TWELVE

636 26 0
                                    

"K, where have you been?" Nakapamaywang na tanong sa kaniya ni Ashton.

"At the hotel." Simple niyang sagot.

"Miss Kind, anong nangyari? Ano raw ang kailangan sa iyo ni Mr. Buenavista?" Mausisang tanong ni Danita.

Sino ba namang hindi maku-curious, kahapon lamang ay nag-aasikaso sila ng kasal ng kapatid nito, ngayon ay ilang sandali pa lamang ang nakalilipas mula nang isampay siya ng kapatid ng groom sa balikat nito.

Maging sa mukha ng boss nila ay halata rin ang kuryosidad. Hinihintay ng tatlo ang kaniyang kasagutan. Kahit hindi ito magsalita ay naka-plaster na sa mukha nito ang tanong na "What happened?" Nagsimula na, paniguradong hindi na titigilan ng mga ito ang pag-uusisa sa kaniya.

Mabilis naman na gumana ang kaniyang utak. Nagpapasalamat siya sa utak niya at mabilis itong makaisip ng mga palusot kapag nalalagay siya sa mga alanganing sitwasyon na katulad nito.

"Uhh... Remember what I told you earlier? That I ate at his restaurant?" Agad namang tumango-tango sina Danita at Mina bilang pagsagot. "Well, it turns out that I forgot to pay my bill. And Cruel--- erm, Mr. Buenavista was angry about that. So I went to hotel to get some money." Mahabang kasinungalingan niya.

Mommy, please forgive me if you are hearing me right now. I know that lying is bad. Hindi nagkulang noon sa paalala ang kaniyang ina na masama ang pagsisinungaling noong nabubuhay pa ito. She's never been comfortable on lying to anyone. Even to herself.

Ngunit kahit hindi siya eksperto sa pagsisinungaling ay mukhang kinagat naman ng tatlo ang palusot niya.

"That was so unusual of you." Komento ng kaniyang amo habang inilalagay na ang mga naihaw na pusit at isda sa isang mahabang dahon ng saging. "You don't usually tend to forget those things, especially as little as that."

"Oo nga, Miss Kind." Si Mina iyon. "What Mr. Buenavista did was really shocking. I mean, we all know na magaspang ang ugali niya ayon sa mama niya, pero iba pa rin pala kapag nakita mo sa personal."

"Masyado rin kasi tayong abala kahapon. Madami tayong inasikaso," pagkampi sa kaniya ni Danita. "And lifting you like that is something what I imagined Mr. Cruel Buenavista would definitely do. Masungit daw ang taong iyon e, at workaholic."

Tama ang lahat ng sinabi ni Danita. Gusto niyang mag-agree sa mga sinasabi ng katrabaho ngunit wala namang namutawing salita mula sa kaniyang bibig.

"It must have slipped my mind, Mina. I was really tired yesterday." She gave Ashton a puppy eyes, parang sinasabi niya sa sariling boss kung gaano sila nahirapan sa trabaho. Inirapan naman siya ni Ashton ngunit may ngiti sa labi nito.

"Buong araw ka din kasing hindi nakakain, Miss Kind." Tumango-tango siya.

"Oo na! Pagod na pagod ka na!" Pabirong hinatak ng kaniyang boss ang buhok niya. Nagkatawanan sila dahil doon. Paminsan-minsan ay lumalabas ang tunay na kasarian ng kanilang amo. "Tara na at kumain na tayo."

Pinanatili na niyang tikom ang kaniyang bibig pagkatapos. Hindi niya maaaring sabihin sa mga ito ang kabaliwang nangyari sa loob ng elevator kani-kanina lamang.

The rest of her day went pretty normal. Pagkatapos nilang kumain ay napagdesisyunan nilang mag-island hopping. Sakay ng isang motorboat ay ipinunta sila ng tour guide sa mga puno ng mangrove sa hindi kalayuan. Dinala rin sila ng tour guide sa likuran ng isla na talaga namang may mga naglalakihang mga bato na iba't iba ang hugis. Namangha siya sa itinatagong ganda ng isla na iyon.

Nung una nga ay namroblema pa silang pare-pareho dahil wala silang mga dalang cellphone. Mabuti na lamang at may dalang kamera ang tourist guide na nakabalot sa isang waterproof na lagayan, kaya naman hindi sila nawalan ng larawan para doon. Minsan lang naman kasi ang bakasyong iyon, sayang namab kung hindi nila makukuhaan ng photo memories.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن