FIFTY TWO

428 14 4
                                    

Pilit na itinutulak palayo ni Kind ang binata ngunit mas lalo pang lumalim ang halik nito. Nag-unahan sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Ngunit hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa galit.

Ano ba ang problema ng lalaking ito? Kung ipagtabuyan siya nito kahapon at noong nakaraang gabi ay grabe. Para siyang nakakaistorbo sa buong buhay nito noong pinaaalis siya nito, at ang masama pa ay sa harapan ni Shyra. At ngayon, heto at nilalakumos nito ng halik ang kaniyang labi.

Marahas niya itong itinulak at pinunasan ang kaniyang labi. Matalim ang mga mata niya habang nakatingin dito. "What the hell is your f**king problem!" Marahas din niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. Mababa at may diin nitong sabi. Pinipigilan niya ang pagtaas ng boses dahil nasa harapan lamang sila ng bahay ng mga magulang ng binata. Ni minsan ay hindi rin siya nagmura sa harap ng binata.

Galit siya. Galit na galit siya. Masamang-masama ang kaniyang loob dahil hindi niya gustong nag-aaway silang dalawa. Sabi nila, ang pagkakaroon daw ng hindi pagkakaunawaan ang nagpapatibay ng isang relasyon. Kung ganoon pala ang magpapatibay sa isang relasyon, bakit hindi na lang mag-away ang lahat ng magkarelasyon?

Oo, alam niyang abala ang binata. Alam niya kung gaano kahalaga ang trabaho nito; alam na alam na iyon magmula pa lamang sa unang araw na magkakilala silang dalawa. Hindi naman siya nagde-demand ng oras dito. Ngunit ang hindi magparamdam ng dalawang linggo? At ang pakita niya dito na kasama si Shyra, na nauna nitong maging fiance? Hindi niya iyon basta mapapalagpas. Tao rin siya. May hangganan ang kaniyang pagtitimpi at pasensya.

Walang namutawing salita mula sa bibig ng binata. Nakita niyang kinuha nito ang singsing na ibinalik niya rito mula sa bulsa ng slacks nitong suot. Lumapit ito sa kaniya at akmang kukunin ang kaniyang kamay.

"Please, wear this ring. I know it is confusing, but I swear, this marriage will be pushed through. You will understand what is happening soon enough." Walang ekpresyon sa mukha ng binata habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"No!" Mataas ang boses niya na sabi at iniwas ang kaniyang kamay. Ni minsan hindi pa niya ito napagtaasan nang boses dahil sa galit. Ito ang kauna-unahang beses. Hindi na kasi niya iyon matiis. "Hinding-hindi ko susuoting muli ang singsing na iyan hangga't hindi mo pinapaliwanag sa akin ang nangyayari."

"I... I can't explain it." Kita sa mukha nito ang paghihirap. "P-please understand me."

Can't, sabi nito. Ibig sabihin may pumipigil sa binata na gawin iyon. Si Shyra ba?

"Then I will not marry you."

Bumalatay sa mukha nito ang sakit, ngunit wala siyang pakialam roon. Mas masakit ang ginawa nito sa kaniya nitong mga nakaraang linggo na hindi man lamang ito nagparamdam, mas masakit ang pagpapaalis nito sa kaniya sa harapan ni Shyra, at mas lalong mas masakit na pilit pa rin nitong isinusuot sa kaniya ang singsing na iyon gayung nagtatago naman ito ng sikreto. Please understand me? Paanong pag-intindi ang gagawin niya kung wala nga itong sinasabing kahit ano? Miski sorry, wala siyang narinig.

Mas lalong kumulo ang kaniyang dugo. Miski paghingi ng tawad sa mga ginawa nito, hindi masabi ng binata.

Akmang tatalikuran na niya ito nang hablutin nito ang kaniyang braso. Lumuhod ang binata sa kaniyang harapan at niyakap ang kaniyang mga tuhod. "Please, don't do this to me, Kind."

Huminga siya nang malalim. Sinapo niya ang mukha ng binata at pinatingala ito sa kaniya. She smiled at him. "Cruel, you did this to your self." Yumukod siya at may ibinulong rito, dahilan upang unti-unting mabitawan ng binata ang kaniyang mga tuhod. Hindi makapaniwala ang ekspresyon nito at awang ang labi.

Tuluyan na niya itong iniwan at dire-diretsong lumabas mula sa gate. Agad niyang pinara ang dumaan na taxi at sumakay doon. "Manong, sa airport ho."

Now, she's the one who's being cruel. She wants to give him a taste of his own medicine. Kung talagang mahal siya ng binata... kung talagang gusto siya nitong pakasalan, makakagawa ito ng paraan.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Where stories live. Discover now