FORTY FOUR

390 15 1
                                    

"Y-your Mom?" Nauutal na inulit ni Kind ang huling salita na sinabi ng binata. Napatigil sa paghihiwa ng mga sangkap para sa niluluto niya at naibaba ang kustilyo. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Gusto siyang makita ng ina nito.

Ngumiti sa kaniya si Cruel at sunud-sunod na pagtango ang ginawa. Nakapalumbaba ito at hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

"Mrs. Buenavista wants to see me?" Bulong niya ngunit narinig pala siya ng binata. Tumayo ito, lumapit sa kaniya at niyakap ang kaniyang bewang mula likod. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang pisngi bago ipinatong ang baba nito sa kaniyang balikat. Pati ang init na nagmumula sa hubad na katawan ng binata, ramdam niya. Manipis lamang naman kasi ang polo ng binata na suot niya. Umabot ang haba niyon hanggang sa kalahati ng kaniyang hita.

"She really wants to meet you. She is very excited, you know. Hindi siya makapaniwalang may pag-asa pa pala akong ma-in love. Gusto lang niyang makilala ang babaeng nagpapasaya sa akin ngayon." Isinayaw-sayaw siya ng binata sa isang hindi naririnig na musika.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang kiligin sa sinabi ng binata o ano. Basta ang magkahalong kaba at excitement rin ang nararamdaman niya. Gaano na rin ba katagal noong huli niyang nakita ang mabait na ginang? Hindi na niya maalala. Basta ang ibinigay nitong sandals sa kaniya noon ay inaalagaan pa rin niyang mabuti hanggang ngayon.

"And you should start practicing calling her 'Tita' or 'Mom.' She does not like to be called by her name, and any other name," mahina itong natawa. "Pakiramdam daw niya ay tumatanda siya nang sampung beses sa tuwing kung anu-ano ang itinatawag sa kaniya."

Maging siya ay natawa roon. Hanggang ngayon ay dumadaan pa rin sa pagpapagaling ang ina ng binata. Kahit na mas mabuti na ang kalagayan nito, walang palya pa rin ito sa mga check up, post meds, at kinakailangang therapy.

"Yeah, I will practice it." Nakangiti niyang tugon.

"So, it is decided. You are coming with me, right?" Humarap siya sa binata at ikinawit ang mga braso sa batok nito.

"Of course I will. Nahihiya nga lamang ako sa magulang mo." She answered honestly. Dahil kauna-unahan niyang boyfriend si Cruel, hindi pa niya naranasan maipakilala ng kahit na sino sa kanilang mga magulang. Hindi tuloy niya alam kung paano ang iaakto sa harap ng mga magulang nito. Kahit nakilala na niya ang ina ng binata, hindi pa rin niya mapigilan ang kaba sa kaniyang dibdib.

Pinagdikit ng binata ang kanilang mga noo. "Huwag kang mahiya sa kanila. I'm sure they will like you."

"Sana nga." Napapikit siya nang maramdaman ang paghalik ng binata sa kaniyang noo.

"By the way, I like my clothes on you," bulong ng binata, ngunit rinig na rinig niya iyon. Mas lumaki pa ang kaniyang ngiti. "I like the faint smell of you on my shirt."

Nagtama ang kanilang mga mata. Kita niya ang pamumula sa mukha ng binata. Hanggang tenga iyon.

"At kailan pa po naging magaling sa mabubulaklak na salita ang Cruel namin?"

"Namin?" Nagkaroon ng kunot sa noo nito bago isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg, naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kaniyang bewang. "Huwag mo kong ipamigay sa iba." She chuckled after hearing what he just said.

"Ko," pagbabago niya sa huling sinabi. Ngumiti ang binata sa kaniyang leeg.

"That's more like it."

"Sige na," she pat his head. Hinaplos niya ang malambot na buhok ng binata. Animo'y may yakap siyang isang baby damulag. Natawa siya sa sariling naisip. "Upo ka muna habang nagluluto, or watch some T.V. You could also take a quick bath to freshen yourself up. Paniguradong pagkatapos mo, tapos na rin ang niluluto ko."

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon