaang gunting. Mahigpit niyang hinawakan ang gunting at naglakad patungo sa babaeng nasa sulok ng silid.

"Call the police if you can. Tell them that you are in Tuscany, Italy. Tell them that you are in the middle of nowhere, in the f**king basement. Tell them that some f**king guy tortured you." May diin ang bawat salita niya. Itinapat niya sa mukha nito ang dulo ng matalas na gunting. "Iyon ay kung makakalabas ka pa nang buhay mula sa kuwartong ito."

Hinablot niya ng buhok nito. Nagsimulang umiyak ang babae. Humahagulgol ito habang patuloy ang pag-iling. Ngunit hindi na niya naririnig ang mga pag-iyak nito. Ginupit-gupit niya ang naninigas na nitong buhok dahil sa pinagsama-sama nitong pawis, dugo, luha, at dumi ng sahig. Patuloy sa pagsigaw ang babae habang ginugupit niya ang buhok nito. Kumalat iyon sa sahig.

Hindi niya tinigilan ang buhok hanggang sa maubos niya iyon. Tuluyang nakalbo ang ulo nito. Nang matapos siya roon ay tumayo siya at bumalik sa may sofa. Nagsalin siya ng wine sa wine glass na nakapatong sa isang maliit na mesa. Inamoy niya ang wine, pinaikot-ikot iyon sa baso, at saka iyon ininom.

"You are really happy right now, aren't you?" Muli siyang nagsalin ng wine. Umiling-iling ang babae bilang sagot sa kaniyang katanungan, tigmak ang luha sa mga mata nito, butil-butil ang pawis sa noo, at dumudugo ang putok na pisngi at nguso.

Ngunit mas nagpakulo lamang iyon ng kaniyang dugo. Ininom niya ang wine saka ibinato ang baso sa babae. Tumama iyon sa pader na nasa likuran lamang nito. Nagkabasag-basag iyon at bumagsak ang ibang parte ng baso sa ulunan at balikat mismo ng babae.

"Dapat maging masaya ka, Shyra." Lumapit siya sa babae at hinugot ang baril na nakasukbit aa kaniyang bewang. "Dahil may natitira pa rin akong awa sa iyo. Huwag kang mag-alala, dahil ibibigay ko naman ang gusto mo. Pagkatapos nito, magkita na lamang tayo sa impyerno." Ngumisi siya. "Hintayin mo ako, at doon mo ako gantihan. Sa ngayon, mauna ka na munanh bumati kay satanas." Itinutok niya sa isang paa nito ang baril at walang pag-aalinlangan na kinalabit ang gatilyo niyo. Pinaingay ng malakas na pagsigaw ng babae ang buong kuwarto. Hindi pa siya nakuntento, itinatapat muli niya ang baril sa isa naman nitong paa at kinalabit ang gatilyo. Nabutas ng bala ng baril ang dalawa nitong paa. Nagsimulang umagos ang dugo nito sa sahig.

Matinis at nakabibingi ang pagsigaw ng babae. Animo'y mababasag na ang voice box nito dahil sumisigaw ito habang umiiyak.

Ibinalik niya ang baril sa kaniyang bewang. Hinagod niya ang buhok gamit ang kaniyang palad at inayos ang nagulo niyang neck tie.

Binigyan niya ng isang huling ngiti ang babae. "Mamatay ka na." Tinalikuran na niya ito at humarap sa mga tauhan.

"Zyke, Knox, Prim, clean up this mess," utos niya sa mga ito. Iyon lamang ang sabi niya bago lumabas mula sa basement. Eksaktong pagsara niya ng bakal na pintuan, sunud-sunod na putok ng baril ang nagpa-ingay sa buong silid.

Napangisi siya.

Now that he is done with this matter, it is time for him to go back to the Philippines, and play the 'nice guy.'

--------------------------------------------------

Cruel and Kind's story has officially ended. See you on ny next story.
-WRMS

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Where stories live. Discover now