"Ha. Ha." sarkastikong sagot ko.

"Biro lang! Eto naman oh. Anyway, bakit may "T" sa cane mo?"

"Galing kasi 'yan kay Tammy."

"Awww! Cutie patuti. Eh, anyare sa inyo?"

"Wala ka na do'n."

"K-dots."

Babae

6:something

Ang lakas pa naman n'yang magpayo ng, 'Open up. That's how you heal.'

"May girlfriend ka ba?" tanong ko para magsimula ng bagong topic.

"Huh?"

"Bingi ka ba"

"Bastos ka ba?"

"Ooohh! Hep-hep! Sabi mo open up."

"Sorry." mahinang sagot ni Frank.

"Eh, ano na nga? May girlfriend ka ba?"

"Wala. I never had one. Masyado akong naging busy sa paghihintay."

"Sinong hinihintay mo? 'Yong Tammy?"

"Oo." sagot niya.

"Nako ha. Okay lang bang kalimutan mo muna s'ya kahit ngayong gabi lang?"

"Paano?"

"I have my own sets of miseries and you have yours. I think we should, perhaps, pretend--kahit mag-pretend lang--na carefree. Ako na ang una mong girlfriend. Oha, hindi mo kailangang manligaw. Narito na ang isda, kusang lumalapit sa hook. Handang ialay ang gills n'ya para makahinga ang naghihingalo mong chuvachuchu."

"Nasususka ako."

"Kasyado mo!" sabay hampas ko sa balikat ni Frank.

"Biro lang."

Nakita ko s'yang ngumiti. Napangiti rin tuloy ako.

Lalaki

6:32 PM

"Uy, ano tawagan natin?" tanong ni Pearl.

"Malay ko."

"Oh sige. Dahil napaka-active mo sa 'pseudo-jowaan-moment' natin, honey-pie-muffin-kakanin-puto-bum-bu-rum-bum-bum-bu-rum-bum-bass nalang ang tawagan natin."

Hindi ko alam kung ano'ng problema ng isang 'to. "Gusto mong maglibot? Kung ano-ano na nasasabi mo, eh."

"Oh-to-the-Em-to-the-Gee! At last, naghatid ka rin ng magandang pangitain. Halika, bilis! Tara sa park!"

Babae

7:20 PM

Tumayo agad ako, nagpagpag ng buhangin, at dinampot ang tungkod ni Frank. "Oh ano na? Tumayo ka na rin! Bilis!" iniabot ko ang kamay ko.

"Teka, nasa'n na 'yong tungkod ko?" sabay kapa niya sa tungkod niya.

"Nasa akin na. Humawak ka sa kamay ko, dali," tinulungan ko s'yang tumayo.

Malapit na kami sa Park noong nagsimula ulit akong magsalita. "Alam mo dati... Lagi kaming pumupunta ni Arthur sa park tapos may nilalaro kami."

"Dapat ba akong magselos dahil ako ang boyfriend mo sa mga oras na ito at hindi ka dapat nagkukwento tungkol sa ibang lalaki? Ano ba 'yong laro n'yo nung Arthur?" tanong ni Frank nang makarating na kami sa park.

Umupo muna kami sa isang bakanteng bench, inalalayan ko siya.

"Ganito. Magsisimula tayo sa isang tanong. Tatanungin muna kita. Tapos, s'yempre, sasagutin mo. After mo sumagot, ikaw naman ang magtatanong. Tapos, ulit-ulit na. Gano'n. Gets mo?"

The AuditionsKde žijí příběhy. Začni objevovat