chapter 13

31 6 3
                                    

╔═══════ ❄ ◦ ❆ ◦ ❄ ═══════╗

chapter 13

We'll Be Here by the Door

Olivia

"Tikman mo nga 'tong Champorado at baka kulang sa timpla," sabi ni Nanay Priscilla habang tumutulong ako sa pagluto. She blows the hot Champorado from the spoon before giving it to me.

It's sweet and savory. "Masarap po. Tama lang po, 'yong timpla po."

Ngumiti agad si Nanay. "Buti naman. Dinagdagan ko 'tong niluto namin para may iuwi kayo."

"Priscilla, ano ka ba, itong mga pandesal na iniinit mo nakalimutan mo na naman!" tawag ni Lola Marta.

"Pakitanggal na nga!"

Hindi nila kami pinaalis agad pagkatapos ko silang turuang mag-crochet ngayong Sabado. Nanay Priscilla insists that we wait since they'll cook for us. Kaya dahil nahihiya, tumulong na lang akong magluto. Even Everett, who I think doesn't really cook, tries to help by chopping the ingredients earlier.

"Naku, ineng, kailangan mo pang turuan ang nobyo mo, hindi pa pantay-pantay ang hiwa niya," sabi ni Lola Berna habang nilalagay ang mga gulay na hiniwa ni Everett kanina sa kawali.

Shocks, boyfriend ko na naman siya.

"Hindi niya nga raw nobyo!" inunahan na ako ni Nanay.

"Ah, hindi pa ba?"

"Hindi po, um, magkaibigan lang po kami."

"Ano naman ngayon kung hindi marunong ang nobyo niya, ang importante ikaw marunong ka, ano. Kaya palagi kang pupunta rito para maturuan ka naming magluto!" si Lola Marta at pinatikim sa akin ang ginawa niyang bilo bilo. The savory rice balls stick in my tongue.

"Ang sarap po."

"Siyempre naman! 'Yan ang paborito ng mama mo no'n, ang luto kong 'yan kaya niya binabalik-balikan."

I smile with that. I just know she likes dessert then, now I know specifically what she likes.

"Uhm, sa susunod po, kaya naman ang igagawa ko. Mahilig po ba kayo sa kape?"

"Kape? Ay sus, ineng, 'yon ang tubig namin!"

"Ipagdadala ko po kayo sa shop ko sa susunod, masarap raw po akong gumawa ng kape sabi ni Mama."

"Gusto ko 'yan, gusto ko 'yan!" sabi ni Nanay Priscilla.

"Hindi pa ba luto 'yan!" tawag ni Lolo Tony sa labas ng kusina. Dahil babae ang mga nagluto, naglalaro na naman ng mahjong ang mga matandang lalaki.

"Ano't maghintay ka nga! Asus, puro lang kain ang alam niyo!" sagot ni Lola Marta sa asawa. "Puro na lang mahjong ng mahjong, wala ng ibang ginawa kun'di maglaro ng maglaro!" Lumabas pa si Lola 'tsaka piningot si Lolo.

Natawa na lang ang dalawang kasama kong matanda.

"Hay naku, masanay ka na sa dalawang 'yan. Parang mga aso't pusa minsan."

"Aray ko po! Tama na nga!"

Watching them bring back memories of how I've always wanted then to see my mother and father to grow old together. Kahit pa mag-away sila, basta magkasama lang. O kahit makita ko lang na umupo sandali si Mama sa tabi ng upuan ni Papa, hindi 'yog nagmamadali siyang umalis makita pa lang ang kotse ng tatay ko. Innocent dreams.

"Sus ko po! Dugo!"

Shocks! Napakirot ako nang marinig ang sigaw ni Nanay Priscilla. Kaagad ko siyang liningon at linapitan.

"Okay lang po kayo?"

There's a small cut in her fingers where the blood flows. "Dumudugo, dumudugo!"

Pero nagulat ako nang makita siyang naghihisterya at biglang nagwawala habang tinitingnan 'yon. Nanginginig ang kamay niya habang tinuturo ang dugo. The falling tears in her eyes mix with the flowing blood from her finger.

Agad na lumapit sina Lolo at hinawakan siya nang mag-umpisa siyang hindi mapakali. The three elders try to calm her down while I dial her daughter's number.

I'm too astound to do anything watching her weep in panic.

"What happened?" asks Everett.

"Nakakita lang siya ng dugo, tapos, tapos... 'yan."

❄ ❄ ❄

"Ayos na ba si Nanay?" tanong ko kay Ate Beatrice pagkalabas niya ng kwarto ni Nanay.

"Sina Nika?"

"Uh, pinasok ni Everett sa kwarto nila."

Tumango-tango siya 'tsaka umupo sa tabi ko. Kitang kita ang pagod at pag-aalala sa mukha niya. Paulit-ulit na bumubuntong at nakahulog ang labi.

"Nakapagpahinga na. Okay na naman siya."

"Oh... okay. Buti naman kung gano'n."

"Pasensya na, ha, nagulat ka yata," sabi niya.

Umiling ako. Nagulat nga ako, pero mas nag-aalala.

Nahulog ang balikat niya. "Dahil 'yon sa trauma niya. Pinasok ang bahay nila nang magka-gyera, seven years old pa lang si Nanay. Siya lang ang nakaligtas sa pamilya nila."

"Kaya natatakot siya sa dugo..."

"At kaya natatakot siyang maiwan mag-isa sa bahay."

"Mabuti na lang natawagan mo ko, at mabuti na lang may kasama siya." Sinapo niya ang noo at muling bumuntong. "Kaya hindi ko siya maiwan ng mag-isa eh."

But then again, except those times that she sneaks and try to go out alone, I don't think she'll ever be left alone. For there are other people—except for us— who cares for her. Lumingon ako sa pinto kung saan sa may teresa naghihintay pa rin ang mga amiga niya.

"Um... I don't think she'll be alone. Nandiyan sila, 'yong mga kaibigan niya, I mean."

"Alam nila... kaya palagi silang nandiyan."

They knew, so they stayed.

Something about that tickles my heart. Maybe it's amazement knowing that there are people who— despite their old age and aching backs— didn't hesitate to stay by their old friend's side to keep her safe.

I've mastered solitude for long that companionship seems to blur away from my understanding.

Or so until that winter day when a man covered in snow with melancholic eyes made his way to the place where I stay, talked to me and reminded me of the things that I've once forgotten.

❄ ◦ ❆ ◦ ❄

Home for WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon