THIRTY NINE

426 10 0
                                    

"Kuya! Please, stop this!" Pagmamakaawa ni Kind sa kapatid habang walang awang sinusuntok si Cruel na nakatali sa isang upuan. "Kuya, tama na!"

Ngayon lamang niya nakita ang side na ito ng kuya niya. Treb's eyes were cold. They are the eyes of a killer. Hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Tila kayang-kaya nitong patayin ang nakagapos na lalaki sa upuan. At natatakot siya roon. Natatakot siya sa maaaring magawa nito kay Cruel na duguan na ang mukha.

Ibang-iba ang ekspresyon nito sa Treb na tumulong na yumakap sa kaniya kanina lamang sa restaurant, sa Treb na kaniyang Fairygod mother, sa Treb na kakampi niya.

Ito ang ibang katauhan ng kaniyang kapatid.

"Kuya!" Hindi siya makalapit sa kapatid dahil mahigpit ang hawak ni Knox at Zyke sa magkabila niyang braso. "Kuya Treb! He just helped us!" Nakailang ulit siya ng pagtawag sa pangalan ng kapatid ngunit wala na itong naririnig. Bawat pagtawag niya ay isang suntok ang ibinibigay nito kay Cruel.

"Ms. Kind, I think it is best if you leave for a moment." Mahinahon na sabi sa kaniya ni Zyke.

"Leave? How could I leave when my brother is going berserk?" May diin niyang sabi. Her tears are just around the corner. Pilit lamang niyang pinatatag ang boses.

"I am saying this for your own---"

"FUCK OFF, ZYKE!" Galit na galit niyang sabi. Natigilan naman ito nang marinig ang malakas niyang pagmumura. Kahit ang kaniyang kapatid ay natigil ang kamay sa ere nang marinig ang galit niyang boses. Kilala siya ng mga ito. Kilala siya ng kapatid. Mapagpasensya siya, hindi nagmumura, at inuuna palagi ang kaniyang rasyunalidad. Ngunit iba sa pagkakataong ito. Putol na ang pisi ng kaniyang pasensya. Lalo pa at ayaw mapakiusapan ng mga tao sa paligid niya.

Ipiniksi niya ang mga braso upang mabitawan siya ng mga ito. She's done with all of this. Ang kaninang pagtitimpi niya ay napalitan ng galit.

Sa katunayan ay masama ang kaniyang loob. Pagkatapos ng pinagdaanan nila ngayong gabi, wala man lamang nagpapaliwanag sa kaniya ng nangyayari. Walang nagpapaliwanag sa kaniya kung sino ang mga lalaking muntik nang pumatay sa kaniya. At ngayon, binubugbog pa ng kaniyang kapatid ang lalaking kaniyang minamahal dahil lamang sa tinulungan sila nito.

Walang sabi-sabi niyang hinugot ang baril na nakasukbit sa bewang ni Zyke at itinapat iyon sa mukha ng lalaki. "FUCK. OFF." May diin sa boses niya. Maawtoridad iyon.

She has never done this all her life. Ang humawak ng baril at itapat iyon sa mukha ng isang tao. Hindi na niya alam ang tumatakbo sa kaniyang isip.

"You really should not do this---"

Ikinasa niya ang baril na nakatutok sa mukha nito. "Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Zyke." Walang emosyon niyang sabi. Hindi niya inaalis ang tingin sa lalaki. "Step aside."

Napabuntong-hininga na lamang ang lalaki, bago unti-unting sumunod sa kaniyang sinabi. Umalis ito sa kaniyang harapan. Lumapit siya sa kapatid na nakatalikod sa kaniyang direksyon at itinutok sa likuran ng batok nito ang malamig na dulo ng baril.

"I said stop it." Malamig at may diin niyang sabi.

"Tss." Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang kapatid bago sila tinalikuran at walang lingon-likod na umalis mula sa kuwartong iyon. Dinig pa niya ang malakas na pagbagsak ng pintuan ng kuwarto, at nang lingunin niya iyon, maging ang mga bodyguard nila ay wala na rin pala roon. Sila na lamang ni Cruel ang naiwan sa kuwartong iyon.

Agad niyang kinalagan ang binata at inalalayan ito patungo sa mahabang sofa. Pagkatapos niyang maiupo roon ang binata ay mabilis siyang kumuha ng maliit na palangga, hand towel at first aid kid. Nang bumalik siya sa kuwarto ay madiin na ang pagkakapikit ng binata at malalalim na rin ang paghinga nito. Halata sa mukha nito ang paghihirap, at tila hinaplos ang puso niya roon. Dahil sa kaniya ay kaya nagkakaganito ang binata ngayon; dahil sa pagtulong sa kaniya.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Where stories live. Discover now