"Uy! Ayan na ang CassNiel loveteam! Ayieee!" Kantsaw nang mga kaklase sa aming dalawa. Feeling ko namumula 'yong mukha ko kasi nakakahiya talaga! Tiningnan ko yung reaksyon ni Miggy pero nakangiti lang siya sa akin. Tsk.

"Bitiwan mo nga ang kamay ko! Nahihiya ako!" Bulong ko sa kanya. Narinig kong huminga siya nang malalim at biglang nagseryoso.

"Hindi kita kayang bitawan, Cass!" Aniya at tumingin sa akin nang seryoso. Naiilang naman ako 'pag nagiging seryoso siya sa harapan ko. Kaya idinaan ko nalang sa biro ang sasabihin ko sa kanya.

"Aysus! Totoo ba 'yan, hah? Haha!" Litanya ko sa kanya at pilit akong tumatawa. Pero seryoso pa rin siya sa itsura niya pero patuloy pa rin ako sa kakatawa. Papunta na kami sa mga upuan namin.

"Seryoso ako Cass. Baka 'pag binitawan kita, may sasalo sa'yong iba!" Aniya at pumunta na sa kanyang upuan. Natigilan ako sa sinabi niya sa akin at parang nag-rerepeat yung sinabi niya sa utak ko.

"Baka 'pag binitawan kita, may sasalo sa'yong iba!"

"Baka 'pag binitawan kita, may sasalo sa'yong iba!"

"Baka 'pag binitawan kita, may sasalo sa'yong iba!"

Natauhan nalang ako n'ong may tumawag sa pangalan ko, at napalinga-linga pa ako sa paligid para hanapin ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"Hoy Cassandra, and'yan na si sir. Umupo ka na sa upuan mo!" Paalala ni Miggy sa akin at napatango nalang ako at lutang na naglakad patungo sa upuan ko.

***

Natapos na naman ang araw at andito ako ngayon sa kwarto ko. Magsusulat na naman ang panibagong blog ko for the day.

...

Dear Mr. Kupido,

Bakit gan'on? Palagi niya akong inaasar araw-araw, pero bakit parang biro nalang 'yon pagdating sa akin? At kahit inis na inis na ako sa kanya sa kakaasar sa akin, ay bakit agad din naman nawawala ang inis ko? Shutangnes! Naguguluhan talaga ako ngayon sa nararamdaman ko. Para akong mababaliw sa kakaisip nang sagot.

Ano ba ang meaning nito? Inlove na ba ako kay Miggy? But yucks! Ayaw ko pa talagang ma-inlove, e. Tsk. Bahala na si God sa akin. Mukhang hindi ko na yata 'to mapipigilan. Paninindigan ko nalang siguro ang nararamdaman ko. At parang kinakain ko lang 'yong mga sinabi ko kahapon tungkol sa'yo. Hay nako.

Yours truly,

Annastasia Cassandra Reyes

...

Pagkatapos kong i-post ang blog ko this day, napahiga nalang ako dahil sa stress na natanggap ko this day. Nakakapag-pabagabag talaga sa akin ngayon 'yong sinabi ni Miggy sa akin kanina. Ugh kainis!

"Bakit ba ayaw mong mawala sa isipan ko, Daniel Miguel Sanchez! Ugh, I hate you!" Sabi ko sa sarili ko at tinabunan ko nang unan 'yong mukha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. At dahil sa kaiisip ko nang sagot sa mga tanong ko, ay nakatulog ako.

***

Miggy

Nakaraan ang dalawang linggo at napapansin kong parang umiiwas sa akin si Annastasia. I don't know what her reason why she was avoiding me this past few weeks. At wala talaga akong kaide-ideya kung bakit niya ako iniiwasan. At eto ako ngayon, parati ko nalang siyang minamasdan. May part sa sarili ko na nagsasabing lalapitan ko siya at kakausapin, pero may part din sa sarili ko na nag-sasabing 'wag muna. Hay nako.

Malapit na ang JS Prom namin, at gusto ko sana siyang tanungin kung okay lang ba siya ang magiging kapartner ko sa araw na 'yon. At ngayon ay nagka-klase kami ngayon at mukhang tahimik lang siya saka seryoso.

The AuditionsМесто, где живут истории. Откройте их для себя