THIRTY TWO

439 19 2
                                    

"Nice to meet you, Kind." Tila natulos si Kind sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang sinabing iyon ni Cruel. Inilahad ng binata ang kamay nito sa kaniyang harapan at hinihintay ang kaniyang kamay.

She smiled at him. Inabot niya ang kamay nito. "Nice to meet you too, Mr...?"

"Oh, it's Buenavista." Of course. Alam na alam niya iyon. Sino ba naman ang makalilimot sa apelyidong iyon? Definitely not her. Lalo na kung ang lalaki sa iyong harapan ay ang lalaking bigla na lamang susulpot sa harapan ng bahay mo, kukunin ang pagkababae mo, at iiwanan kang parang isang tanga.

Ngunit wala siyang nagawa, kailangan niyang sumakay sa pinagsasasabi nito. She looked at him smile while shaking his hand. Ramdam niya ang init na nagmumula sa mga iyon, ngunit isinantabi niya ang nararamdaman. Hindi niya inaalis ang tingin dito. Kung gusto nitong maglaro, pagbibigyan niya ito. He does not know her, right? Puwes kaya rin niyang magpanggap na hindi niya ito kilala. Hindi lamang ang binata ang may kayang gawin iyon. Siya rin! Kaya naman pinatatag niya ang mga paa. Ipinakita niyang hindi siya apektado.

Magmula sa araw na ito, kakalimutan na niya ang mga nangyari sa kanila apat na buwan na ang nakakaraan. Ito na ang magiging unang araw na nakilala niya ang binata. Ang mga nangyari sa Isla Buenavista, ang mga nangyari sa kaniyang apartment, lahat nang iyon, burado na.

Sino mag-aakala na apat na buwan rin pala silang hindi nagkita? Apat na buwan lamang iyon ngunit kung umakto ang binata ngayon ay parang apat na taon iyon. Because of Cruel, she does not want to be associated to Buenavistas anymore, in any freaking way.

Kaya ngayon, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit malungkot na malungkot ang kaniyang kalooban sa kanilang pagkikita. At kung bakit umakto ang binata, na para bang talagang hindi pa sila nagkakakilala before.

Binitawan na niya ang kamay nito. Cruel is smiling while looking at Shyra. Apat na buwan lamang ang nakalipas ngunit ibang iba na rin ang ugali ng binata. He is smiling. Hindi na intimidating ang aura nito.

"Kuya Treb, how are you? I did not know that you have a sister." Nakipag-fist bump ang binata sa kaniyang kapatid. Agad namang bahagyang ibinangga ng kuya niya ang kamao nito sa kamao ni Cruel.

"Good, good. Actually, recently lang kami nagkasama ng kapatid kong ito. Sa Russia kasi talaga siya nakatira. And she will also be back there soon." Nakangiti namang sabi ng kaniyang kapatid, habang siya ay kinimkim ang pagkabigla nang marinig ang huling sinabi nito. Sa katunayan kasi ay napag-usapan na nilang magkapatid na maaari siyang manatili sa Pilipinas hanggang kailan niya gusto, as long as ligtas siya. Kaya nga in-assign ng Kuya Treb niya na bodyguard sina Knox at Prim.

"Anyway, how's your Kuya Trail?"

"Ayun, nag-eenjoy sa buhay mag-asawa," sagot ni Cruel. "Soon, I'll enjoy that life too, with this beautiful girl beside me."

Parang tinarak ng kung ano ang kaniyang puso dahil sa narinig. But she hid everything on her smile. "Kaya nga, dinig ko rito kay Shy, pihikan ka raw." Matatag rin ang kaniyang boses. Grabe ang pagpipigil niyang huwag pumiyok. Tila may nakabara kasing kung ano sa kaniyang lalamunan na nagpapahirap sa kaniyang magsalita.

"I just want my wedding to be perfect. That's what my Shy deserves." Nang tingnan nito ang nakangiti ring babae ay punung-puno ng pagmamahal ang mga mata nito.

My Shy.

Tumatak ang mga katagang iyon sa kaniyang pandinig. Naramdaman niya ang unti-unting panginginig ng kaniyang mga kamay kaya naman agad niya iyong itinago sa kaniyang likuran. Ngunit kahit nanginginig ang kaniyang mga kamay ay sinigurado niyang hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Where stories live. Discover now