TWENTY THREE

439 19 5
                                    

FOUR MONTHS LATER.

Yeah, apat na buwan na nga ang matulin na lumipas. Apat na buwan ang nakalipas nang hindi namamalayan ni Kind. Lumipas iyon nang wala siyang ginawa kundi ang abalahin ang sarili sa pagtratrabaho.

Malamig ang simoy nang hangin na pang gabi ang tumatama sa kaniyang balat. Palibhasa ay nalalapit na ang kapaskuhan. Wala pa naman siyang dalang pang lamig. Papauwi na siya mula sa buong araw na trabaho. At dahil sobrang traffic ay bumaba na siya mula sa taxi at naglakad na lamang pauwi. Gusto na rin kasi niyang makapagpahinga nang maaga.

Nang makarating siya sa inuupuang kuwarto ay mabilis siyang naghubad ng sapatos at ibinagsak ang dalang maliit na bag sa sofa. Hinubad din niya ang lahat ng kaniyang kasuotan at tinungo ang banyo. Tila inalis ng kaniyang pagligo ang lahat ng pagod at stress niya ngayong araw.

Dahil sa nalalapit na nga ang kapaskuhan ay mas dumami pa ang mga kliyente ng kanilang firm. Lahat iyon tinatanggap niya. Kung subsob na siya sa trabaho noon ay mas dumoble, hindi, triple pa ang pagsubsob niya ngayon doon. Wala siyang tinanggihang kliyente miski isa, kaya sunud-sunod din ang kasal na in-organize nila sa mga nakalipas na buwan.

Bahay-Trabaho.

Iyon lamang ang dalawang lugar na pinaglalagian niya. Hindi na siya sumasama sa mga katrabaho sa tuwing nagyaya ang mga ito ng night out. Ilang pagyaya na rin na kumain ang tinanggihan niya. Matagal-tagal na rin noong huli siyang nakapagliwaliw. Maging ang pagyayaya ni Mama Rory sa kaniya na sumabay sa pagkain ng tanghalian, natututo na rin niyang tanggihan.

She just wanted to be by herself these days. Pati paggo-grocery nga, sa convenience store sa kanto na lamang niya ginagawa. Doon na lamang niya binibili ang mga kailangan niyang sofa.

Si Hiraya ang madalas niyang makausap ngayon. Bumili na rin siya ng panibagong cellphone, kaya paminsan-minsan ay nagkaka-video call silang dalawa. Hiraya's mom's condition had worsen. Kaya naman ang kalahati ng kaniyang sahod ay talagang inilalaan niya sa pantulong sa kaibigan. Hindi na rin kasi sapat ang kita nito. At napakalaki ng gastusin ng kaniyang kaibigan sa bill ng hospital. Isa pa, siya naman ang may kasalanan niyon, nang bayaran nito ang lahat ng pinagkakautangan niya sa Russia. Kulang pa nga ang mga ipinapadala niya sa kaibigan.

But Hiraya is still patient. Kahit nga siya ang may kasalanan at ang siyang dahilan kung bakit dumaraan ngayon sa krisis at kamalasan ang kaibigan, wala pa rin siyang ibang narinig dito kundi puro pasasalamat. Hiraya is truly an angel, and Kind somehow felt that she does not deserve a friend like her.

Dumiretso na siya sa kuwarto matapos makapaligo. Pinatay na niya ang ilaw at naisipang huwag nang kumain. Tila mas inaamot kasi ng pagod niyang katawan ang pagtulog kaysa pagkain. Kaya naman nahiga na siya at napatitig sa madilim nang kisame.

She contemplated. Tila pumasok sa isip niya ang lahat ng nangyari nitong nakalipas na apat na buwan. Gumana ang kaniyang alaala. Marami na rin ang nangyari sa nakalipas na apat na buwan. Naalala tuloy niya ang interview niya sa San Esteban nang tawagan na niya ang numero mula sa calling card... At ang lahat ng nangyari bago iyon...

Kind groaned. Agad niyang naramdaman ang sakit ng katawan nang magising kinabukasan. Paano ay walang tigil sila sa pagniniig ni Cruel. Buong magdamag siya nitong binusog sa sensasyon, na animo'y natatak na sa bawat hibla ng kaniyang pagkatao ang bawat haplos ng binata.

Unti-unti niyang naimulat ang mga mata, ngunit agad din niya iyong naipikit nang tumama roon ang liwanag na nanggagaling sa ilaw. Napakurap-kurap siya. She adjusted her vision. Ramdam na ramdam niya ang mumunting kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. Agad na pumasok sa isip niya ang ilang beses na pag-iisa nila ng binata kagabi at ang bawat haplos na kanilang pinagsaluhan. Hindi na nga nila namalayan pareho kung anong oras sila natapos at nakatulog.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon