TWENTY SIX

441 17 8
                                    

"Ma'am, two thousand four hundred six po lahat."

"Ah, ito ho ang bayad."

Iniabot niya sa cashier ang kaniyang bayad sa lahat ng kaniyang pinamili. Mabilis naman iyong inasikaso ng cashier at ibinigay sa kaniya ang sukli. Magalang pa siya nitong sinuklian pagkatapos.

Matagal-tagal na rin noong nakapag-grocery siya sa mall. At matagal na rin iyon bago masundan uli. Dinamihan na kasi niya ang pinamili niya ngayon. Pagkagaling niya sa trabaho ay dito siya dumiretso. Bigla na lamang niyang naisipang magliwaliw. She wants to treat herself.

Pinaiwan muna niya sa baggage area ang kaniyang pinamili at saka naglibot-libot. Alas siyete 'y media na ng gabi ang sinasaad na oras ng suot niyang wristwatch, at nag-uumpisa na rin siyang makaramdam ng gutom. Hindi rin kasi siya nakakain ng tanghalian kanina.

Pumasok siya sa isang fastfood chain at pumila. Hindi karamihan ang tao roon kaya naman agad din siyang naka-order. She took a photo of her order and send it to Hiraya. Hiraya also sent her a photo. It was a photo of her and her mother.

Maraming tubo ang nakakabit sa ina nito. Bakas din sa mukha ng kaniyang kaibigan ang pagod.

I'll be coming home soon. She hit the 'send' button. Hindi na nagreply ang kaniyang kaibigan. Kaya naman itinago na niya ang cellphone sa kaniyang bag at nagpokus na sa pagkain. Napapatingin siya sa ibang tao sa iba pang mga lamesa. Almost all of them are in group. May isang grupo ng mga magkakaibigan roon na nagkakatuwaan. All of them are smiling. May isang pamilya naman na nagse-celebrate ng birthday ng tatay ng mga ito, habang ang iba ay mag-boyfriend at girlfriend na kumakain ng magkasama.

Napatingin siya sa kaniyang kinakain. Nakaiinggit ang mga iyon.

Naputol ang kaniyang pagmumuni-muni nang may naglagay ng isang tray na may lamang pagkain sa mesa niya. Nag-angat siya ng tingin upang makita kung sino ang may-ari niyon. At kumunot ang kaniyang noo nang makitang si Kleyser iyon. Ang babaeng may gusto sa kaniyang boss.

"Kleyser?" Hindi niya makapaniwalang tanong. It's so rare for her to see Kleyer in this kind of place. Wala kasi itong oras na pinipili sa pagsunod kay Ashton.

Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho nito ay nakatambay na kaagad ito sa kanilang firm. Walang araw yata na hindi nito hinintay makauwi mula sa opisina ang kaniyang amo.

Marami ang laman na pagkain ng tray nito. Si Kleyser ang isang klase ng babae na walang pakialam sa timbang nito. She eats what she wants, she eats what makes her happy. Kind always liked that about her.

"It is unusual to see you here, Kley. Hindi ba kayo magkasama umuwi ni Bossing?" Tanong niya. Somehow, she felt happy that Kleyser is here.

Umiling-iling ito. She looks a bit down, which is unusual also. Kleyser is a ray of sunshine; always bright and enthusiastic, especially whenever she's with Ashton. Ngunit kung gaano ito kaliwanag sa mga taong ka-close nito, ganoon din ito kasungit at ka-intimidating sa mga taong sinusubukang 'agawin' mula rito si Ashton.

Tahimik itong kumain. Halatang masamang-masama ang mood nito kaya hindi na lamang siya nagsalita pa. Nagpokus na rin siya sa kinakain niya.

"Kind, be honest with me. Do I look fat to you?"

Natigilan siya sa pagkain at nag-angat ng tingin sa kaharap. Tumigil na rin pala ang kaharap sa pagkain, at ang mga mata ay nakatuon sa mga pagkain sa mesa nila. Mahigpit ang hawak ni Kleyser sa kubyertos.

Kleyser is actually a big-boned woman. Voluptous ang body-type nito, malaki ang balakang at malaki ang hinaharap. But it looks natural to her. Matangkad kasi ito, kaya naman hourglass ang pigura ng katawan nito.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon