THIRTY FIVE

412 13 1
                                    

"Stop looking at him and look at me." Naramdaman ni Kind na mas humigpit pa ang hawak ni Cruel sa kaniyang bewang. May halong panggigigil iyon.

"Mr. Buenavista, what are you saying?" Pagmamaang-maangan niya. Sa totoo lamang ay nanginginig ang sulok ng kaniyang labi. Sigurado siyang kita na sa kaniyang mukha na pinipilit lamang niyang ngumiti. Pinilit niyang maging normal ang paghinga at binigyan ito ng ngiti. "Are you enjoying the party? Where is Shyra by the way?"

"Stop your bullshit. And stop smiling at me like that. I don't like it." Hindi maikakaila ang bahid ng galit sa boses ng binata.

At siya pa ngayon ang may ganang magalit?

Gusto niyang ikuyom ang kaniyang kamao. Ano na ang nangyari sa Cruel kaninang umaga? Iyong Cruel na hindi siya kilala, iyong Cruel na malaki ang ngiti habang ipinagmamalaki ang pagpapakasal nito? Hindi niya maintindihan ang binata. Tila may sarili rin itong palabas na ginagawa. At mas nakadadagdag iyon sa inis na nararamdaman niya.

Ngunit hindi siya nagpatalo. Hindi niya basta-basta tatapusin ang palabas nilang ito. This show must go on. Kaya iniwas na lamang niya ang tingin rito, nagpatuloy sa ritmo ng mabagal na sayaw, at nagpatay-malisya.

"Look at me," mahina ngunit may diin na sabi ng binata.

No.

"Kind, I said look at me."

Pinatatag niya ang sarili, sinunod pa rin niya ang kaniyang utak, at hindi tumingin sa binata. Kahit ang totoo ay nanginginig na ang sulok ng kaniyang labi. Ngunit tila pinagsisisihan niya iyon dahil sa sumunod na nangyari.

Dahil binitawan lamang naman ng binata ang kaniyang bewang, sinapo ng palad nito ang magkabila niyang pisngi, at mariin na pinaglapat ang kanilang mga labi!

Dahilan upang matigilan ang lahat ng tao sa loob ng venue! Sila ang naging spotlight. Maging ang mga kamera ay natigil sa pagkislap. Namimilog ang kaniyang mga mata habang nararamdaman ang paggalaw ng labi ng binata sa kaniyang labi.

Ngayon, mas malaki pang eskandalo ang ginawa ng binata na paghalik sa kaniya, kaysa sa peke nilang engagement ni Rameses.

Gamit ang kaniyang buong lakas ay itinulak niya ang binata palayo sa kaniya. Napaatras siya nang magtagumpay na mapalayo ang katawan rito. She could still see the smudge of her red liptick on the corner of his lips. Malakas ang pagkabog ng kaniyang dibdib.

"What is wrong with you?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

Nakita niya kung paano pinunasan ng binata ang labi nito gamit ang likurang bahagi ng palad. Titig na titig ito sa sariling kamay na may bahid ng kulay pula niyang lipstick. Unti-unting pumorma ang kakaibang ngiti sa labi nito. He smirked and looked intently at her. Kinabahan siya sa ngising iyon. Muli sana siyang aatras palayo rito nang mabilis nitong nilakad ang pagitan nila, mahigpit na hinawakan ang isa niyang kamay, at malalaki ang hakbang na hinatak siya palabas mula sa venue.

Mula sa kaniyang peripheral vision ay kita niya si Rameses na nakatingin sa kanilang direkston. Nang saglit niya itong lingunin ay may hindi makapaniwalang ekspresyon ito sa mukha. Gusto niyang humingi ng tulong dito, o sa kaniyang kapatid. Ngunit wala sa saang sulok man ng kuwartong iyon ang Kuya Treb niya, maging ang mga bodyguards niya. Kung kelan niya kailangan ang mga ito ay saka naman ito nagsuot sa kung saan mang lupalop ng mundo!

"Kind? Cruel---?" Walang pakialam na nilagpasa ng binata si Shyra na kakapasok lamang sa pintuan ng venue.

Nagtama ang kanilang mga mata ni Shyra. "Shy, I---" hindi na niya natapos ang mga susunod pang sasabihin nang halos makaladkad siya dahil sa laki ng mga hakbang ni Cruel.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon