FORTY TWO

403 14 0
                                    

Three weeks later...

"Miss Kind?"

Nag-angat ng tingin si Kind nang marinig ang sunud-sunod katok sa pintuan ng opisina. Boses iyon ni Clara, ang kaniyang bagong sekretarya.

"Come in," malakas niyang sabi, kasunod niyon ay ang pagpasok ni Clara sa opisina bitbit ang ilang dokumento.

"Miss Kind, ito na po yung documents na nire-request ninyo last time."

"Thanks, Clara. Pakipatong mo na lang dito sa mesa." Sinunod naman iyon ng kaniyang sekretarya, pagkatapos ay nagpaalam na lalabas na.

Sinimulan niyang isa-isahin ang mga dinala ni Clara. Iyon ang printed copy ng mga kauna-unahang disenyo ng mga ilang furnitures ng kumpanya ng kaniyang kapatid. May isa kasi silang malaking kliyente na nagre-request din niyon para sa bago nitong tayong mansyon. Kasama na rin doon ang history at inspirasyon para sa disenyo. Clara did a good job recompiling it. Sa ilang linggo nitong pagtratrabaho sa kaniya ay wala siyang masasabi. Maayos at talagang kumpleto ito kung magtrabaho. Matalino rin ito at maaasahan. Hindi niya pinagsisisihan na ito ang pinili niya sa gitna ng maraming aplikante, kahit pa late ito noong interview.

May tatlong linggo na rin ang nakalilipas nang mag-take over siya. Noong una ay talagang nangangapa siya sa kalakaran at sa kung paano tumatakbo ang kumpanya ng kaniyang kapatid. Ngunit ngayon ay medyo gamay na niya iyon.

Tatlong linggo na rin ang nakalilipas ngunit wala siyang kahit anong balita mula sa kaniyang kapatid. Madalas itong pumasok sa kaniyang isip at walang araw na hindi siya nag-alala para dito. Araw-araw din niya itong sinusubukang tawagan. Ngunit ni minsan ay hindi pa ito sumagot.

Maging sina Knox at Prim ay tikom ang bibig. Kahit anong pilit niya sa mga ito, kahit anong piga niya kung patungkol sa kung nasaan at sa kung ano ang ginagawa ng kapatid ay hindi pa rin nagsasalita ang mga ito. Loyal ang dalawa sa kaniyang kapatid. Sinusunod lamang ng mga ito ang utos ng kaniyang kapatid na bantayan siya at panatilihin ang kaniyang kaligtasan. Sa opisina lamang naman niya nakikita ang mga ito. Ngunit sa labas, ay hindi na niya nakikita ang dalawa. Alam niyang binabantayan pa rin naman siya ng mga ito mula sa malayo kapag lumalabas siya, tulad na lamang kapag naggo-grocery o hindi naman kaya ay kapag naiisipan niyang i-date ang sarili niya sa labas.

Hinahatid din siya ng mga ito hanggang sa pag-uwi niya sa bago niyang tinutuluyan. May dalawang linggo na rin ang nakararaan nang lumipat siya ng tinitirhan. Umiiyak pa nga noon si Mrs. Hernandez nang ipaalam niya rito na sa wakas ay nahanap na niya ang kapatid at kailangan na niyang lumipat sa bagong unit na ibinigay nito. Hindi magkandamayaw ang ginang sa pagyakap sa kaniya at sa pagtulong sa kaniyang sa pag-eempake ng kaniyang mga gamit.

Nangako siya rito na palagi siyang bibisita sa free time niya. Sa katunayan nga ay bumisita siya rito noong isang araw at isinama ito sa mag-mall. Tuwang-tuwa ang ginang dahil madalang ito makapunta sa mga ganoong lugar.

Naisandal niya ang likod sa swivel chair. Pumasok sa kaniyang isip ang huli nilang pag-uusap magkapatid ilang linggo na ang nakararaan...

"Kind, we need to talk." Napatigil siya sa paghuhugas ng plato nang marinig ang boses ng kaniyang kapatid. Nakabalik na silang dalawa sa Pilipinas mula sa Paris, at kasalukuyan silang nasa apartment na kaniyang tinitirhan. Naisipan kasi ng kapatid niya na bisitahin iyon pag-uwi na pag-uwi nila. At ngayon ay kakatapos lamang nilang dalawa kumain ng hapunan. Samantala si Cruel naman ay nauna ng dalawang araw sa kanila ng pagbalik sa Pilipinas.

Mabilis niyang tinapos ang paghuhugas ng plato at pinunasan ang mga kamay. Hinubad niya ang apron at isinabit iyon. Ipinagtimpla muna niya ng kape ang kapatid pati na rin ang kaniyang sarili at hinatid iyon sa labas. Naabutan niya ang kapatid na paharap na nakasandal sa railings. Palagi niyang naaabutan sa ganoong posisyon ang kapatid. He seems to like reflecting; to think about things pretty deeply.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon