EIGHTEEN

496 23 0
                                    

Humigpit ang hawak ni Kind sa calling card na ibinigay sa kaniya noon ni Cruel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang natatawagan ang numerong nakasaad roon. Hindi niya alam kung talagang wala siyang oras para gawin iyon, o kung talagang kinakabahan lamang siyang gawin iyon.

She heaved a deep sigh before putting the small paper back inside a drawer.

Natigilan siya nang kumudlit sa isip ang pamilyar na mukha ng binata. Magdadalawang-linggo na rin magmula nang makabalik sila nina Danita, Mina at Ashton sa Maynila. Dahil sa biglaang dagsa ng kliyente, hindi na rin nila na-extend ang bakasyon nila sa Isla Buenavista. At tatlong araw nga matapos ang kasalang naganap roon ay kinailangan na nilang bumalik kaagad sa Maynila. Kaya naman sa nakalipas na dalawang linggo mula ng makabalik sila ay wala silang ginawa pare-pareho kundi ang magtrabaho.

Hindi man lamang siya nakapagpaalam kay Cruel. Ni hindi niya naibigay ang sagot na hinihingi nito tungkol sa proposal nito sa kaniya. Matapos ang huli nilang pag-uusap na iyon ay talagang pinag-isipan niya ang proposal na iyon.

Teka, ano naman kung hindi siya nakapagpaalam sa binata? At ano namang sasabihin niya rito? Wala.

Hays. Magugulo na naman ang isip niya dahil sa binatang iyon. Nitong mga nakalipas na araw ay sinubsob niya ang sarili sa trabaho upang makalimutan ang binata pati na rin ang huling beses nilang pag-uusap.

Isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng maliit niyang sofa. She is back on her apartment complex. Kauuwi lamang niya galing opisina at sa katunayan ay ni hindi pa siya nakapagpapalit ng kumportableng damit, ni hindi pa niya nahuhubad ang sapatos na ginamit sa trabaho. Basta dire-diretso lamang siyang pumasok sa bahay nang makauwi at binagsak ang kaniyang sarili sa sofa.

Hindi ganoon kalaki ang kaniyang inuupahang kuwarto, ngunit may sarili naman iyong kusina at banyo. Iyon lamang kasi ang nakuha niya na pinakamura sa lugar na iyon. Nasa dulo ng hallway ang kuwartong iyon. At mangilan-ngilan lamang ang kaniyang kapitbahay. Sa katunayan ay walang nakatira sa kabilang kuwarto. Kaya naman tahimik ang buhay niya sa ikatlong palapag na iyon.

Walang partition ang kuwartong iyon, pagpasok na pagpasok ay kusina agad at maliit na sala ang makikita. Kaya naman bumili siya ng maliit na mesa kahit papano ay may partition ang kusina at sala. Wala ring partition ang para sa kuwarto kung saan siya natutulog. Siya lamang ang nagpabili ng plywood at ilang kahoy at nagpagawa niyon sa nagho-home service karpentero. Dahil sa maraming flaws ang kwartong iyon, hindi rin naman ganoon kalaku ang renta, at isa pa, talagang mabait ang kaniyang landlady. Bukod kay Ashton, ang landlady rin niyang si Mrs. Hernandez, ay nagtiwala sa kaniya kahit walang siyang deposito o advance man lamang noong nakiusap siya dito dati na kailangan niya ng matutuluyan. Napakabait nito. Hinayaan siyang pumili ng uupahan kahit wala pa siyang kapera-pera noon.

Tandang-tanda pa niya ang mga panahon na iyon. Umuulan ng mga oras na iyon, at talagang butas na ang kaniyang bulsa.

Napatitig siya sa isang kamay na may iilang sentimo. Wala na siyang kahit ano. Naibenta na niya ang kaniyang cellphone. At ang napagbentahan naman ay naubos na sa ilang araw niyang pagkain at pagpapalipat-lipat ng apartelle at motel. Ang meron na lamang siya ay ang kaniyang maleta at ang bagong bili niyang de-keypad na cellphone na nasa loob niyon kasama ng iilang piraso niyang mga damit.

Ramdam na niya ang pangangatog ng buong katawan pati na rin ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Madalim na kasi ang langit at hanggang ngayon ay wala pa siyang matutuluyan.

Humigpit ang hawak niya sa kaniyang maleta. Mama, ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nakatigil siya sa gitna ng tila isang plaza. Parang ayaw nang gumalaw ng kaniyang mga paa. Ang ilang mga tao ay napatitingin na rin sa kaniya. She's very much aware on their looks. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kaniya? Siya lamang ang walang payong sa gitna ng mga naglalakad na tao. Siya lamang ang mukhang basang-sisiw. Napalilingon sa kaniya ang mga tao ngunit wala miski isa ang balak magpasukob sa kaniya.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Where stories live. Discover now